Hi mga bakla! hehehe.. nagsusulat kahit sobrang sakit ng ulo ko hahaha.. bukas start na ang 15 days work ko. Walang off dahil 2 days off ako nung friday at ngayon hehehe. Sakit din sa ulo kasi nag-exit ako sa Dubai pa Bahrain saka bumalik ulit ng Dubai, tapos diretso uwi pa dito sa Sharjah. Kaya kung di man ako mabilis mag-update, pasensya na aking mahal hehehehe. Masaya ko na nag-e-enjoy kayo kahit paano sa sinusulat ko hehe. Somehow, feeling ko nasa Pinas pa din ako dahil si Wattpad naaupdate ko pa din kahit paano hehe.
Sa susunod na week try ko ulit mag-update, kahit paputol-putol na sulat, gagawin ko ahahahaha. Basta enjoy lang ha? vote and comment pag trip niyo hahaha..
Kamsahamnida Chingus! :)
Chapter XVII
Nagising ako ng biglang mag-alarm ang phone ko. Pagkita ko alas nuwebe na pala at ang pasok ko eh alas diyes. Ano pa nga ba? E di dali-dali kong hinaltak yung towel ko saka pumunta sa banyo. Pagpasok ko nakita ko ang mata ko. Shemay! Mukha kong zombie. Badtrip na kilig kasi yan, hindi man lang ako pinatulog ng maayos. Ilang minutes lang akong naligo kasi late na ko, dali-dali din akong nagbihis at kinuha ang susi ko saka uminom ng juice na nasa lamesa na hinanda ni Mommy, well, hindi ko na kayang mag-breakfast kaya yun na lang ininom ko.
“Oh, Dessa? Bakit ka nagmamadali?” tanong ni Mommy sakin. Galing siya sa kitchen at mukhang nagluto ng paborito ko. Waaaah. Korean chicken!
Alam mo yung feeling na nakita mo yung spicy chicken sa harap mo tapos parang hinahatak ka pabalik ng upuan at the same time yung kotse mo nakikita mo sa labas na parang hinahatak ka din niya umalis? Waaah. What to do??
“May pasok ako, mommy. Late na nga ko eh..” explain ko dito sabay dakma nung isang chicken. Waaah. Sarap. DH lang ang peg ko. (Dead Hungry aka Patay Gutom) wahahaha.
“Kinilig ka lang kagabi nawala ka na sa sarili mo, ate?” biglang sabat ni Minho na kasalukuyang nasa pintuan.
“Ha?” nagtatakang tanong ko. Mukhang nag-exercise tong dalawang magjowa, nakakainggit naman. Hehe. Yung feeling na gumising sila ng maaga tapos nagjogging.
Hihihihi.
Kapag naging kami ni Patrick, aayain ko din siya mag-jogging! Wahahahahahahaha.
“Iba na talaga ang tumatandang dalaga, Mommy. Ano nga palang holiday ngayon?” sabay baling kunwari ni Minho sakin na parang pinapaalala na holiday nga pala ngayon at wala kong pasok. Bukod dun 3 araw din akong nagleave.
“Aaaarghhh” pag-gulo ko sa buhok ko.
“Oh, patay, sinapian na ang maganda kong kapatid..” natatawang sabi ni Minho.
“Ate wag mo ng pansinin si Minho, relax ka lang, wala kang pasok ngayon..” natatawa ding sabi ni MM.
“Oo nga. Hays. Ano ba yan..” naalala ko bigla si Aweiz kaya tinawagan ko siya agad.
“Hello? Sino ba to? Aga-aga ginugulo mo ang natutulog..” sagot niya sa phone niya.
“Yah! Pasaway ka!” sigaw ko dito. “NKKLK. Nagmamadali akong pumasok dahil sa naalala ko na may pasok ngayon dahil sabi mo kagabi maaga pasok mo. Yun pala –“
“Holiday ngayon. Bakit magkakapasok? Bakit? Hindi ka ba boss?” tanong nito sakin.
“Haaaaaaist. Adik ka kasi. Sabi mo kagabi may pasok, so feeling ko may pasok tapos nawala sa isip ko na holiday. Haaaaist. Nagalit ka pa dahil sabi mo inistorbo kita at maaga pasok mo..”
BINABASA MO ANG
Rebound or Real Love?
RomanceAnong mararamdaman mo kung nakakita ka ng break-up scene? Anong gagawin mo kung coincidentally nakatabi mo siya sa UV Express? Comfort him? Sing for him? What if he keeps on bugging your mind? But what if, just what if, you realized na pati na pala...