So, yes! haha. Weekly update ang gagawin ko dahil sa busy ako nitong nakaraan dahil sa new journey ko hehe. I need to learn new things na hindi ako familiar and ang masasabi ko lang is I am currently enjoying it.
Sa una lang naman mahirap ang isang bagay eh, sa kalaunan nagiging madali na...
to the point na kahit nakapikit ka, magagawa mo pa rin! :)
So, guys, pasenxa na sa late update ha? weekly tayo muna ne? Basa, comment and vote kung bet niyo hehe. Kayo-kayo lang din yan pero masaya ko na kayo yan hehehehe.. at may kayo hehe..
Love lots,
LuyangMakwento :)
____________________________________________________
Chapter XVIII
“Bitawan mo ko! Ayoko na!”
Narinig namin ang boses ni Chelsie pagkababa ng window nung kotse ni Patrick. Pero mas nagulat kami ng biglang makita naming sinampal siya nung lalaking kasama niya. Lumingon ako kay Patrick pero mas nakakagulat na wala na pala siya sa driver’s seat. Paglingon ko sa kanan ko nasa harap na siya ni Chelsie. Sinapak niya yung lalaking kasama ni Chelsie, well, yung current boyfriend ni Chelsie, saka hinatak papasok ng kotse si Chelsie.
Ako?
Anong ginagawa ko?
E di eto..
Nakatanga..
Napapatanga..
Nagkukwento ng mga nakikita ko.
Dapat ko din bang ikwento na nasa likod sila ng kotse ngayon? I mean, nasa passenger seat sa likod?
“Brit, pwedeng ikaw muna mag-drive?” he asked me habang inaasikaso si Chelsie.
Checking if she’s ok.
Checking kung nagkapasa ba yung face niya.
Itutuloy ko pa bang ikwento yung nakikita ko na lungkot sa mukha ni Patrick?
Galit sa nangyari?
Pag-aalala dahil sa nakita niyang kalagayan ni Chelsie?
Oo.
Nakita ko yun lahat.
Ang masakit pa, habang nag-aalala siya sa likod, heto ako sa harap, pinagmamaneho sila.
Hehehe.
Parang nakakatanga talaga eh noh? Nakakabobo.
Parang sa mga mata niya..
Si Chelsie lang ang nakikita niya.
So ngayon, tanong ko sayo, ilang buwan ba bago talaga makapag-move on ang isang tao? Lalo na kung ang taong iniwan siya, ngayon e bumabalik-balik sa kanya?
Pinagmaneho ko sila hanggang sa makarating kami sa isang townhouse. Kung papaganahin ko ang common sense ko, bahay ni Chelsie to. Habang nasa daan kami wala siyang tigil sa pag-iyak. Pagkwento ng mga nangyari sa kanila nung boyfriend siya.
Na battered girlfriend daw siya.
Babaero daw yung boyfriend niya.
May nabuntis daw na babae.
BINABASA MO ANG
Rebound or Real Love?
RomanceAnong mararamdaman mo kung nakakita ka ng break-up scene? Anong gagawin mo kung coincidentally nakatabi mo siya sa UV Express? Comfort him? Sing for him? What if he keeps on bugging your mind? But what if, just what if, you realized na pati na pala...