Chapter XII

108 2 1
                                    

Chapter XII

“I heard your phone. May nag-message ata..” kalabit sakin ni Patrick habang bumibili ko ng bag.

“Ah, really?” tanong ko dito.

“Yeah, really. Arte mo!” sabi naman niya sakin.

“Haha. Arte mo din. Alin ba kukunin ko dito?” sabi ko sa kanya habang hawak yung 2 bag na gusto ko.

“Bilhin mo both. Di mo naman pag-iisipan yan kung di mo gusto yung both eh..” sabi nito sakin.

“Tama ka dyan. Pero need ko ng isa lang. Ayokong gumastos masyado..”

“Bibilhin ko yung isa..” cool na sabi niya.

“No. Ayoko..” inis na sabi ko dito.

“Bakit? Bibilhin ko na nga diba?” sabi pa nya.

“You really don’t understand, do you? Am I asking you to buy me this? I’m just asking you kung ano yung kukunin ko, yung feeling mo mas maganda?” pagsusungit ko dito. Hello? Ayoko nga ng dalawa eh. Isa lang. Ayoko din na ibibili niya ko. Lage na nga niya kong tini-treat eh.

“What bag did you picked first? Wag yun. Get the second bag that you liked. Hindi ka naman kasi maco-confuse kung gusto mo na talaga yung unang bag eh..” seryosong sabi niya sakin.

“Hangtaray! May ganon? Nakaka-relate ka, teh?” biro ko dito. Masyado kasing seryoso.

Lumabas na kami sa bag boutique after kong bayaran yung napili ni Patrick. Naisip ko na wala pa kong gift sa kanya kaya niyaya ko siya sa isang clothing shop.

“Can you try to fit these? Bibigay ko kasi kay Minho to eh..” pagsisinungaling ko sa kanya. Hawak ko naman yung katulad din nung susuotin ni Patrick. Well, isang plain na gray polo shirt at isang hoodie na jacket.

“Ok..” sabi niya habang papasok ng fitting room.

“Sa tingin mo ok lang yan? Maganda ba?” tanong ko dito.

“Yep. Maganda siya. My kind of style..” ngiti nito sakin.

“Ok lang kaya kung same kami?” tanong ko pa dito.

Tinignan muna niya ko bago siya sumagot. “Hmm. Looks ok to me. Ewan ko lang sa kanya..” sabay tawa.

“Baliw ka talaga. Sige, sukat mo na..” sabi ko sa kanya habang papasok na din ako nung katapat na fitting room.

After a few minutes, nagkasabay kami ng paglabas ng fitting room, at same pa kami na nakajacket ha? Haha. In fairness, bagay sa kanya. Haha.

“Wow. Couple jacket ang peg, mada’am?” makulit na bati nung gay na staff ng shop.

“Haha. Sort of..” sabi ko dito sabay kindat kay Patrick.

Napangiti naman ito. Yeah! Ng nakakaloko.

“What about the polo shirt? You wanna see?” tanong nito.

“Alright..”

Bigla naman siyang nagtanggal  ng jacket sa harap ko.

Waaah.

Feeling ko maghuhubad siya sa harap ko eh wahahaha.

Eeh. Gusto kong itulak sarili ko sa kanya wahahaha.

“Ikaw? Patingin kung bagay sayo..” nagulat ako ng bigla siyang magsalita.

Kainis!

Ang bilis mo naman magremove, bebe eh.. hehe. Lande!

Rebound or Real Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon