Magical 4

291 11 1
                                    

"Mas close sina ate Ands at kuya Dons, magkasundo kasi sila sa lahat ng bagay at para silang mag-soulmate at male-female version ng isa't isa." Madaldal na sabi ni Maricor, kaya kinurot niya ito, tumawa lang uli ang babae.

Alam niyang pinapalabas ni Maricor ang totoong ugali ng babae—kung magseselos ba ito sa samahan nila ni Donnie, o kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman ang mga bagay na 'yon, pero wala man lang masamang ini-react ang dalaga, instead ay ngumiti pa ito at tumango sa kanila.

"Naikukuwento ka din sa akin ni Donnie, Andrea." Nakangiting sabi ni Rejoice, na saglit niyang ikinatahimik, hindi lang niya ini-expect.

"A-Ano namang sinasabi niya tungkol sa akin?" curious na tanong niya.

"That he has a nice friend." Sagot nito.

Nagkakakuwentuhan pa sila nang dumating si Donnie dala ang mga meryenda nila. Isa sa mga ugali ni Donnie na nagustuhan niya ay hindi lahat ay ipinapaasa sa mga katulong, basta kaya nitong gawin ay ginagawa nito.

"Meryenda time, guys!" nakangiting sabi nito.

Blueberry cheesecake at orange juice ang laman ng tray na hawak nito. Inilapag ni Donnie ang tray sa glass table saka sila isa-isang nilagyan ng cake sa kanilang mga platito. Nagpasalamat naman sila ni Maricor sa binata.

Habang nagme-meryenda sila ay nagkukuwentuhan sila. Pagkatapos nilang magmeryenda at magkakuwentuhan ay sa theatre room sila ng binata pumunta, wala daw ang daddy ng kaibigan niya dahil may inaasikaso ito sa senado. Nagsalang si Donnie ng isang comedy-action film na gustong-gusto nilang pinapanood, kaso hindi yata gano'n ka-feel ni Rejoice kaya saglit itong nag-excuse para mag-CR na sinamahan naman ni Donnie para ituro kung saan.

"Ate Ands, may nararamdaman akong kakaiba sa babaeng 'yon, e." mayamaya ay sabi ni Maricor.

"Kay Rejoice?" tanong niya na tinanguan nito. "Ano naman ang kakaibang nararamdaman mo sa kanya?"

"Pakiramdam ko nagpapanggap lang siyang mabait e, 'yong parang sa mga kontrabidang babae sa pinapanood nating Korean dramas, 'yong kunwari mabait pero nasa loob ang kulo." Natatawang sabi ni Maricor kaya mabilis niyang tinampal nang magaan ang braso nito.

"Huwag ka ngang judgmental d'yan, mukha namang mabait si Rejoice, e. Nakita mo ngang siya lang 'yong babaeng ipinakilala sa akin ni Donnie na hindi nanlait sa akin." Aniya.

"Eh, malay mo nga ate sa isip pala niya isinusumpa ka na niya dahil sa closeness n'yo ni kuya Dons."

"Bad ang mag-isip ng masama sa kapwa, Cors." Naiiling na sabi niya.

Tumawa naman ito. "Siyempre joke lang, oo, tama ka ate Ands, mukha naman siyang mabait." Biglang kambyo nito. "At alam kong wasak na wasak na ang puso mo." Nakangiting sabi pa nito, saka nito tinapik ang balikat niya kaya pinitik niya ang tainga nito, na ikinadaing nito. "Ang sakit, ate Ands!" natatawang reklamo nito.

"Huwag ka kasing nang-aano d'yan! Kita mo na ngang nagpapakatatag na ako, e." naiiling na sabi niya.

"Pero kung ako pa rin si kuya Dons, ikaw pa rin ang pipiliin ko, e. Na sa 'yo na kaya ang lahat."

"Mali ka! Dahil wala sa akin ang kagandahan at kayamanan." Aniya. Na ikinatahimik rin nito. Nang bumalik ang dalawa ay tapos na ang movie, oo gano'n katagal nawala ang mga ito, kaya nagsalang muli sila ng movie, pero this time ay pick na ni Rejoice, isang makapagbagdamdaming love story.

NAKATINGIN si Andeng sa gymnasium, hinihintay ang paglabas ni Donnie dahil ibibigay sana niya ang payong na dala niya. Palakas nang palakas ang patak ng ulan nang hapon 'yon, uwian na nila ngunit nanatili siyang naghihitay doon para kay Donnie, na noon ay nag-attend ng basketball game. Sa tuwing pumapasok kasi siya sa school ay dalawa ang dala niyang payong dahil alam niyang makakalimutin magdala ng payong ang kaibigan niya. Ngunit nakaka-tatlumpung minuto na siya doon ay wala pa ito, hindi rin naman kasi ito sumasagot sa text niya kaya hindi niya alam kung ano'ng oras ito lalabas doon para mabilis niyang maibigay ang payong.

Umupo na muna siya sa isang baitang ng hagdan habang nakatanaw sa di-kalayuan sa school gym. Ang hirap talaga kapag hindi niya malapitan si Donnie, ayaw kasi niyang maintriga ito ng mga tao sakaling makita silang magkasama. Saka masakit pa rin ang puso niya mula sa pagka-broken heart last Saturday dahil sa ipinakilalang kasintahan nito. Napabuga siya ng hangin.

Saglit siyang natigilan sa iniisip niya nang maagaw ang kanyang atensyon ang isang matandang babaeng noon ay nakatalukbong ng karton habang mabagal na tumakbo sa ulanan palabas ng campus, marami itong dala-dala sa kaliwang kamay nito, na halos nagkakanda-hulog-hulog pa. Maraming mga taong nagdaraan sa tabi nito na nakapayong, ngunit wala man lang gustong tumulong sa matanda.

Mabilis siyang tumayo at agad na binuksan ang payong para sundan ang matanda. Saglit pa ay nakatabi na siya dito para mapayungan ito. Tinulungan din niya itong pulutin ang mga gamit nitong nahulog sa daan.

"Hiramin n'yo po muna itong isang payong ko." Aniya sa matanda. Saka mabilis na ibinigay ang payong sa matanda. Ite-text na lang niya si Donnie na humiram o makipayong na lang ito sa mga kasamahan nito, parusa 'yon dahil sa hindi pagre-reply sa text message niya.

"Naku Ineng, hindi na." sabi ng matanda ngunit nag-insist siya. Sinamahan pa niya ang matanda hanggang sa sakayan ng tricycle, tumulong na rin siyang magsakay sa ibang mga gamit nito.

Marahil ang matanda ay hindi nalalayo sa edad ng lola Marcelina niya, mukhang janitress ito sa kanilang school dahil sa suot na uniform at ngayon lamang niya ito nakita sa tatlong taon niyang pag-aaral doon. May malaking nunal ito sa tungki ng ilong nito at maamo ang mukha.

Ngumiti ang matanda sa kanya. "Maraming salamat, ineng. Napakabuti mong bata." Masayang sabi nito.

"Naku wala pong anuman, lola." Nakangiti ring sabi niya. Saka na siya nagpaalam dito at akmang tatalikod na siya para maglakad palayo nang muli siyang tawagin ng matanda. May inabot ito sa kanyang pulang plastic na naglalaman ng malaking kahon sa loob.

"A-Ano po ito?" nagtatakang tanong niya.

"Pasasalamat 'yan sa kabutihan mo." Anito. Hindi na siya nakapagtanong pa nang tuluyan nang umandar ang tricycle at naiwan na siyang nakatulala doon habang nakatingin sa papalayong sasakyan ng matanda. Muli niyang binalingan ang supot na naglalaman ng malaking kahon. Ano kaya 'yon? Sana walang lumabas na ahas, baka atakihin ako sa puso!

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon