Kinusot niya ang kanyang mga mata. Sino ang babaeng nasa harapan ng salamin? Pinanindigan siya ng balahibo at biglang napaatras, ngunit kung ano ang ginagawa niya ay gano'n din ang nangyayari sa babae sa harapan ng salamin. Napakunot-noo siya sa pagtataka. Ano'ng nangyayari? Itinaas niya ang kanang kamay, gumaya ang babae sa harapan ng salamin, itinaas niya naman ang kaliwang kamay at gumaya uli ang babae. Nag-make face siya at sumayaw-sayaw at gano'n din ang ginawa ng babae—pinagkakatuwaan ba siya?
"S-Sino ka?" tanong niya sa babaeng nasa salamin. "Ano'ng ginagawa mo sa loob ng salamin ko?" ngunit kung ano ang buka ng bibig niya ay gano'n din ang babae. Napailing-iling siya ng maraming beses at kinapa ang sarili, naguguluhan na talaga siya!
Narinig niyang kumatok ang lola Marcelina niya sa labas ng kuwarto niya, kakain na daw sila! Kaya binuksan niya ang pintuan para sumagot sa matanda ngunit napakusot ang mga mata ng lola niya at itinanong kung sino siya, kaya agad siyang humabi nang kuwento na kaibigan niya si Andeng. Muli siyang bumalik sa harapan ng salamin. Huwag sabihin ng salamin na ito na siya ang nasa loob n'yon?
Napatulala siya nang ilang minuto doon bago napabaling sa sapatos na suot niya. May kinalaman kaya ang sapatos at ang maliwanag na ilaw kanina sa nakikita niyang repleksyon sa salamin? May maysa-maligno ba ang sapatos na suot niya? Mabilis niyang inalis ang suot na sapatos saka siya dumistansya doon, nang bumaling siya sa salamin ay nakita na muli niya ang itim na balat sa kalahati ng kanyang katawan.
Naalala niya ang nakasulat sa maliit na papel na kasama ng sapatos; Nawa'y makatulong ang sapatos sa pagdagdag ng tiwala at pagpapahalaga sa 'yong sarili. Gamitin ng mabuti ang sapatos at nawa'y maging masaya ka sa kalalabasan. Kung iintindihin ng mabuti ang sulat ay parang ipinapahiwatig nito na makakatulong ang sapatos sa kanya para madagdagan ang confidence niya.
Kinakabahan siyang lumapit sa pares na sapatos. Kung gano'n, siya ba ang magandang babaeng nakita niya sa repleksyon ng salamin kanina? May kinalaman nga kaya ang pulang sapatos sa pagbabago niya ng anyo?
Dahan-dahan niyang isinuot muli ang sapatos at katulad kanina ay lumiwanag uli ang buong kapaligiran, nang mawala ang liwanag ay mabilis siyang bumaling sa harapan ng salamin at muli niyang nakita ang magandang babae. Tuluyan nang nahulog ang kanyang mga panga sa magkakahalong; gulat, amazement at pagtataka. Nakailang alis-suot siya sa sapatos bago nag-sink in sa isip niya nag-iibang anyo siya at nagiging Dyosa kapag isinusuot ang sapatos.
Bawal ipagsabi ang sekreto na mayroon sa sapatos kung hindi ay maaaring malagay ang buhay mo sa kapahamakan. Naalala niyang nakasulat din sa maliit na papel. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala sa hiwaga at kapangyarahan na taglay ng sapatos, para 'yon sa mga napapanood niyang drama sa TV. Ang matandang babae ba ang fairy God mother niya para maging Prinsesa siya kapag isinusuot ang sapatos na ibinigay nito?
Posible na ba ang pangarap niyang matanggap ng lipunan at mahalin ng lalaking inaasam-asam dahil sa mahiwagang pulang sapatos na ibinigay ng misteryosang lola sa kanya? Suot ang pulang sapatos ay umikot siya sa harapan ng salamin, sobrang ganda ng babae—sobrang ganda niya!
SATURDAY afternoon ay bumisita sina Andeng at Maricor sa mansion ng mga Panganiban para dalhin na rin ang dalawang basket ng saging na ipinabibigay ng mga madre at padre bilang ganti sa kabaitan ng mga Panganiban. Tag-isa sila ni Maricor ng buhat at medyo may kabigatan 'yon, nang makita siya ng dalawang security guard sa mansion ay agad silang tinulungang ipasok 'yon.
Hindi na sila bago doon kaya tumuloy na sila ni Maricor sa loob ng malaking bahay. Hindi talaga siya magsasawa sa interior and exterior design ng bahay, lahat ng mga kasangkapan sa malaking bahay ay galing pa sa ibang bansa at puro mamahalin. Ang mga paintings pa na nakasabit ay galing pa sa mga kilalang pintor sa mundo. Bukod sa mansion nilang ito ay may rest house pa ang mga ito sa Baguio, Tagaytay, Palawan, Davao at States. Palibhasa ay maraming businesses at galing sa mayamang angkan kaya hindi na nakakapagtaka ang dami ng mga rest houses.
Ang balita nila ni Maricor sa isang katulong ay kasama daw ni Donnie ngayon si Rejoice sa theatre room para manood ng movie, ayaw naman nilang makaabala sa dalawa, nang marinig niya ang boses ni Donnie na kausap si Rejoice, mukhang tapos ang dalawa sa panunuod. Mabilis siyang hinila ni Maricor paakyat para makita si Donnie, na mabilis ngumiti nang makita sila.
"Kuya Dons, nagdala kami ng saging na kalabaw, kumain ka n'on ah, masarap 'yon dahil galing pa 'yon sa prutasan na malapit sa kumbento." Imporma ni Maricor, tukoy ang mini-farm ng mga madre at padre.
"Naku! Nag-abala pa kayo, salamat at pakisabi na rin kina mother and father, salamat." Aniya, na tinanguan nila agad na dalawa.
"Si Rejoice?" tanong niya.
"Nag-CR lang saglit," sagot ni Donnie. "Tara! Nood tayo ng movie,"
"Ayaw namin, nanunod na kayo ni Rejoice, e," ani Maricor, kaya mabilis niyang tinampal ang braso nito. "Laro na lang tayo sa playroom n'yo." Yaya ni Maricor.
"Tara!" mabilis namang sabi ni Donnie. Saglit munang nagpakuha si Donnie ng meryenda nila bago sila nagtungo sa playroom. Ngunit mabilis din siyang nagpaalam dahil nasi-CR na din siya.
Nang makarating siya sa tapat ng CR sa second floor ay napatigil siya sa pagkatok—nang marinig niya ang halos pabulong na boses ni Rejoice, malakas pa rin kasi 'yon sa pandinig niya o baka may lahi lang na tsismosa ang mga tainga niya dahil kahit pabulong ay naririnig niya.
"Yes! I felt that Donnie is already head over heels in love with me." Narinig niyang sabi ni Rejoice sa kausap nito malamang sa phone nito. "Don't worry cous, maipaghihigante na kita sa womanizer na lalaking 'yon." narinig pa niyang sabi ni Rejoice.
Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Narinig na niyang tinapos na ni Rejoice at tawag at any minute ay lalabas na ito ng pintuan, kailangan na niyang umalis doon! Ngunit ayaw kumilos ng kanyang mga paa—she was too shocked!
Nakipag-relasyon lamang ang babaeng ito kay Donnie para paghigantihan ang tinawag nitong 'cous' sa pagiging womanizer ni Donnie. Ano'ng gagawin niya? Sasabihin ba niya 'yon kay Donnie? Pero ayaw niya itong masaktan lalo pa at mukhang seryoso na ang kaibigan niya sa babae! Gusto tuloy niyang maging action star at bugbugin ang babae dahil sa pang-uuto at pagpapaasa nito sa kaibigan niya, pero bad 'yon, kailangan niyang mag-isip ng paraan para mailayo ang kaibigan niya sa evil spirit na babaeng ito. Tama nga ang pakiramdam ni Maricor no'ng una—nakatago talaga sa anghel nitong mukha ang kasamaan nito!
Pero paano niya mailalayo si Donnie sa kamandag ng magandang babaeng evil spirit na ito? Think, Andeng! Think!
BINABASA MO ANG
LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)
Ficção GeralA Cinderella and an Ugly duckling-like story with a super cute twist! :)