Malapit na ang exam. Kaya madalas na namin nagiging tambayan ang library.
Naging busy na kami sa pag-aaral. Motivated lalo ako ngayon dahil kay Alex. Hihi
Ewan ko pero, M.U na ata kami? Parang ganun eh, ayoko naman magtanong, basta, go with the flow na lang.
Lunch time na, nasa cafeteria kami kasama ang ilan naming mga classmate.
Nasa may bandang dulo ako nakaupo, katabi ko si Alex at katabi naman nya si Aki.
"Hey Mika ano yan? Patikim nga nyan!" tumayo si Aki at lumapit kay Mika na katabi naman sina Stan.
Ang takaw talaga ng isang 'to. Di na inintay na alukin sya.
"Chocolate mousse 'to Aki, ginawa ko kanina bago pumasok. Let's eat guys!"
Ang sarap ng mousse! Super chocolatey pero di nakakaumay!
Nagkatinginan kami ni Alex, at mukhang gustong gusto nya din ang mousse. Ang cute talaga nya. Yung dimples, shit!
Natawa ako nang pagtingin ko kay Mika ay nakikipag agawan na sya kay Aki ng last portion ng mousse!
"Hey Mika, this is sooooo good! Thank you for this!"
"You're welcome Sab." sagot ni Mika na naagaw na kay Aki ang mousse at agad nya itong sinubo!
Poor little Aki.
Nakita kong pabalik na si Aki, pero napatingin sya sa akin at tumigil sya at kinindatan ako.
Tiningnan ko sya ng masama. Lintek ka Aki anu na naman ang gagawin mo?!
Alam na alam ko yang mga ganyang tingin eh. May kalokohan na namang gagawin 'to.
May binulong sya kay Alex at tumingin sila pareho sa akin.
Sabi ko na nga ba eh,
"Alex, Sab is really beautiful, isn't she?" nakangising sabi nya kay Alex.
Namula ang pisngi ko sa sinabi nya. Langya ka talaga Aki,
Bumaling sa akin si Alex at tinitigan ako, ayan na naman sya shit!
"She's more than beautiful. She's almost perfect."
BOOM! panis ka na naman Aki! hahaha! Kilig much amp! PBBTeeeeeens?! hahaha
nakasmile sya sakin. Those eyes. His smile. His dimples. Haaaaay!
Nakakalaglag panga talaga sya. Palagi syang gumagawa ng mga bagay na kinaka-kiligan ko ng sobra!
Nanlaki ang mata ni Aki, at natuwa sa narinig nya kaya bigla syang nagsalita,
"Guys, bagay sila Sabrina at Alexander noh? May chemistry oh!" Malakas na sabi ni Aki habang tinuturo kami.
Kahit yung kabilang table ay napatingin sa amin.
Nanlaki ang mga mata namin ni Alex at napatawa kami pareho!
Langya ka Aki! Napapa-iling na lang ako. Nakakahiya! Kahit kelan ka talaga!
Narinig ko ang mga kantsawan nila sa amin.
"uuuyyy.. oo nga bagay!"
"Tama, bagay nga kayo!"
"bagong love team! SabLex!"
"uuuyyyy! i ship! i ship!"
"Bigla naman akong kinilig sa inyo!"
Halos lahat na ng estudyante sa cafeteria ay nakatingin na sa amin. Walangya, parang gusto ko na lang mawala bigla sa sobrang hiya!
Lahat sila ay nakatingin na sa amin, kaya napayuko na lang ako.
Hinawakan ni Alex ang ulo ko at tinanong ako "Are you ok?" Tumingin lang ako sa kanya at nag-smile.
Hindi ako nakasagot agad. Lumakas at bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Alam kong namumula na ako, hinawakan nya ang pisngi ko, tinitigan ang mga mata ko at pagkatapos ay hinawakan naman ang kamay ko. Pinisil pisil nya yun, pinapa-kalma nya ako.
Lalong nagsigawan ang mga estudyante sa cafeteria.
Kinikilig kayo ha.
Ako din eh. hihi
Nakakatuwa kasi lagi syang to the rescue para pakalmahin ako.
Kung sa bagay, sya naman kasi ang dahilan kung bakit ako kinikilig ng sobra, kinakabahan, nahihiya, nanlalambot, at natataranta, kaya syempre sya din ang pumapawi sa lahat ng yun.
Pinaparamdam nya sa akin na basta't andyan sya ok lang ang lahat. Wala akong dapat ipangamba. Di nya ako pinapabayaan.
Grabe, lalo akong nahuhulog sa kanya.
"Alex, ok na ako. thank you" bulong ko sa kanya at nagsmile.
Napatingin ako kay Aki na abot tenga naman ang ngiti.
Kinindatan nya ako at nag-thumbs up sya.
Haay, thank you best friend.
BINABASA MO ANG
The Weird Ones
HumorYou want your bestfriend to be happy. So you're helping her to be with her Chinito Prince. You're doing everything for the both of them. But as time goes by, while doing it, you will suddenly realize that you are already giving a big part of yoursel...