"YOU'RE ANNE, right?"
Pag-angat ng tingin ni Andeng sa nagsalita sa kanyang likuran ay nagulat siya nang makita doon ang nakataas ang kilay na si Rejoice. Sa mga titig nito ay para na siyang ililibing ng buhay. Kinabahan siya dahil baka bigla na lang siyang sabunutan nito, nasa labas sila ng campus ng SMU noon at maraming mga tao sa paligid.
Sa dami ng SMU students, hindi na pansin ng guwardiya o nang sinupaman kung nag-aaral talaga siya doon o hindi, tutal nagkakasya naman ang uniform ni Andeng sa katawan ni Anne. Galing siya kanina sa school gym after ng kanyang PM class para makita si Donnie, nagtagumpay naman siya dahil nagkausap sila nito. Lahat nga ng mga kasamahan nito sa basketball team ay itinutukso na sila, kahit siya si Anne, hindi pa rin niya maiwasang kiligin.
Ngunit nauna na siyang lumabas ng school—hindi na nga siya nakapag-transform bilang Andeng dahil punuan ang CR at maraming tao sa paligid at balak na lang niyang gawin 'yon sa likod bahay nila—dahil may mga bisita bukas ang mga padre at madre sa Home of the Angels, kaya kailangan niyang tumulong para mag-ayos doon. Paalis na rin sana siya sa school nang makita niya si Rejoice.
Ngunit hindi siya magpapadaig sa mga titig ng babae. Sinalubong niya ang nakakatakot na mga titig nito. Para ngang hindi na niya makita ang mala-anghel na hitsura nito no'ng una niya itong makita. At mukhang sinadya pa talaga siya sa SMU para makausap.
"Yes?" nakangiting sabi niya sa babae. Nagawa pa niyang ngumiti kahit kinabahan sa maaaring gawin nito sa kanya.
"Can we talk?" tanong nito sa kanya.
"We are already talking." Sagot pa niya, na nakadagdag sa pagtalim ng mga mata nito.
"I mean, in a private place." Anito. Saka nito itinuro ang magarang sasakyan nito. Hindi na siya naka-hindi dahil nauna na itong naglakad palapit sa sasakyan nito.
Saglit pa ay nakasakay na rin siya sa passenger's seat, ito sa driver's seat saka pinaharurot ang sasakyan. Wala silang imikan sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa JK coffee shop. Nang mga sandaling 'yon ay kaunti lang ang mga tao sa loob ng coffee shop, ngunit kilala ang coffee shop na 'yon lalo na sa mga taga-SMU, ngunit ngayon lamang siya nakapasok doon dahil hindi naman siya gaanong mahilig sa kape.
Nang makahanap sila ng table ay agad silang nilapitan ng isang waiter, lahat ng mga waiters sa JK coffee shop ay talagang nakakatawag ng pansin—mga artistahin, lalo na 'yong Manager. Para itong isang character sa isang K-drama na pinapanood niya, palibhasa ay may lahi yata itong koreano, sikat din kasi ito sa campus nila dahil naging teacher ito doon, nag-resign nga lang dahil na-in love sa isang SMU student. Nakakakilig!
Naagaw ang kanyang atensyon nang malakas na tumikhim si Rejoice na nasa kanyang harapan, siya na pala ang o-order. Nagtanong pa siya sa waiter kung nagse-serve din ng juice doon dahil hindi niya gustong magkape dahil baka madagdagan ang nerbyos niya, gladly ay nagse-serve naman daw kaya 'yon na lang in-order niya.
"Ano pala ang gusto mong sabihin sa akin?" panimula niya sa babae.
"I have a friend in SMU, at ang balita niya sa akin ay madalas mo daw nilalapitan ang boyfriend ko." Diretsang sagot nito, na idiniin ang huling salita. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," matapang na sabi nito. "Stay away from my boyfriend!"
Napangiti naman siya sa sinabi nito. "Kung may dapat lumayo kay Donnie, hindi ako, kundi ikaw!" sagot niya, na ikinalaki ng mga mata nito ngunit pilit pa ring pinapakalma ang sarili kahit alam niyang gusto na nitong ibuhos ang service water na dinala ng waiter kanina sa kanila.
"You bitch! Flirt!" naiinis ngunit kalmado pa ring sabi nito. Ayaw nitong mag-eskandalo kaya kahit inis na inis na ito ay kalmado pa rin ang hitsura nito.
Hindi siya nagpa-apekto sa sinabi nito. "Kung hindi mo totoong mahal si Donnie, tapusin mo na ang pakikipag-relasyon sa kanya. Dahil kung hindi ay aagawin ko siya sa 'yo!" matapang na sabi niya. Hindi rin niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob at ang mga linyahan niyang 'yon, ngunit para yata kay Donnie ay nagbabago siya.
"Mahal ko si Donnie at hindi ako makikipaghiwalay sa kanya! Hindi ka magtatagumpay sa binabalak mong gawin." Ngumisi ito sa kanya.
"Hindi ko aalisin ang mga mata ko sa 'yo, at oras na ginawan mo siya nang masama at masakit, hindi kita mapapatawad!" aniya.
"Poor thing!" naiiling na sabi nito. "Sa akin masaya si Donnie, at ikaw naman dahil sa ka-cheap-an mo, ginagawa ka lang niyang pampalipas oras."
"Whatever!" aniya, para mas lalong inisin ito bago siya tuluyang tumayo. "Sa 'yo na 'yong juice ko, ngunit mas damihan mo nang inom ng kape para nerbyusin ka naman sa mga pinagsasasabi mo." Nginisian din niya ito bago siya tuluyang naglakad palabas ng coffee shop.
Nang makalabas siya sa coffee shop ay halos mapugto ang kanyang hininga. Kinalma na muna niya ang sarili bago siya tuluyang sumakay sa jeep. Hindi talaga niya lubos maisip na sa mala-anghel na mukha ng babaeng 'yon ay may nagtatagong masamang espiritu. Hindi dapat siya malinlang nito!
NGUNIT ang balak ni Andeng na pagkuha ng atensyon ni Donnie ay nagbago—dahil ang puso na nito ang balak niyang makuha. Nanaig ang galit sa puso niya dahil kay Rejoice, hindi niya alam kung may kinalaman pa rin ba ito sa panloloko nito sa lalaki o dahil kinakain na siya ng selos. Gustong-gusto na niyang sabihin kay Donnie ang natuklasan sa babae, ngunit nanaig pa rin ang pagmamahal niya sa kaibigan at protektahan ang puso nito.
At ang bruhang babae ay madalas na ito sa school nila para bumisita, ginu-guwardiyahan na nito si Donnie, kulang na lang yata ay mag-transfer na rin ito sa SMU, kaso balita yata niya ay sa ADMU ang alma mater ng parents nito kaya doon din ito.
Alam niyang masaya si Donnie kay Rejoice pero alam din niyang mas lalo itong masasaktan kapag hinayaan niya ito, kaya hindi siya papayag na malamangan ni Rejoice!
Kaya naman kapag breaktime o uwian na ni Rejoice mula sa school nito ay nagpupunta ito sa basketball court o swimming pool area para panuorin si Donnie, ngunit hindi naman siya nagpapahuli dahil kung naroon ito ay naroon din siya. Mas lalo pa itong maiinis sa kanya dahil kung gaano ito kaganda ay mas tinatalbugan niya ito! Nagagamit din tuloy niya ang ipon niyang pera para lang bumili ng mga magagandang dresses para hindi matalo kay Rejoice. Sumi-simpleng da moves din siya kay Donnie sa pagbibigay dito ng iba't ibang mga paborito nitong pagkain—edge niya 'yon dahil kilala niya ito mula ulo hanggang paa.
"Andrea, natapos mo na ba 'yong assignment natin sa Art appreciation at Experimental Psychology?" tanong ni Gieroma nang nasa classroom sila para sa kanilang huling klase sa hapong 'yon.
Napakagat siya sa ibabang labi niya. "Naku! Hindi pa, e," aniya. Bukas na nga pala 'yong isusubmit!
"Ay bakit? 'Di ba ikaw naman lagi ang nauunang natatapos sa atin tatlo? Nakakapagtaka yata!" ani Danny Boy.
Naging abala kasi siya sa pakikipagtalbugan kay Rejoice kaya nakakalimutan na niya ang ibang aralin niya. Hindi na nga rin niya natutulungan si Lola Marcelina sa gawaing bahay dahil imbes na tumulong siya kumbento tuwing weekends—nakasunod siya lagi sa pupuntahan ni Donnie at ipinapalabas na nagkataon ang pagkikita nila. Nagtatampo na nga sina Maricor sa kanya dahil hindi na siya nakikipagkulitan sa mga ito. At pati nga si Donnie ay nagtataka na kung ano ang pinagkakaabalahan niya dahil sa dalawang subjects na lang sila magkita nito at miss na daw nito ang mga baon niyang lunch.
"Gagawin ko mamayang gabi." Aniya. Pero parang imposible naman yata niyang matapos 'yon ng magdamag lang. Gusto na tuloy niyang umiyak!
Nang matapos sila sa klase ay nagmamadali na siyang lumabas ng classroom, nasa swimming pool area kasi si Donnie dahil may practice ito para sa nalalapit na competition. Nang makababa siya mula sa third floor sa kanilang building ay agad na sana siyang magtutungo sa malapit na CR para magpalit ng sapatos nang biglang may naligaw at tumamang bola sa kanyang ulo.
Napaupo siya sa daanan habang hawak ang nasaktang ulo. Mabilis naman siyang dinaluhan ng taong nakatama sa kanya ng bola, pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Zack Aquino, na mabilis humawak sa ulo niya para i-ease 'yong pain.
BINABASA MO ANG
LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)
General FictionA Cinderella and an Ugly duckling-like story with a super cute twist! :)