"BABAE ANG iyong panganay Kanor, isang malusog na batang babae." Masayang balita ng matandang komadrona kay Kanor. Masayang-masaya at excited namang pumasok sa kuwarto ang lalaki para makita ang bagong silang na sanggol, ilang buwan din nilang hinintay itong mag-asawa.
Ngunit natigagal ang lalaki nang makita ang hitsura ng bata. May malaking itim na balat sa kalahati at kanang bahagi ng mukha nito pababa hanggang sa leeg at braso nito. "Bakit ganito ang aking anak?" tanong ni Kanor na gulat sa pagkakakita sa anak.
"Hindi ko alam, Kanor," sagot komadrona.
"Hindi ko siya matatanggap, Apong," anito sa matanda, na ang ibig sabihin sa ilokano ay lola. Ka-barrio nila ang matanda at kilalang komadrona doon. "May pamahiin sa atin na malas ang sanggol na may malaking balat sa mukha, napatunayan na ng pamilya namin nang maisilang ang bunso naming kapatid dahil nagkanda-letse-letse din ang pamumuhay namin at naghirap nang husto." Salaysay ni Kanor, na biglang pinangambahan sa magiging kahihinantnan ng pamilya kapag lumaking kasama ang bata.
Ang nakababatang kapatid kasi nito ay may malaking balat rin sa mukha at ayon sa sabi-sabi sa Barrio ay may kamalasan daw na hatid ang batang may gano'ng anyo. Hindi sila naniwala no'ng una hanggang sa unti-unting lumalaki ang nakababatang kapatid at doon nagsimulang nagkandaletse-letse ang buhay nilang mag-anak.
"Kung gano'n, ano ang binabalak mong gawin sa bata, Kanor?" tanong ng matanda.
"Dadalhin ko siya sa kumbento." Mabilis at desididong sagot ng lalaki. Saka nito mabilis na kinuha ang bata sa tabi nang natutulog na si Salome, ang asawa nito.
"Hintayin mo munang magising ang 'yong asawa, at nang malaman din niya ang 'yong desisyon, Kanor." Anang matanda.
"Hindi na niya kailangan pang malaman, Apong, dahil palalabasin natin na ang batang ito ay namatay pagkapatos maipanganak." Ani Kanor.
Nanlaki ang mga mata ng matanda. "Hindi ko kayang magsinungaling sa 'yong asawa, Kanor."
"Kailangan n'yo pong gawin, Apong, para hindi malasin ang buhay naming mag-asawa!" sagot ng lalaki.
Napakawalang puso ng lalaking ito! Sa isip ng matanda. "Sa 'yo galing ang batang 'yan, Kanor, hindi ka ba naaawa sa munting anghel na 'yan? At baka nagkataon lang na minalas ang pamilya n'yo noon at iba na ngayon, hindi mo ba kayang makipagsapalaran?"
"Para magsisi sa huli? Hindi na, Apong." Anito, saka nagmamadaling binalot ang bata at tuluyan nang kinarga.
"Hintayin mong magising si Salome bago ka mag-desisyon!" anang matanda.
"Patay na ang batang ito, Apong! 'Yan ang ibabalita natin sa asawa ko at sa buong Barrio Sta. Clara, nagkakaintindihan ba tayo?" galit na ang mga mata ng lalaki. At sa takot ng matanda sa seryosong mukha ng lalaki ay napatango na lang ito.
Saglit pa ay umalis na ang lalaki tangay ang sanggol na babae na nakalagay sa isang malaking basket. Iiwan daw ng lalaki ang bata sa isang kumbento, ngunit hindi natanong ng matandang babae kung saan.
Nang magising si Salome ay agad nitong hinanap ang anak, ito ang panganay na anak nila ni Kanor at matagal na nila itong hinihintay na lumabas sa kanyang sinapupunan. Nakatulog kasi siya nang mailabas niya ang sanggol dahil sa sobrang pagod kaya hindi man lang niya ito natapunan ng tingin.
"Nasaan ang aking anak?" excited na tanong ng babae.
Yumuko ang matanda at umiling-iling. "Namatay ang sanggol na 'yong ipinanganak, Salome." Pagsisinungaling ng matandang babae.
Natigagal si Salome at hindi agad nakapag-react hanggang sa unti-unti rumihestro sa isipan niya ang sinabi ng matanda. Napailing-iling siya at tuluyan nang napahagulgol. Hindi maipaliwanag ni Salome ang sakit na nararamdaman dahil sa pagkawala ng anak. Daig pa ang minartilyo at pinitpit ang puso niya sa sobrang sakit. Hinanap niya ang anak ngunit sinabi ng matanda ay inilibing na agad ni Kanor.
Ni hindi man lang niya nayakap, nahagkan at nakita ang sariling anak. Ang sakit at ang bigat ng pakiramdam sa puso niya.
Ilang araw ding nagdamdam si Salome sa pagkawala ng anak, ilang araw din siyang inalo ng asawa. Makalipas ang dalawang linggo ay palihim na pumunta ang matandang komadrona sa bahay nina Salome, nako-konsensya na kasi ito dahil sa pagsisinungaling sa babae. Tutal ay aalis na din ang matanda sa Barrio kaya kailangan na nitong maipagtapat ang katotohan, itinaon ng matanda na wala si Kanor para magsabi ng katotohanan.
At nang masabi ng matandang komadrona ang katotohnan ay halos sumabog sa galit si Salome sa ginawa ng asawa, gayunpaman, ay nabuhayan ang puso niya sa pagkakaalam na buhay ang anak. Umalis agad ang matandnag komadrona pagkasabi nito nang sasabihin at si Salome naman ay agad na nagpasyang hanapin ang asawa para makumpronta ito.
Ngunit halos pagsakluban ito ng mundo nang mabalitaan niya sa humahangos nilang kapitbahay na nasaksak daw si Kanor ng kainuman nito dahil nagkainitan ang dalawa. Nang puntahan ni Salome ang asawa ay wala na itong buhay. Halos mawalan siya ng malay dahil sa pangyayari.
Sa isang kisap-mata ay biglang nawala ang asawa sa kanya. Marami pa siyang pangarap na kasama ang asawa, maayos ang gusot na ginawa nito at magkasama-samang muli silang pamilya. Humagulgol siya at iniiyak ang lahat ng sakit at kalungkutan sa puso niya.
NANG MAIHATID sa huling hantungan si Kanor ay nagsimula nang hanapin ni Salome ang anak sa lahat nang malalapit na kumbento sa bayan nila. Ang palatandaan niya ay may malaking balat ito sa kanang bahagi ng katawan nito, na marahil ay nakuha nito dahil sa paglilihi niya sa itim na baboy ramu no'ng nagbubuntis pa siya. Ngunit sa kasamaang-palad ay puro iling ang nakukuha niyang sagot sa mga madre at tauhan ng kumbento sa sanggol na itinatanong niya. Ngunit hinding-hindi siya mawawalan nang pag-asa, magkikita silang muli ng kanyang anak! Naniniwala siyang darating din ang oras na muli silang magkikita ng pinakamamahal na anak.
BINABASA MO ANG
LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)
General FictionA Cinderella and an Ugly duckling-like story with a super cute twist! :)