Prologue

453 2 1
                                    

Prologue

“Bahala na talaga ko sa buhay ko!”

Nagulat ako sa sinabi nung babaeng nasa gilid ng mall. Naglalakad ako that time papunta sa UV express terminal na located sa front parking ng mall. Pauwi na lang from work, ganto pa mawiwitness ko. NKKLK. Sana man lang proposal or what, kaso break up eh. Ang hina ko pa naman sa ganyan, dahil siguro sa kanonood ng mga romantic movies, madali akong naapektuhan sa ganto – well anong connect? Haha..

Napansin ko yung guy na nasa harap nung girl. He’s just silently looking at the girl. Kahit na madilim sa side parking, naaaninag ko pa rin yung mukha niya. Kung susukatin siguro yung height niya, maybe around 5’10, he has a fair complexion and bagsak yung maiksi niyang hair, parang no wax or anything. Naka-corporate attire sya, so very young professional ang peg niya. Kahit na malungkot pa yung face niya na tipong akala mo pinagsakluban ng langit at lupa, mapapansin mo pa rin kung gaano siya ka-gwapo, parang Daniel Padilla dun sa she’s dating the gangster.  While in front of him is a very pretty lady but with a not-so-nice attitude. Not that I was being judgmental pero you know naman when someone is beautiful inside and out eh, dba?

Pagtapat ko sa kanila, I can’t help but feel sorry for the guy. Yes, somehow it made me feel uncomfortable sa scene na nakita ko. They really look like a perfect couple. He’s handsome, she’s pretty. Yeah! Perfect match! 

Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila, napansin ko na biglang nagwalk-out si girly. Nagulat na lang ako when she shouted at the guy who’s at that time e nakatayo pa rin, not even taking a single step.

“Don’t you dare call me nor even go to my house!”

Seriously? How can someone easily shout that in front of other people? Where the hell is the delicadeza of this biatch! Affected much ako? I mean, you can be angry or something but still, hindi ba sya nahihiya? Or kahit na lang para dun sa guy, masakit na yung una nyang sinabi tapos sinundan pa nya. It’s like you’ve been stabbed 100 times.

I could feel his pain kaya kahit na paliko na ko hindi pa rin ako nakatiis na mag last lingon kay guy. I saw tears. He’s crying. Deeply hurt. It’s like I was the one she was breaking up with.  Ang sakit ng feeling na kahit na hindi naman talaga ako eh I am still affected because of the silent weep and the pain in his eyes.

Malapit na ko sa terminal, last trip na ‘to kaya nagmadali na ko sa paglakad. Pag-upo ko sa van hindi pa rin maalis sa isip ko yung scene na yun. I need to get these thoughts out. And me, being emotional and opinionated, I posted it on facebook.

“I felt sorry for the guy. Breaking up wasn’t easy but time heals all wounds. I pity the girl who shouted at him  because I know that when he finally moved on, she’ll realized what he’s worth – guys please if you’ll end a relationship, keep the respect and never do that in public places, oh pulllleassse. Madaming tao. C’mon!

#BreakUp #brokenheartedguy #respect #MrIyakin #MrButterfly – feeling broken hearted girl ;(

 After a min, sabog na naman notifs ko, like/comment. Been used to it since daming nagffollow sakin. And that’s one of my purpose on posting it, para aware yung iba and learn from it.

Rebound or Real Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon