19

307 8 0
                                    

"MALAPIT na pong magsimula 'yong competition, wala pa rin si Andeng. Hindi ko rin siya matawagan, nasaan na kaya siya at ang iba pa?" tanong ni Donnie sa Nanay ni Andeng.

Maaga siyang nagpunta sa venue kung saan magaganap ang competition, kasama ng coach at ibang members ng swimming team, sunod namang nakarating doon ang daddy niya kasama ang stepbrother niya at si aling Salome. Nang tawagan niya kanina si Andeng, ang sabi nito ay susunod na daw ito, may dadaanan lang sa Mall at baka daw mas mauna pa sina Maricor at ang iba pa na makarating doon, ngunit pati sina Maricor ay wala pa.

Hindi siya kinakabahan sa competition dahil bukod sa marami na siyang nasalihang kompetisyon noon, ramdam niya ang suporta ng kanyang pamilya—kahit na nasa abroad ang mommy niya ay g-in-ood luck at ipagdadasal daw siya nito—at ng mga kaibigan niya, kasali na ang buong SMU, na naroon din noon para sumuporta sa kanya dala ang kani-kanyang banners at tarps.

Hindi niya ma-contact ang phone ni Andeng. Kapag hindi pa naman niya nakikita ito ay parang may kulang sa kanya. May kung anong kaba ang kumudlit sa puso niya. Naramdaman niyang tinapik ng daddy niya ang balikat niya.

"You can do it, son! Make us proud again!" nakangiting sabi nito.

Tipid naman siyang ngumiti sa ama. "Thanks, dad!"

"Kuya, win the game po, ha! I'll cheer for you." Masayang sabi ni Anthony.

Ngumiti din siya sa kapatid at ginulo ang buhok nito. "Don't worry, kuya will win!" aniya, na ikinasiya ng bata.

"Magsisimula na yata!" anunsyo ni aling Salome. "Huwag mo munang isipin si Andrea, mayamaya ay darating din siya dito, baka na-traffic lang." anito, saka siya g-in-ood luck. Nagpalsalamat naman siya bago siya tuluyang nagpaalam sa mga ito.

Nang magtanggal na sila ng mga upper garments, maglagay ng goggles, swim cap at iba pang swimwears ay nagsigawan at nagtilian na ang mga tao, hudyat na excited na ang lahat. Pumuwesto na ang mga swimmers. Mas maraming mga manunuod ngayon kaysa no'ng huling inter-University match. Siya ang nag-champion no'n pero milliseconds lang ang lamang niya sa second place, kaya siguro ay pinaghandaan siya nito ngayon. Sampu silang mga participants na galing sa iba't ibang mga Universities sa bansa.

Nang bumaling siya sa kinaroroonan ng daddy, kapatid at ni Aling Salome ay wala pa rin siyang makitang Andeng. Pumikit na muna siya at saglit na umusal ng dasal. Pinuno niya ang puso at isipan ng determinasyon at inspirasyon para makamit ang tagumpay. Ipapanalo niya ang kompetisyong ito para sa lahat ng mga nakasuporta sa kanya lalo na sa pamilya niya at kay Andrea Gonzales!

May mga referees na ring nakabantay sa bawat swimmers para makita kung sino ang mangunguna sa kompetisyon. Ang starter naman o ang namamahala sa race ang maghu-hudyat nang paghahanda at nang pagpindot ng buzzer na hudyat ng starting system. Doon na sila sabay-sabay lumusob sa malaking 4 x 100 meters competition.

I will this game! aniya sa sarili. Saka mas lalong binilisan ang butterfly stroke technique niya. Hindi na niya inalintana ang mga kalaban niya dahil para sa kanya, sarili lang din niya ang kalaban niya. Nang makarating siya sa kabilang panig ay mabilis din siyang nakaayos para lumangoy pabalik. This is for you, Andeng! Wait me up! After this, ipagtatapat ko na ang lahat nang nararamdaman ko para sa 'yo! Aniya. Mas binilisan pa niya ang ginagawa hanggang sa makaratating siya sa first base at mabilis na umahon at nagtanggal ng goggles. Narinig niyang naghiyawan ang mga tao at nang mapatingin siya sa mga kasamahan niya ay nauna siya. Saglit pa ay nagpakita na sa score board ang nag-top three.

Napasigaw siya at lubos na nasiyahan nang makita niyang siya ang nag-top, pangalawa ang dating katunggali at pangatlo ang neighbor school nila. They congratulated each other. Nilapitan naman siya agad ng coach niya at ibang members ng kanilang team para i-congratualte. Sobrang tuwa-tuwa siya. Saglit pa ay awarding of medals at trophies na! Masayang-masaya siyang tinanggap ang mga 'yon kasama ng kanilang swimming team.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon