Magical 5

308 8 0
                                    

"ANO KAYA ang laman nito?" tanong ni Andeng sa sarili. Nang mailapag niya ang mga gamit sa study table sa loob ng kanyang maliit na kuwarto ay mabilis niyang itinuon ang atensyon sa supot na naglalaman ng kahon na ibinigay ng matanda sa kanya kanina sa school. Nangamba siyang baka ahas o baka time bomb ngunit wala namang gumagalaw o tumutunog sa loob ng box, palibhasa ay naka-sealed kaya hindi niya makita ang laman ng loob.

Umupo siya sa kanyang katre para tingnan ang laman ng box, ngunit nagtaka siya nang bumungad sa kanya ang pulang high heeled shoes na siguro ay may five inches na takong, napaka-sexy at sophisticated ng dating ng sapatos na nababagay sa isang maganda at matangkad na babaeng magsusuot, 'yong mala-modelo. Mukha ba siyang naghe-heels kaya niregaluhan siya ng matanda ng gano'n? Napailing siya. Hindi pa nga siya nakakasuot ng gano'ng kahabang takong sa buong buhay niya, hanggang two inches nga lang siya, e, dahil hindi naman siya marunong maglakad ng may mataas na heels.

Pagmamay-ari ba ng matanda ang heels? Pero bakit ibinigay 'yon sa kanya? Teka, alam ba ng matanda ang sukat ng mga paa niya? Ang daming katanungan sa isip niya na hindi niya masagot-sagot. Basta nawe-werduhan siya! Nang ilabas niya ang isang pares mula sa kahon ay may maliit na papel ang nahulog mula doon, may nakasulat doon na mabilis niyang binasa.

Sa bagong nagmamay-ari ng pulang sapatos,

Nawa'y makatulong ang sapatos sa pagdagdag ng tiwala at pagpapahalaga sa 'yong sarili. Gamitin ng mabuti ang sapatos at nawa'y maging masaya ka sa kalalabasan. Babala: Bawal ipagsabi ang sekreto na mayroon sa sapatos kung hindi ay maaaring mailagay ang buhay mo sa kapahamakan.

Napakunot-noo si Andeng habang ina-analyze ang nakasulat sa maliit na papel na 'yon. Ano'ng ibig sabihin n'yon? Hindi naman siya mentally slow pero hindi niya ma-gets ang nabasang sulat! Muli siyang napailing at bumaling sa sapatos. Mukha ngang kasya 'yon sa kanyang mga paa. Isinukat niya ang isang pares at na-amaze siya nang magkasya ang sapatos sa paa niya, five feet and four inches ang height niya pero ang size ng paa niya ay five and half lamang.

Wow! Hindi niya napigilang humanga. Ang ganda ng sapatos sa paa niya, nagmukha siyang supermodel huwag lamang titingin sa itaas na bahagi ng kanyang katawan dahil masisira ang image ng sapatos. Hindi na niya isinuot ang isang pares ng sapatos, mabilis na niyang iniligpit ang mga 'yon nang tawagin na siya ng lola Marcelina niya dahil kakain na daw sila.

KINABUKASAN ay hinanap ni Andeng ang matandang babaeng may malaking nunal sa tungki ng ilong para isauli ang sapatos na nasa loob ng kanyang malaking backpack, hindi kasi niya matatanggap ang regalo nito dahil mukha 'yong mamahalin at baka para sa apo talaga nito 'yon at na-touch lang sa ginawa niya kaya naibigay sa kanya, ngunit kanina pa siya nagtatanong sa ibang mga janitress sa matandang nakita kahapon ngunit wala naman daw kilala ang mga ito na gano'n. Nakakapagtaka naman yatang nakasuot ng janitress uniform ng SMU ang matanda tapos hindi ito nagta-trabaho doon.

Dahil breaktime niya ay nilibot niya ang campus para hanapin ang matanda, ngunit sa huli ay napagod lang siya dahil wala naman siyang nakita. Sakto nang matapos siyang makapagpalibot ay mag-start na ang second class niya. Nasa loob na ang lahat ng mga kaklase niya nang pumasok siya sa loob kasunod ang kanilang Principles of Economics teacher na si Sir Prestoza. Dahil naka-alphabetical ang seat plan nila, nasa likurang bahagi si Donnie na noon ay nakita niyang nakatulog sa armchair ng upuan.

Pumunit siya ng isang page sa kanyang notebook at nilamukos 'yon saka ibinato kay Donnie para magising ito dahil nagsisimula na ng discussion ang kanilang teacher, ngunit hindi pa rin kumikilos ang lalaki. Baka napuyat na naman ito sa paglalaro ng videogames o panunuod ng movie, ayaw niyang isipin na babae ang dahilan ng pagkakapuyat nito! Nakita niyang ginising din ito ng katabi nito ngunit hindi pa rin kumikilos.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon