Teaser

1.3K 23 0
                                    

Walang nagkakagusto sa kanya, walang pumapansin at kung mayroon man ay lalaitin lamang siya, walang may gustong makipag-usap sa kanya dahil animo'y kukulamin niya ang mga ito. Sino ba naman si Andeng para pag-aksayahan ng panahon ng sinuman, hindi naman siya kabilang sa mundo ng mga ito dahil isa siyang hamak na pangit at mahirap, na walang sinumang gustong pumapansin, kahit nga ang mga magulang niya ay iniwanan at inayawan siya.

Ang gusto lang naman niya ay matanggap siya ng mga tao sa lipunan kahit hindi siya maganda at mayaman, umaasa din siyang sana ay mahalin siya ni Donnie Panganiban, ang lalaking matagal na niyang crush, nang totoo at wagas, na gaya ng mga sa napapanood niya sa TV, ngunit hindi na siya aasa pa dahil hanggang pangarap na lang siya.

Ngunit isang araw ay may tinulungan siyang isang matandang babae sa school, at dahil sa kabaitan niya ay binigyan siya nito ng isang pares ng red stiletto shoes, tatanggi sana siya ngunit biglang naglaho ang matanda.

At mukhang magiging posible na ang pangarap niyang matanggap ng lipunan at mahalin ng lalaking inaasam-asam dahil sa mahiwagang pulang sapatos na ibinigay ng misteryosang lola sa kanya. The red shoes have a power of making the bearer beautiful.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon