E ayun na nga. haha. Ngayon lang nag-update. Pasensiya na ulit hehe. Sa susunod ulit hehehe. Minsan kailangan ko din mag-aral at magpahinga plus trabaho haha. Pero masaya na nababasa niyo pa rin to (Sana) hahaha..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter XIX
“Oo na, mag-ingat ka na lang sa trip mo papuntang Laguna. Dami mong alam eh..” sabi ko sa kabilang phone habang kausap si Patrick.
NKKLK. Pupunta lang ng Laguna yan pero akala mo mangingibang bansa kung magpaalam.
“Baka ipagpalit mo ko kay Troy ha?” sabi naman nito sakin.
“Baliw. Gayahin mo ko sa ex mo?” sabi ko naman dito. Well, ok lang naman ang biruan naming ganyan dahil para na din kaming magbarkada. Salamat sa ilang buwan na naging magkaibigan kami. Hehe.
Minsan mas ok din pala na makilala mo muna yung tao ng lubusan bago mo hayaang mahulog ang loob mo.
Minsan mas ok na naranasan niyo muna na maging magkaibigan para kung mag-level up man yung friendship niyo e mas madali kayong mag-a-adjust sa isa’t-isa.
Hindi ko sinasabi na applicable to sa lahat, pero mas maganda kung ganon nga.
Kasi mas maganda na yung relasyon niyo e nakapag-build na ng friendship. Masarap sa feeling na ang special someone mo eh parang barkada mo lang din na kasundo mo sa halos lahat ng bagay. Na madali mong maiintindihan dahil alam mo ang pinagdaanan niya. Na alam mo halos lahat ng tungkol sa kanya, hindi lang ang pangalan niya, pangalan ng pamilya niya, saan nanggaling ang angkan nila – kundi alam mo at kilala mo ang buong pagkatao niya – alam mo ang kabuuan niya.
Honestly, di pa naman kami totally kampante sa isa’t-isa, lalo na ko noh? LOL. Ikaw ng may umaaligid na ex, sa tingin mo matatahimik ba ko? wahahaha. Sabihin na nating selosa ko, pero minsan ang kailangan natin assurance eh, kaso di ko alam bakit ngayon hindi ko pa nararamdaman yung assurance na yun.
Dahil ba hindi pa kami?
Wala pang label?
Ganern?!
Chillax ka lang hehe, dadating din tayo sa sagutan portion haha. Siyempre ako naman ngayon ang magpapakipot. Para dalagang-dalaga lang ang peg hehehe.
“Hoyyyyy, Baks! Ano na namang day dreaming ang peg mo dyan?”
Sino pa nga ba ang nagsasalita? Siyempre walang iba kundi si Mince, NKKLK talaga tong baklang to.
“Kontra ka talaga eh noh?” sabi ko naman dito.
“So meaning meron ka ngang dine-day dream dyan?” sabi naman ni Chaera.
“Baka kasal nila ni Patrick? Hahaha..” sabay tawa ni Dar habang hawak yung kape na pinabili ko sa kanila.
“Gaga! Kasal ka dyan? Mga baklang to, napaka-echusera niyo..” sagot ko naman dito.
“Nga naman, kasal agad e hindi pa nga siya sinasagot ni Papa Patrick. Hahaha..” sabay tawa naman ni Mince.
BINABASA MO ANG
Rebound or Real Love?
RomanceAnong mararamdaman mo kung nakakita ka ng break-up scene? Anong gagawin mo kung coincidentally nakatabi mo siya sa UV Express? Comfort him? Sing for him? What if he keeps on bugging your mind? But what if, just what if, you realized na pati na pala...