Magical 2

378 11 0
                                    

Pero kahit gaano sila ka-close ng lalaki ay ipinagbabawal niyang magkalapit sila nito para na rin sa safety niya mula sa mga fans at admirers nito na tiyak aawayin siya kapag nalaman ng mga ito na close sila ni Donnie at siyempre sa dangal at puri na rin nito sa school, kaya madalas ay nilalayuan niya ito sa tuwing lumapit ito sa kanya. Napag-usapan na nila ito at sinabi na rin niya ang mga dahilang 'yon—na no'ng una at kahalating taon ay sinunod nito, ngunit paglipas n'yon ay nangungulit na naman ito sa kanya na madalas niyang hindi pinapansin lalo na at nasa school sila.

Alam niyang marami nang nakakapansin ng kung ano'ng meron sila ni Donnie, na alam niyang malaking katanungan rin sa mga tao kung papaano sila nagkalapit, kaya naman nakakahakot na naman siya ng mga haters.

"I-text mo na lang ang sasabihin mo, basta huwag mo akong lalapitan kung hindi pipitikin ko 'yang talukap ng mga mata mo." Banta niya.

Napasinghap naman ito sa sinabi niya. "Isumbong kaya kita kina mother at father sa mga sinasabi mong 'yan?" natatawang sabi nito.

Napakamot siya ng ulo. "Basta kasi, huwag mo akong lalapitan..." nang may napansin siyang mga estudyante na lumilingon sa kanila ni Donnie kaya mabilis siyang dumistansya sa lalaki. Ngunit ipinaglihi yata ito sa kakulitan dahil mabilis nitong tinawid ang pagitan nila at inakbayan siya nito nang tumatawa pa. Mabilis niyang tinampal ang braso nitong nasa balikat niya.

"Grabe! At nananakit ka na rin talaga, e," naiiling na sabi nito.

"I-text mo na lang ang sasabihin mo, ayoko nang madagdagan ang isang libo kong haters dahil sa 'yo." Aniya, saka na siya nagmamadaling umakyat sa kanilang building. Kahit pa magkaklase sila sa dalawang subjects ay bawal din mag-usap na parang close friends sa loob ng classroom at dapat ay hindi sila magkasabay na pumapasok sa klase dahil baka pag-isipan pa sila ng kung ano ng mga kaklase nilang judgmental.

May dalawang kaibigan naman siyang kaklase; sina Gieroma at Danny Boy, kaso hindi sila kasing close tulad ni Donnie, katulad niya ay may kapintasan din kasi ang mga ito kaya silang tatlo ang magkakasama—tinaguriang geek and nerd din ang dalawa na hindi rin belong sa 'sossy society'.

Siya ang unang estudyante sa classroom nila, at siya pa lang din noon ang tao noon hanggang sa magdatingan na rin ang iba. Sa first subject ay hindi kaklase si Donnie at abala din ito sa varsity ng swimming team.

Saglit pa ay dumating na rin sina Gieroma at Danny Boy na mabilis tumabi sa kanan at kaliwang bahagi niya, nagbatian sila at nagkangitian saka din dumating si Ms. Jodilee, ang kanilang teacher.

Nagsimula nang mag-discuss ang kanilang guro sa pisara nang maramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya, hindi sana niya 'yon papansinin nang halos magsunod-sunod ang text messages, naisip niyang baka emergency, kaya mabilis niyang dinukot 'yon sa suot niyang uniform at palihim niyang binuksan ang text message—si Donnie 'yon, ang hilig talaga nitong magpadala ng text message na kahit iisa ang sinasabi ay limang beses nitong ipinapadala, palibhasa ay yayamanin.

Mabilis niyang binuksan ang isang text message ng kaibigan para basahin ang nilalaman ngunit nabitiwan niya ang cell phone niya na nag-create ng ingay sa paligid—at for sure ay madadagdagan na naman ng scotchtape ang lumang cherry mobile touchscreen phone niya dahil sa bagong basag n'yon—na ikina-disturb ng teacher nila at ikinalingon ng ibang mga estudyante sa kanya— at dahil 'yon sa nabasa niyang text message!

"Ito 'yong sasabihin ko sa 'yo kanina kaso hindi mo ako pinagbigyan, anyway, I would like you to meet my new girlfriend, Andeng. And I think she's the one!"

Parang kinurot ng maraming alimango ang puso niya sa sakit na naramdaman niya dahil sa ibinalitang 'yon ni Donnie, sa mga naging girlfriends nito, wala pa kasi itong sinasabihan ng 'I think she's the one', kaya mukhang nanganganib nang mawasak ang puso niya at ang munting pangarap.

"S-Sorry po." Aniya sa kanilang guro, at sa mga kaklase niyang naistorbo niya, saka niya mabilis pinulot ang phone niya at isiniksik sa kanyang bag.

HINDI nakakasama ni Andeng sina Gieroma at Danny Boy tuwing lunch time at uwian dahil abala ang mga ito sa Science club na kinabibilangan ng mga ito. Sa pagiging abala niya sa kumbento ay hindi na niya magawang sumali sa anumang club sa school, gusto sana niyang subukan ang Editorial club dahil mahilig siyang magsulat ng mga tula at short stories, na madalas ay sa notebook lamang niya isinusulat.

Kaya nang lunch time ay mag-isa siyang nagpunta ng canteen para kumain, as usual, nilalayuan siya ng mga taong nakakasalubong niya. Sa tatlong taon niya sa SMU ay kilala na siyang halimaw na kinatatakutan ng mga estudyante doon, kaya hindi na siya nagtataka. Kung sana kasing powerful at ganda niya lang si Cherry Mae, ang kanilang school Princess, tiyak hindi siya makakaramdam ng inferioty complex.

Maraming mga magaganda at guwapo sa school, naisip nga niya; kaya siguro siya kilala sa school ay dahil nag-iisa lang siyang pangit. Pero hindi siya dapat nagse-self pity dahil nasa top ten siya sa dean's lister—top two to be exact dahil si Donnie ang top one. Kaya dapat ay proud pa rin siya sa sarili niya dahil kahit gano'n siya, may maipagmamalaki pa rin siya na hindi kailanman makukuha ng sinuman sa kanya.

"Nand'yan na naman 'yong malas na halimaw." Narinig niyang sabi ng isang babaeng nadaanan niya sa mesa.

Siguro kung masamang babae lang siya ay matagal na siyang nakasabunot ng mga babaeng may mapanglait na mga dila. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at nagtuloy na siya sa isang bakanteng mesa, nagluluto siya ng baon niya para makatipid siya. Sa classroom o sa isang bench na lang sana siya kakain para makaiwas sa mga mapanglait na mga tao, kaso hindi daw puwedeng kumain sa loob ng classroom at punuan rin ang mga benches kaya no choice siya kundi sa canteen kumain.

Nang makapuwesto na siya sa pinaka-isolated na mesa—for two persons—ay mabilis na niyang inilabas na niya ang kanyang baon mula sa bag, ngunit nagulat siya nang may mabilis na umupo sa kanyang harapan. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Donnie. Hindi siya agad nakapag-react nang ipalit nito sa baon niya ang pagkain na binili nito sa canteen; na karne at isda. Nakailang gano'ng pangyayari na rin—na madalas niyang sinisita.

Akmang sisitahin niya muli ito dahil sa pakikipaglapit nito sa kanya ay mabilis nitong isinubo sa bunanga niya ang saging na mabilis nitong binuksan. "Oo na, alam kong palalayasin mo uli ako." naiiling na sabi nito. "Pero na-receive mo ba 'yong text ko kanina?" anito.

"Oo. Dali na alis ka na!" aniya.

"Ipapakilala ko siya sa 'yo sa weekends kaya sumama kayo ni Maricor sa bahay ng Saturday afternoon, ha, susunduin ko kayo." anitong tukoy ang isang kaibigan nila sa kumbento, mas bata ito ng dalawang taon sa kanila ni Donnie at nag-aaral sa ibang University kung saan ito nakapasa ng scholarship program.

Ayaw sana niyang magpunta sa mansion ng mga Panganiban pero may magagawa ba siya lalo pa at si Donnie na mismo ang nagpapaalam sa kanila ni Maricor sa mga madre at padre sa kumbento para mahiram sila?

"Oo na, alis na!" sagot niya.

Ngumiti ito sa kanya at kumagat sa hotdog na baon niya. "See you, Ands." Nakangiting sabi nito, saka ito kumindat sa kanya bago siya tuluyang iniwan ng lalaki.

Kumabog ang puso niya dahil sa heart-melting nitong gestures, ngunit kailangan niyang kontrolin ang puso niya. Napabuga siya ng hangin at napailing-iling na lang. Nang bumaling siya sa paligid ay nakatingin na rin pala ang ibang mga estudyante sa kanya; ang iba ay nagtataka ang mga hitsura at iba naman ay tila gusto na siyang itapon sa kumukulong kawali sa inis. At kasalanan 'yon ni Donnie!

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon