Prologue

139K 1.8K 17
                                    




Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Wala akong maramdaman kundi sakin at hapdi sa katawan ko. at masakit ang ulo ko.

"Miss?" Tawag ko sa babaeng nakatalikod sa tabi ko. Nilingon ako ng Nurse at inalalayan ako sa pagbangon

"Nasaan ako bakit ako nandito?" Tanong ko rito

"Naaksidente po ang Bus na sinasakyan niyo kanina, Marami po sainyo ang sugatan ang iba naman ay kritikal pa ang kalagayan. May mga namatay rin po. "

"Paano ako? Sino nagdala sakin dito?"

"Yung lalakeng kasama niyo po sa Bus na naaksidente. Nandito lang po siya kanina. Bayad na po ang mga bills niyo at ang mga gamot niyo." Parang hindi mag sink in ang sinasabi ng Nurse sa akin.

Papauwi ako kanina sa probinsya namin dahil kakauwi ko galing Abroad. nagtrabaho kasi ako ng mahigit dalawang taon sa Abroad para pagipunan sana ang kasal ko kaso hindi natuloy at tinangay ng bastado kong nobyo ang lahat ng Ipon ko. Tapos naaksidente pa ang bus na sinakyan ko. Ano pa bang kamalasan ang mangyayari sa akin?

"May Identification Card bang iniwan yung lalake o kaya naman Business Card?"

"Wala po Miss, Umalis na po siya kanina."


At sino namang Tangang hindi magpapabayad sa ginastos sa akin sa Hospital? Diba ganun na din yun hindi siya nang iwan ng I.D o kaya pangkontakan ko para bayaran. Nilibe niya ako kase trip niya ganun? Ang labo.


Pero kung sino man ang Lalakeng iyon, Niligtas niya ako.Kung sino man siya. gusto ko siyang pasalamatan sa Ginawa niya sakin....

******************



From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon