Magical 16

320 6 0
                                    

NANG makarating si Andeng sa mansion ng mga Panganiban ay sa kusina siya agad dumiretso para ipainit ang dala niyang arroz caldo, saka na rin siya nagtungo sa kuwarto ni Donnie, nakita niya itong nakahiga sa kama nito at nakakumot. Nang bumaling ito sa kanya ay nanghihina ang hitusra nito kaya mabilis niya itong nilapitan, inilapag niya ang mainit na arroz caldo sa bedside saka siya tumabi sa kama nito at sinalat ang ulo nito. Mainit nga.

"Ano'ng nangyari sa 'yo? Malapit pa naman na 'yong swimming competition n'yo." Worried na sabi niya saka niya ito tinulungang maupo at sumandal sa headrest ng kama.

"Nasaktan at na-stress kasi ako doon sa nakita kong magkasama last time, kaya ito at natuluyan na ako." anito.

"Sino'ng nakita mo na kina-stress-an mo?" tanong niya.

Umiling ito at ipinakuha ang arroz caldo na dala niya, subuan daw niya ito na sinunod naman niya. Parang wala naman itong sakit dahil ang takaw nito. Sa limang subuan ay ubos na agad ang laman ng mangkok. Napangiti siya.

"Pagaling ka na agad, dapat maipanalo mo 'yong competition. Manonood kami nina Maricor at pati na rin ang daddy at kapatid mo." Nakangiting sabi niya. Nagulat siyang napatitig sa kaibigan niya nang hawakan nito ang kamay niya.

"Do you like him?" tanong nito.

Napakunot-noo naman siya sa tanong nito. "Sinong him?"

"Zack."

Muntik na siyang matawa sa sinabi nito. "I like him kasi 'di ba nga crush ko siya?" biro niya.

Muli itong nalungkot. "Ayaw mo bang magka-crush ng iba? Huwag na si Zack."

Napakunot-noo siya. "Ang weird mo! Dati gusto mo siya para sa akin, ang saya mo pa nga, e, tapos ngayon..."

"Nagseselos kasi ako," nag-iwas ito ng tingin. "Kapag magkasama kayo. Hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin, e." naiiling na sabi nito.

Hindi siya agad nakakibo sa narinig. Dinagundong siya ng maraming kaba at halos t-um-umbling ang sikmura niya. Alam naman niyang nagseselos lang ito dahil feeling nito may kapalit na ito bilang 'kaibigan' niya, wala 'yong romantic meaning. Napalunok siya nang mariin nang magtama ang kanilang mga mata. Bakit gano'n makatitig si Donnie sa kanya? Napailing-iling siya para alisin ang weird na pumasok sa isipan niya: Is he... also in love with me? Ang kapal din ng mukha niya, ha!

Tumikhim siya nang malakas at pinilit na tumawa. "H-Hindi naman kita ipagpapalit bilang best friend ko, e, ikaw pa rin ang number one." Aniya. Hindi ito sumagot sa sinabi niya. "Ahm, mabuti pa uminom ka na lang nitong dala kong gamot," binuksan niya ang Paracetamol at ibinigay dito saka inabutan ng tubig. Mabilis din naman nitong ininom 'yon. "Tapos magpahinga ka na lang muna para bukas magaling ka na. Babalik na din ako agad sa kumbento kasi tutulong pa ako kina lola doon, may darating din kasing mga sponsor mamayang hapon." Imporma niya, na tipid lamang nitong tinanguan. Saglit pa ay tuluyan na rin siyang nagpaalam.

NAPABUGA ng hangin si Donnie at napailing sa kanyang sarili. He felt so pathetic, really! Kailangan pa niyang magpanggap na may sakit para alagaan at makasama si Andeng, dahil talagang sobrang natamaan siya ng selos dahil kay Zack. Feeling niya ay duguan ang puso niya nang sumunod siya sa coffee shop. Inihatid pa nga yata ni Zack si Andeng sa kumbento, e, dahil magkasabay ding sumakay ang dalawa ng taxi pauwi.

Dalawang araw niyang inisip at dinamdam 'yon, hanggang nang mga sandaling 'yon ay kumikirot pa ang puso niya. In love na nga talaga siya sa best friend niya! Kaya pala kahit kaninong babae siya makipag-relasyon ay hindi niya maramdaman ang excitement at superb happiness dahil kay Andeng lang niya 'yon nararamdaman. Sa ten years nilang magkasama ay mas lalong tumitindi ang excitement at saya kapag kasama ito, unlike kapag kasama niya ang ibang mga babae.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon