~~ Kabanata 12

30 1 0
                                    

"Good morning mommy! Look!" Proud kong pinakita kay mommy ang trophy namin!

"Wow! Congrats Sab! I'm so proud of you." Lumapit sa akin si mommy, niyakap nya ako at hinalikan sa noo.

Naalala ko yung nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nasa ulap. Sobrang saya ko talaga. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari at sa mga ginawa ni Alex. Gusto ko na sana s'yang ikwento kay mommy, kaya lang biglang dumating si daddy. Ayaw pa kasi ako nitong payagan mag-boyfriend hanggang di pa ako nakakatapos.

Well, 1 year na lang naman eh, konting tiis na lang..

"Hi baby, goodmorning!" hinalikan nya ako sa ulo at nakita nyang hawak ko yung trophy kaya pinakita ko pa lalo yun sa kanya para mabasa nyang mabuti ang nakasulat doon. Ngumiti sya sa akin.

"Congrats baby! I'm so proud of you. Tara, let's eat somewhere. Let's celebrate!" nakangiting sabi ni daddy at tinakpan ang tenga nya, alam nya na kasi ang magiging reaction ko, alam nyang titili ako sa tuwa dahil minsan lang sya makapagyaya. Usually it's me or mom ang nag-aaya sa kanya.

"aaaaaaahhhhhhhhhhh!!!! Thank you dad!!" niyakap ko sila ni mommy ng mahigpit. Excited akong tumakbo sa kwarto ko. Naligo at nagbihis.

Para akong bata habang naglalakad sa mall na may mga dalang paper bag "Mom, Dad, thank you po dito!" Binilhan nila ako ng bag, sapatos, damit, perfume, at kung ano-ano pang kaluhuang tinuturo ko.

Nakita kong may missed call si Aki at may text.

"hey Sab, asan ka? i want to show you something."

"I'm here in rockwell. Why? Anong ipapakita mo?"

Napatingin ako sa isang sikat na boutique for men's jeans. Meron itong isang malaking poster na naka-hang sa kanilang window display. Una akong napatingin sa katawan ng lalaki.

Wow.

The abs.

The shoulder.

The muscles.

The face.

Wait, what??!!

Napakurap ako at nilapit ang mukha sa salamin. Nanlaki ang mga mata ko at napanga-nga sa nakita ko.

Wwhhhaaaaatttt????!!!!

Si Aki 'to ah!!

Tumingin ako kina mommy at daddy, natawa ako nang pareho silang nakanga-nga din sa nakita nila!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Aki.

Antagal sagutin ha.

"Hello, Sab? . . ."

Pinutol ko na ang pag sasalita nya.

"Hoy ikaw ha, we're here in front of your freaking poster! Nagmomodel ka na pala di mo man lang nakwento sa akin 'to ha. Nakakainis ka!"

"Hahahaha, relax! I'm also here in Rockwell. Wait, pupuntahan kita dyan."

Pinatay nya na ang line.

Maya-maya ay nakita ko syang palapit na sa amin.

Niyakap nya si mommy at umapir kay daddy. Sa akin naman ay tumatawa lang sya, habang ako ay nakasimangot sa kanya.

"Hijo, kelan ka pa naging model dito? This shot is amazing! Ang gwapo mo lalo dito." Sabi ni mommy at napatingin ulit sa poster.

"Thank you tita, actually last week lang po.. Ngayon lang po ni-launch yang poster campaign na yan." Proud nyang kwento kay mommy.

"Nakita na ba ng parents mo ito?" tanong ni daddy.

The Weird OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon