17

327 8 0
                                    

"SI ANDENG, nasaan si Andeng? Ayos lang ba siya? Ano ba talagang nangyari?" panic na sabi ni Donnie.

Nasa likuran nito si Salome na noon din ay alalang-alala din ang hitsura dahil sa nabalitaan mula kay Maricor na nagkaroon ng sunog sa isa sa mga kuwarto sa bahay ampunan. At saktong napadaan no'n si Andeng kaya siya ang tumulong para palabasin ang sampung mga batang nasa edad onse pababa, na-stuck sa loob ng kuwarto.

Si Andeng din ang nagbasa ng kumot para maapula at mapatay agad ang sunog na nagmula sa paglalaro ng mga bata ng kandila. Kalahati ng kuwartong 'yon ay nasunog at muntik pang masunog ang damit ni Andeng dahil sa slight na panic na naramdaman niya.

Dinala ang dalaga sa malapit na government hospital dahil sa suffocation, marami siyang usok na nalanghap kaya nahirapan siyang huminga. Nawalan siya ng malay nang maapula niya ang sunog. Mabuti na lang at napatay niya agad 'yon dahil kung hindi ay baka kumalat sa buong bahay ampunan at baka maisali pa ang tirahan nila doon at ang kumbento dahil magkakalapit lang naman ang mga ito sa isa't isa.

"Maricor, nasaan si Andrea? Kumusta na siya?" nag-aalalang tanong ni Salome. Agad namang dinala ni Maricor sina Donnie at aling Salome sa emergency room si Andeng, kung saan ito temporary na nakahiga, may nakakabit na oxygen mask sa ilong nito para maibalik ang luwag ng paghinga niya, ngunit nakamulat na siya ng mga mata.

Agad nakalapit sina Donnie at aling Salome sa dalaga. Mabilis hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay at halos maiyak ito sa napabalitaang nangyari tungkol sa kanya.

"Anak, pinakaba mo kami nang husto, salamat at nasa mabuti ka nang kalagayan." Teary-eyed na sabi ng ina.

Tipid ding ngumiti si Andeng. Masayang-masaya siya dahil bukod sa mga kaibigan niya at sa mga matatanda at padre at madre sa kumbento ay may ina na siyang mag-aalala at mag-aalaga sa kanya. Agad na bumigay ang puso niya para sa ina ramdam niya ang kalungkutan at paghihirap nito nang mawalay siya dito. Iyak ito nang iyak nang mayakap siya nito lalo na nang tuluyan niya itong tinawag na Nanay. At sa wakas ay may tinatawag na siyang Nanay.

Masaya din ang lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya dahil nagkita na sila ng kanyang Nanay, nakakalungkot lang dahil wala na pala ang Tatay niyang nagpa-ampon sa kanya sa ampunan. Hindi siya galit sa ama, may kaligayahan din sa puso niya na kahit gano'n ang ginawa nito ay marami siyang nakilalang tao na naging parte ng buhay niya—dahil kung hindi nito ginawa 'yon ay wala ang mga kinikilala niyang kaibigan at kapamilya ngayon.

Lubos ding nagpapasalamat ang kanyang ina sa mga padre, madre at sa mga matatanda lalo na kay lola Marcelina at sa mga kaibigan niya sa pagtrato sa kanya nang mabuti at sa pagmamahal. Na-miss niya nang husto ang kalinga at pagmamahal ng isang ina na ngayon ay natagpuan na niya. She felt so complete!

"Okay ka na ba, Andeng? May masakit ba sa 'yo?" si Donnie, na noon ay sobrang nag-aalala para sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang mukha kaya parang may kiliting gumapang sa kanyang katawan. Ramdam niya dito ang pagmamahal—siyempre ng isang kaibigan dahil 'yon lang naman siya dito.

Tipid uli siyang ngumiti at saka nag-thumbs up sa lalaki. Ang sarap sa pakiramdam niya na makita ang mga taong ito na lubos na nagpapahalaga sa kanya. Naroon din no'n ang mga madre at padre at ang mga matatanda at bata para dalawin siya. Kaso pinalabas lang ng mga nurses dahil nagiging crowded na sa loob.

At dahil sa ipinamalas inyang kagitingan at pagmamahal sa mga bata, nang sumunod na araw ay nagulat na lang siya nang may local TV news reporter ang dumalaw sa kumbento para hingan siya ng interview sa naganap na sunod at sa pagtataya niya ng kanyang buhay sa mga batang hindi naman niya kaano-ano, at dahil sa interview na 'yon ay umani siya ng mga papuri sa iba't ibang mga tao dahil sa ginawa niyang katapangan. Proud na proud sa kanya ang lahat at masaya din siya hindi lang sa nangyayari sa buhay niya kundi dahil safe ang mga mahal niya sa buhay.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon