"ANG WEIRD, eh, lagi kong nakikita si Anne kahit saan man kaming sulok ng mundo pumunta ni Rejoice, hindi ko alam kung sinusundan niya kami o talagang nagkakataon lang ang lahat. Nakaka-five times na, e, at medyo ang creepy na." kuwento ni Donnie sa kanila ni Maricor, nasa kumbento ito noon at tumutulong sa paglilinis ng mga pews sa simbahan.
"Maganda ba ang Anne na 'yon?" mayamaya ay tanong ni Maricor.
"Okay lang." tipid na sagot ni Donnie, na mabilis niyang kinontra.
"Anong okay lang, ang ganda kaya niya, mas maganda pa nga 'yon sa girlfriend mo, e." aniya.
"Bakit nakilala mo na ba ng personal at ganyan ka makaganda sa kanya?" tanong ni Donnie sa kanya.
"Hindi pa," nakakamot sa ulo na sagot naman niya.
"Eh, kuya Dons, ano ba kasi ang basehan mo nang tunay na kagandahan?" tanong ni Maricor.
"Siyempre 'yong mabait, matalino at mapagkumbaba." Nakangiting sabi nito.
"So, wala sa appearance?" nakangiting tanong ni Maricor, saka ito bumaling sa kanya kaya mabilis niya itong pinanlakihan ng mga mata. Mamaya kasi ay mapansin ni Donnie ang mga pasimple panunukso ng dalaga sa kanya.
"At first 'yon naman talaga ang unang nakakatawag ng pansin—ang histura, pero kapag naglaon ay mas nangingibabaw na 'yong ugali." anito.
"So, mahal mo pa rin si Rejoice after more than two weeks of being together? Nakilala mo na ba talaga siya nang bongga?" tanong ni Maricor.
Saglit itong natahimik bago sumagot. "We have more time in the world. Chill lang muna." Sagot nito.
"Pero sa tingin ko mas mabait 'yong Anne at mas bagay kayo." Mayamaya ay pangbi-build up pa niya.
"Stop it, Ands, may girlfriend na ako." ani Donnie.
"Paano kung hindi pala kayo para sa isa't isa ni Rejoice, kuya Dons?" tanong ni Maricor.
Hindi uli nakasagot ang lalaki. "Teka nga, ayaw n'yo ba si Rejoice para sa akin?" mayamaya ay tanong nito.
"Wala kaming sinasabing ganyan." Sabay na sagot nila ni Maricor. Napailing-iling na lang si Donnie. "Pero gusto mo 'yong Anne? Para kasing may kakaibang kinang ang mga mata mo sa tuwing nababanggit mo ang pangalan niya." pangungulit ni Maricor.
"Maglinis na nga lang kayo d'yan, pagbutihin n'yo para matuwa naman sina mother and father sa inyo!" naiiling na lang na sabi nito.
ISANG GABI ay pinuntahan ni Andeng si Donnie sa dap-ayan, sa kumbento, dahil malungkot ito. Nag-away daw kasi ito at si Rejoice dahil kay Anne. Nadulas daw kasi minsan si Donnie na imbes na ang pangalan ni Rejoice ang masabi ay si Anne ang nasabi nito. Gusto tuloy niyang magdiwang. Ang bad mo! Sermon ng isipan niya. Gusto pa nga sana niyang idagdag na sana ay maghiwalay na lang ang mga ito, ngunit baka umiyak na si Donnie.
Kung bakit ngayon pa ito natamaan sa isang babae—natiyempuhan pa nito ang babaeng gusto lang pala itong paghigantihan. Kung puwede lang sana niyang i-brain wash ang puso't isipan ng lalaki para makalimutan na nito si Rejoice, pero hindi niya 'yon kayang gawin bilang si Andeng—dahil kaibigan lang siya nito at asa pa siyang mamahalin siya nito more than friends—kaya kinakailangan talaga niya si Anne para matulungan ang kaibigan.
"Okay lang 'yan, kung mahal ka niya talaga, mapapatawad ka niya." console niya sa kaibigan.
"Wala naman talaga akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko si Anne, oo, maganda siya pero wala akong maramdamang kakaiba sa kanya, though minsan kapag kausap ko siya ay ikaw ang nakikita ko sa kanya."
BINABASA MO ANG
LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)
General FictionA Cinderella and an Ugly duckling-like story with a super cute twist! :)