"Are you okay, Andrea?" tanong nito.
Nagtaka siyang napatitig sa lalaki. "K-Kilala mo ako?" tanong niya. Well, siguro nakilala siya nito dahil sa kumakalat na balitang siya ang halimaw sa school nila.
"Oo naman, lagi ka kayang ikinukuwento ni Donnie sa akin." Nakangiting sabi nito. saka siya tinulungang tumayo. "Dalhin na kita sa school clinic dahil baka biglang mawala ang memorya mo sa intense ng pagtama ng bola sa ulo mo." Anito na alam niyang nagbibiro lang.
Masakit nga 'yong ulo niya na parang nauntog sa pader, ngunit hindi naman 'yon nagkabukol o nakawala ng kanyang memorya. "O-Okay lang ako, kaunting himas lang ito mawawala din ang sakit." Aniya.
"Pain reliever, gusto mo ba?" anito, saka nagmamadaling inilabas ang medkit nito na ikinagulat niya—may pagka-boyscout ang dating nito.
"Okay lang ako, salamat." Nakangiting sabi niya. Nang makita niyang ngumiti at tumango ito ay napahanga siya nang slight dahil mabait din pala ito at guwapo.
Inalalayan siya ng lalaki papunta sa isang bench dahil baka nahihilo pa daw siya, kukuha nga dapat ito ng yelo para ilagay sa ulo niya pero okay lang naman siya. Pero hindi na siya nakatanggi nang abutan siya nito ng isang chocolate bar, medyo tunaw na 'yon pero ayos lang naman—food of the brain daw at iwas hypoglycemia, natawa na lang siya. Sa pagkakatanda niyang sinabi ni Donnie ay Nursing student ito.
"Salamat, hati tayo!" aniya, nang buksan ang chocolate ay mabilis niyang hinati. Ibinigay niya ang kalahati na naiwan sa plastic n'yon sa lalaki, at hinawakan na lang ng kanyang kamay ang kanya, ngunit ang messy na tingnan. Nang maubos niya ang chocolate ay mabilis siyang inabutan ng wet tissue ng binata, kaya napangiti siya. "Salamat uli." Nakangiting sabi niya. Unti-unti nang umu-okay ang nasaktan ulo niya.
"Ang cute mo din pala kapag nakangiti." Mayamaya ay sabi nito, kaya mabilis siyang bumaling dito, nakangiti din itong nakatingin sa kanya.
"Joke ba 'yan? Tatawa na ba ako?" natatawang sabi niya.
"I'm serious." Anito, saka nawala ang pagkakangiti sa mukha nito. "Actually, madalas kitang nakikitang mag-isa kapag kumakain sa canteen, gusto nga sana kitang lapitan kaso parang ang aloof mo. Nami-misteryusohan lang ako sa 'yo, hindi ka kasi tulad ng ibang mga babae na mahilig magpa-cute at mag-pabebe." Natatawang sabi nito. "And you're witty."
"Hindi ko naman bagay magpa-cute at mag-pabebe, kasi mas bagay kong manakot." Natatawang sabi niya. "Ngayon, hindi ka ba natatakot sa akin? Sabi ng iba mukha daw akong halimaw sa malapitan, e."
Napakunot-noo ito at umiling. "Inggit lang 'yon sa 'yo dahil matalino at mukhang mabait."
"Aba! At may dapat palang kainggitan sa akin." Natatawang sabi niya.
Natawa din ito. "Idagdag mo na 'yong ka-cute-an mo!"
"Ako? Cute? Hala! Ikaw yata 'yong natamaan ng bola, e." natatawa at naiiling na sabi niya.
NAPATIGIL sa paglalakad patungo sa parking lot ng school si Donnie nang makita niya sa isang bench na di-lalayuan ang nagtatawanang sina Andeng at Zack. Naisip tuloy niya agad kung kailan naging close ang mga ito—dahil kung titingnan ay parang matagal nang magkakilala ang mga ito, may pahawak-hawak pa nga ng ulo si Zack sa kaibigan niya.
Hindi kaya si Zack ang dahilan kung bakit lately ay laging abala ang kaibigan niya at bihira niya itong makita sa school—maliban na lang kung magka-klase sila? Napakunot-noo siya at agad na naikuyom ang kanyang kamay. Ano ba 'yong inis na biglang umakyat sa katawan niya at pakiramdam niya ay inagawan siya ng paborito ng championship crown!
Teka, eh, gusto nga niyang ipakilala ang dalawa para masiyahan si Andeng dahil alam niyang crush nito si Zack, e, ang kaso hindi niya magawang ipakilala dahil ayaw niyang gawin! May pagka-possesive pala siya na ngayon lang niya nalaman sa sarili niya. Hindi nga niya masabi kay Zack na crush ito ng kaibigan niya dahil baka i-friend ni Zack si Andeng, mahilig pa naman ang ka-team mate niya sa basketball ng mga smart girls na fun to be with—at isa doon si Andeng!
Kaya hindi niya ma-explain kung ano ang nangyayari sa kanya? What the heck is happening to me? Nang makita niyang punasan ni Zack ang gilid ng labi ni Andeng ay mas nag-hysterical ang nararamdaman ng puso niya. Hala! Ano'ng nangyayari, puso? Hindi niya magawang tumingin sa iba kahit pa naririnig niyang tinatawag siya sa likuran niya, dahil baka any minute ay biglang maglaho ng sabay ang dalawang taong nasa harapan niya.
Napalunok siya nang mariin at umiling-iling sa sarili. Siguro ay nasanay lang siyang walang lalaking lumalapit kay Andeng maliban kina Diego, Sonny at Carmilo, na mga kaibigan nila sa kumbento. Ngunit iba ang dating kapag si Zack, palibhasa ay alam niyang crush ito ng kaibigan niya.
Nagulat na lang siya nang may yumakap sa likuran niya, paglingon niya ay si Rejoice pala 'yon na nakapasok uli sa loob ng campus nila. Pansin niya ay panay na ang pagdalaw nito sa kanya sa school lately.
"I've been calling your name, mukha yata abala ka sa tinitignan mo." Nakangiting sabi nito, saka ito sumilip sa likuran niya at nakita doon ang pinapanood niya kanina. "Oh! Is that Andrea?" tanong nito na tinanguan niya. "And the guy is... her boyfriend?"
"No!" mabilis na sagot niya, pati si Rejoice ay nagulat sa mabilis niyang pag-react. "T-They're just acquainctance." Aniya.
Tipid itong tumango. Bago luminga sa paligid. "Wala yata 'yong buntot mong babae." Umasim ang mukha ni Rejoice nang alam niyang tinutukoy nito si Anne.
Sa totoo lang, kahit gaano kaganda si Anne ay madalas nagiging bothersome na ito sa kanya. Stalker na yata niya ito at minsan ang creepy na dahil kahit mga paborito niya ay alam na alam nito. Kapag nga nakikita niya ito sa school ay gusto na niyang pagtaguan. Hindi rin niya masisisi na nawawala ang angelic image ni Rejoice dahil siguro ay ramdam nito na threat si Anne dito—ngunit ang totoo niyan ay ni wala nga siyang makapang anumang damdamin sa huli, nagagandahan siya, oo, pero 'yon lang 'yon.
Lately ay nasasakal na din siya sa pagiging bantay-sarado ni Rejoice sa kanya. Dapat kapag lumalabas siya ay lagi na siyang nagpapaalam dito, minsan din ay nai-invade na nito ang dapat ay privacy niya. Ni hindi na siya madalas nakakadalaw sa kumbento nitong nakaraang linggo dahil bukod sa practice niya ay gusto din ni Reojoice ay lagi silang magkasama—nami-miss na tuloy niya ang lahat sa kumbento lalo na si Andeng.
Kaya nga may kirot at kurot na nararamdaman siya sa kanyang puso nang mga sandaling 'yon na nakikita itong nakangiti kasama ng ibang lalaki, dahil dati ay siya lang ang kangitian at katawanan nito. Sa lagay bang 'yon ay nagseselos siya kay Zack? Oo, selos kaibigan ito!
"Hey, baby, hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko, e." ungot ni Rejoice. "Anyway, tara na nga, gutom na ako, mag-early dinner na tayo. I know a new place." Nakangiting sabi nito, saka na siya hinila sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya, sakto daw na nag-commute lang ito.
Hanggang nang makapasok siya sa loob ng sasakyan ay ang masayang hitsura pa rin nina Zack at Andeng ang nasa isip niya. Kung selos kaibigan ang nararamdaman niya, bakit gusto na niyang hilain palayo kay Zack si Andeng? 'Di ba ginusto rin niyang magka-lovelife ang kaibigan niya noon? 'Anyare ngayon?
Nawala ang lahat ng laman ng isipan niya nang biglang tumawag ang daddy niya...
BINABASA MO ANG
LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)
General FictionA Cinderella and an Ugly duckling-like story with a super cute twist! :)