Chapter XI

87 4 0
                                    

Chapter XI

Saturday ngayon.

E ano?

Bakit? May hinihintay ba ko? Excuse me, wala na noh?

Nai-friendzone ko na sarili ko wahahaha.

At napatunayan ko na dapat ko na talagang i-friendzone ang feelings ko dahil sa lungkot niya kahapon.

Arghhhh! Hate this feeling.

Kinuha ko ang aking bag sa couch saka labas ng bahay ko. Wala kong balak magdala ng kotse. Masyado kong wala sa mood ngayon. Nakakatamad.

Naka-pullover dress ako na pink (may cycling ako sa loob at medyo mahaba naman kaya epek lang) at Nike na Dunk Sky Hi Sneakers na pink din haha.

Wala ko sa mood eh, kaya dapat kabilagtaran ng suot ko.

“Hi Ma’am. Mukhang tamad ka mag-drive ngayon ah..” bati sakin ng dispatcher sa terminal malapit sa gas station.

“Oo nga eh. Gusto kong matulog sa daan eh..” birong sabi ko dito.

“Ang kulay mo ngayon ma’am, mukhang masaya ka ha?” bati naman ng driver pagkasakay ko ng van niya. Yung ibang driver kilala na din ako kaya minsan pinapansin nila ko.

Nginitian ko na lang siya.

Wala akong balak makipag-istorya.

Masyado kong badtreps. Wahaha. Chos lang. Baka sabihin niyo broken ako eh.

Ewww. Di noh? Excuse me. Dadaan ako. :P

Pagdating ko ng mall, inilabas ko ang cap ko. Wahaha. Feeling maganda. Feeling artista. Malapit palang ako sa entrance ng mall ngayon. Tumitingin-tingin sa possible na kakilala ko. Susuotin ko na sana yung cap na hawak ko nang maalala ko si Dar nung minsang kasama ko dito sa mall tapos naka-cap ako.

Flashback, flashback, flashback..

“GGSS ka talaga habang suot mo yang cap mo eh noh?” sita ni Dar sakin. (GGSS = gandang ganda  sa sumbrero haha este sarili pala LOL)

“Bakit ba, baks. Problem mo?” tanong ko dito with matching irap.

“Remove mo na kasi. Nakakahiya sa tao oh..” sabay tingin niya sa paligid.

“Alam ko nafi-feel mo. Nagmumukha kang longkatu, pero Baks, f na f ko to eh. Alam mo yun?” sabay hand gesture ko na parang to the highest level ang peg.

“Ganda mo talaga eh noh?” sarkastikong sabi niya saka bumulong. “E kaso wala namang jowa..”

“Wow ha? Bumulong ka pa, pinarinig mo din. Sigaw mo na kaya sa buong mall..” mataray na sabi ko.

“Feeling artista, mataray naman..” sabi pa nito. “Pero seriously, Baks. Bakit ka ba nakaganyan? Kasi ako naiilang. Yung mga tao akala nila artista ka nga, sinisilip pa mukha mo..” paseryosong sabi niya.

Rebound or Real Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon