Magical 9

299 10 0
                                    


HUMINGA nang malalim at bumuga ng hangin si Andeng bago siya tuluyang lumabas ng CR, sa loob ng school gymnasium. Nagpunta siya sa school gymnasium para makita si Donnie, at kasalukuyan ay suot niya ang pulang sapatos na iniregalo ng di-kilalang matanda sa kanya! Tinernuhan niya 'yon ng pulang dress at wala siyang nasabi sa kinalabasan ng kanyang hitsur—she is the Goddess of beauty!

Kung bakit kailangan niyang makita si Donnie sa gano'ng anyo? Isa lang ang dahilan! Sa tulong ng pulang sapatos at nang magandang anyo niyang 'yon ay tutulungan niya ang binata na mailayo ito sa pagka-broken heart, na dulot ng girlfriend nitong si Rejoice. Ayaw niya itong masaktan kaya bago pa 'yon mangyari ay kailangan na niya itong mailayo sa babae.

Bakit kinailangan niyang mag-ibang anyo para tulungan ito? 'Yon ay dahil kapag pinaglayo niya ang dalawa bilang si Andeng, magmumukha siyang kontrabida sa mga taong nakakakilala sa kanya at ayaw niya ring masaktan ang kaibigan. Kaya ang 'magandang siya' na lang ang to the rescue. Hindi naman niya ito aagawin sa babae—kundi ibabaling lang niya ang atensyon nito sa kanya para mailayo ito!

Paglabas pa lang niya sa pintuan ng female CR ay naagaw agad niya ang atensyon ng karamihang nanunood doon; mapa-lalaki o babae man. Nanlalaki ang mga mata ng mga lalaki at nakaawang naman ang mga labi ng mga babae sa pagkamangha ng ganda niya—gano'n-gano'n din siya nang makita niya ang sarili niya sa repleksyon ng salamin nang isuot niya ang pulang sapatos. Nag-uumapaw siya sa kagandahan.

Napangiti pa siya nang makita niyang halos magkanda-patid-patid ang mga players na nagpa-practice sa court dahil sa paglingon ng mga ito sa kanya, nagkakasakitan na rin sa pasahan ng bola dahil sa kanya nakatingin ang mga ito imbes na sa katapat na player. Ang hirap palang maging maganda! Nakangiting sabi niya sa sarili.

Saka siya tuluyang naglakad para maupo sa likod ng bench ng mga players. Nang sabay-sabay na nag-Hi ang mga players sa kanya ay agad siyang gumanti nang tipid na ngiti sa mga ito, naghiyawan pa ang mga ito dahil pinansin niya ang mga ito. Naisip tuloy niyang mababaw din pala ang kaligayahan ng mga lalaking nakaka-encounter nang magagadang mga babae.

At sa titig naman ng mga babae ay parang gusto na siyang balatan ng buhay. Lihim siyang napailing. Nagulat siya nang mag-half break ay tinabihan siya ng isang player, Hizon ang nakasulat na apelido sa likuran nito.

"Ano'ng pangalan mo, miss? Ngayon lang yata kita nakita dito sa school?" nakangiting sabi nito. Lahat tuloy ng players ay nagsilapitan na sa kanya at napapalibutan na siya ng mga ito. Hindi niya maiwasang ma-disappoint dahil ang lalaking gusto niyang makita ay wala pa sa practice game.

"I-I am new here," tipid na sagot niya. "Just call me And—Anne." Pagpapakilala niya.

"Anne... What a beautiful name, bagay na bagay sa 'yo." Nakangiting korus ng mga kalalakihan. Gusto tuloy niyang mapangiwi sa mga ito, nakakita lang ng maganda, e. Asus!

"Hindi ba maglalaro si Pangaiban ngayon, guys?" si Zack ang nagsalita, na saglit lang lumingon sa kanya bago bumaling sa mga kasamahan.

"Captain, nagpaalam siya kay coach na may swimming practice din siya ngayon para sa nalalapit na inter-University swimming competition." Sagot ng isang player.

"Halimaw naman kasi sa sports ang isang 'yon, lahat sinasalihan! Kaya maraming fangirls, e." natatawa namang sabi ng isa.

So, hindi pala ngayon maglalaro si Donnie ng basketball. Malamang nasa swimming pool ito, kaya doon na lamang siya pupunta. Tumayo na siya sa kinauupuan at nagpaalam sa mga kausap, gusto pa nga siyang ihatid ng mga ito sa pupuntahan niya ngunit hindi na niya hinayaan ang mga ito.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon