Magical 15

299 6 0
                                    

"I LIKE you, Donnie Panganiban! Please date me!" pagtatapat at nagsusumamong wika ni Anne kay Donnie, na halos ikalaglag ng mga panga ng binata sa gulat.

Napatulala lang si Donnie habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya at nagtatapat ng damdamin para sa kanya. Sa dinami-dami ng mga lalaking nagkakagusto at nagtatapat dito ay siya pa ang nagustuhan nito samantalang hindi naman siya nagpapakita ng anumang motibo o interes dito.

Palabas na siya no'n mula sa swimming pool area nang mabilis siyang hinarangan nito para magtapat ng damdamin, napapalingon ang ibang mga taong nakarinig sa pagtatapat nito.

"I'm sorry, Anne, pero may girlfriend na ako." sagot niya. Nilagpasan niya ito dahil baka kung ano pa ang sabihin ng ibang mga taong nakarinig ngunit umagapay ito sa kanyang paglalakad—nahihirapan pa ito dahil sa suot nitong pulang sapatos na may mahabang takong.

"Mahal mo ba talaga ang girlfriend mo?" tanong nito.

"Oo naman," sagot niya.

"Ramdamamin mo sa kaibuturan ng puso mo, Donnie, mahal mo ba talaga ang girlfriend mong 'yon?" muling tanong nito.

Napahinto siya sa paglalakad. Mabilis naman itong humarang sa daraanan niya, kitang-kita niya kung gaano ito ka-seryoso sa hitsura nito. Parang life and death ang kinasasangkutan nitong problema nang mga sandaling 'yon.

"Ipikit mo ang 'yong mga mata ang damhing mabuti ang totoong laman ng puso mo, kung sino ang babaeng unang pumasok sa isip mo ang siyang laman ng puso mo." Anito.

Natawa siya sa sinabi nito. "You're just wasting your time on me, Anne, I'm really sorry." Aniya.

"Bakit hindi mo ako magustuhan? Pangit ba ako? Hindi ba ako likeable?" anito.

Umiling siya. "You're beautiful and also everybody's ideal girl," ayon sa naririnig niya sa ibang mga kasamahan niya sa basketball team.

"Then why?" malungkot na tanong nito. "I can be much better than your girlfriend."

"It's not about being the best and the most beautiful girl, dahil ang love hindi naman pinipilit 'yan e, kusa 'yang nararamdaman sa kung sino'ng magustuhan ng puso mo." Aniya.

"I can love you with all of my heart and soul, Donnie, hindi kita sasaktan at lolokohin tulad ni Rejoice."

Napakunot-noo siya. "What do you mean by that?" tanong niya.

"I don't wanna see you get hurt, Donnie."

"What are you saying?" naguguluhang tanong niya. "May dapat ba akong malaman?" Damn it! Ano'ng meron kina Andeng at Anne na lately ay nag-iiwan ng confusion sa kanya? Last time nag-example si Andeng tungkol kay Rejoice, now, it's Anne! "What's with Rejoice that I needed to know?" tanong niya.

Umiling ito. "Please, ramdamin mo nang mabuti kung sino ang totoong laman ng puso mo bago mo ibigay ang lahat sa iisang babae. Isa akong babaeng hindi hangad ang makita kang masaktan sa huli. You're a nice person, Donnie." Anito, bago ito tuluyang naglakad palayo sa kanya.

Nagtataka siyang nakasunod ng tingin sa babae hanggang sa pumasok ito sa Science building. Sa pagkakarinig niya sa mga kasamahan niya sa basketball ay third year Psychology student din daw ang babae, ngunit parang wala naman siyang nakikitang Anne sa walong section ng third year Psychology students. Nawe-werduhan tuloy siya.

Napailing siya at nabuga na lang siya ng hangin at naupo saglit sa isang bench. Isa siyang Psychology student pero hindi niya malaman kung ano'ng nangyayari sa kanyang sarili, gulong-gulo na talaga siya!

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon