Magical 14

273 7 0
                                    

DUMALAW sina Andeng at Maricor sa mansion ng mga Panganiban na may dalang camote at patatas galing sa taniman nila, ipinapahatid ng mga matatanda sa kumbento para sa mag-ama—at para makibalita na rin sa kaibigan niya sa nangyaring pagkikita ni Donnie at ng kapatid nito kahapon. Alas kuwatro na sila nagpunta sa mansion dahil nang i-text niya ito last night ay sabi nitong may lunch date daw ito ngayong araw kasama ng evil spirit nitong girlfriend.

Ibinigay nila ni Maricor ang mga dala sa dalawang katulong. Ngunit bago siya pumasok kanina sa loob ng bahay ay may namataan siyang bagong katulong sa bahay, na noon ay nasa pool area at naglilinis. Ngayon lang kasi niya nakita ang babae. After a while ay dumating na rin si Donnie na mabilis silang niyaya sa theatre room para manood ng kada-download lang daw nitong movie.

Isang sci-fi movie ang pinanood nila. Abala sila sa panunood nang maalala niya ang babae, hindi niya alam kung bakit naging curious siya doon.

"Sino pala 'yong bagong babaeng naglilinis sa pool area n'yo kanina?" tanong niya.

Bumaling naman agad si Donnie na nasa tabi niya. "Si Aling Salome, kaibigan at kababayan siya ni Sarah sa Sta. Clara, nag-resign na kasi si Sarah dahil magpapakasal sa susunod na linggo sa seaman niyang boyfriend."

Tumango-tango naman siya at kinilig. "Ahm, ngapala, ano'ng balita tungkol kay Anthony?" nakangiting tanong niya.

Nagulat siya nang mabilis siyang hinila nito palabas ng theatre room, kaya naiwan doon mag-isa si Maricor. Dinala siya ni Donnie sa malaki at punong-puno ng medals at trophies na kuwarto nito para pag-usapan ang tungkol sa stepbrother nito.

"Alam mo, tama ka nang sinabi, e." nakangiting sabi nito.

"Na?" nagtatakang tanong niya.

"Na bigyan ko ng chance na makilala si Anthony,"

"And?"

Muli itong napangiti. "Sinunod kita sa mga sinabi mo at nang makilala ko siya, sobrang natuwa ako sa kanya. Napakagalang at bibong bata. Nakakatuwa 'yong personality niya at nakikita ko siya no'ng bata ako. I think dapat mo rin siyang makilala kasi napaka-cute na bata. Though at first medyo aloof siya at natatakot yata kung matatanggap ko siya, pero siya din sa huli ang nag-approach sa akin kaya agad bumigay ang puso ko." Masayang kuwento nito, napangiti din tuloy siya. "Pati si daddy at mommy ay natuwa nang malamang nagkasundo kami agad. Baka sa swimming competition ay makapunta siya, at sabi din niya magbabakasyon siya sa summer dito sa bahay, wala daw kasing kasama ang grandparents niya sa Bataan kaya ayaw niyang tumira dito sa bahay kahit kunin ni daddy."

"Masayang-masaya ako para sa 'yo, sa pamilya n'yo at sa bago mong kapatid." Nakangiting sabi niya. Hindi siya muling nakapag-react nang mabilis siyang niyakap nito at magpasalamat. Mas lalo pang tumindi ang tibok ng kanyang puso nang halikan siya nito sa kanyang noo. Para tuloy siyang tinuklaw ng ahas dahil sa pagkatulala.

Nahiling niyang kung sana ay may damdamin ito sa kanya, hindi na niya kailangan pang magpanggap na Anne para mailayo ito sa maling babae. Ngunit sadly ay hindi niya maililigtas ito sa masamang babaeng 'yon hangga't hindi siya si Anne.

Ngumiti ito sa kanya at hinaplos nang dahan-dahan ang kanan niyang pisngi, napapiksi siya dahil wala pang humahawak sa itim niyang balat sa mukha, marami nga ang nandidiri doon—ngunit iba pagdating kay Donnie, pakiramdam nga niya nang mga sandaling 'yon ay siya si Anne na napakaganda sa mga mata ni Donnie. Kinalma na muna niya ang nagwawala niyang puso bago niya binalingan ang lalaking no'n ay nakahiga na sa kama nito.

"So, kumusta naman sina Rejoice at Anne sa puso mo?" mayamaya ay tanong niya.

Mabilis itong napaupo sa kama. "Bakit mo ako kinukumusta with Anne?" nagtatakang tanong nito.

"Hindi ba napapabalita sa school na ang close n'yo? Hindi ba crush mo siya?" panghuhuli niya sa lalaki.

Nagulat siya nang matawa ito. "Of course not," natatawang sabi nito. "Yes, she's very attractive and sexy, but I don't like her."

Nalungkot siya sa nalaman. "Bakit?"

Nakakalungkot talaga! Dahil kahit maganda na siya ay wala pa ring damdamin si Donnie sa kanya. Akala pa naman niya no'n kapag gumanda siya ay malaki na ang chance niya dito. Kaya nga hindi na lang para makuha ang atensyon nito—pati ang puso na rin, ngunit sa huli ay bigo pa rin siya. Mukhang wala na talaga siya pag-asa sa puso nito. Kailangan na talaga yata niyang itapon sa pinakamalayong planeta ang anumang damdamin niya para dito, mas lalo lang siyang masasaktan!

"Bakit? Gusto mo ba siya para sa akin? Akala ko ba okay na si Rejoice para sa akin?" anito.

Hindi siya nakasagot. "Pero paano kung malaman mong niloloko ka lang pala ni Rejoice at sasaktan sa huli dahil gusto niyang ipaghigante ang isa sa mga babaeng nasaktan mo dati?" tanong niya.

Hindi ito agad nakasagot at seryosong napatitig sa kanya. "Hindi ko alam, siguro magpapakalasing ako," anito.

"Seryoso nga kasi, ano'ng gagawin mo?"

"Hindi ko nga alam, teka, bakit mo ba tinatanong? Don't tell me..."

"Walang anuman ito, curious lang ako sa magiging reaksyon mo sa mga gano'ng eksena." Aniya. Pero ang sabi nito ay magpapakalasing daw ito—tapos baka mamaya maisipan din nitong tumalon sa ilog pasig. Naku! Kailangan pa rin niya itong iligtas sa babaeng 'yon.

Anne to the rescue talaga!

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon