Chapter XVI

76 1 5
                                    

Hello mga baks! haha pasensya na sa late update hehe hindi ako lost, panay nood lang ako ng kdrama kaya nawaglit sa aking isipan ang pag-update wahaha ano daw? shems, ang lalim ehehe. Kamusta na ba kayo dyan? haha. Napanood niyo na ba si Annabelle? Sa net niyo na lang watch, di ako masyadong natakot hehehe pero napatili naman ako ahahaha.. Ok lang kaso madami silang salita kesa pananakot eh hehe.

Magaupdate ako ng magaupdate hanggang di pa ko busy haha. Lemme know kung medyo boring na ba ha hehe, we'll try our best, alright? hehehehe..

Read and Enjoy mga Bakla ng taon! hahahaha..

Or Luya ng taon? hehehehehe..

Nagulat ako may kapareho pala ng title yung story ko? NKKLK! hahaha. buti dark yung sa cover niya, ako light colors hahahaha.. :) at magkaiba ng story hehehe.. anyway, tnt.. :)

Kamsahamnida!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter XVI

“Hindi mo ba papapasukin yang naghatid sayo?”

Nagulat ako ng marinig ang boses ni Daddy. Kasalukuyan kasi akong nagpapaalam kay Patrick. Nasa tapat kami ngayon ng gate ng bahay ko.

“Oh Dad! Anong ginagawa mo dyan? Tumitingin sa moon? Balita ko may red moon ngayon eh..” pag-i-iba ko ng topic saka sinesenyasan si Patrick na umalis na.

Haha. Feeling ko teenager ako na nahuli ng daddy ko na may katagpo sa labas ng bahay tapos sa takot ko pinapaalis ko siya bigla hahaha.

“Good evening po, Sir!” gulat ko ng binati pa siya ni Patrick instead na umalis na.

Hays! Pasaway. Hindi ko pa keri sabihin kina daddy na nanliligaw to. Naku naku naman.

“Good evening naman din. Tara sa loob..” seryosong sabi ni Daddy kay Patrick. Pumasok na sa bahay si Daddy at agad namang sumunod si Patrick dito. At talagang iniwan nila ko ah?

“Ate anong ginagawa mo dyan? Ikaw ha? Kung di pa makikita ni Daddy, di mo pa papapasukin..” sabi ni Minho sakin.

“Sira ulo. Sakalin kita dyan eh. Saka malay ko bang makikita ni Daddy..” sabi ko dito habang papasok kami ni Minho.

Naka akbay sakin si Minho ngayon na akala mo sinasakal ako ng braso niya kaya madali para sa kanya na hilahin ang mukha ko papalapit sa kanya. And yes, ganon nga ginawa niya saka bumulong. “So pag hindi nakita ni Daddy talagang wala kang balak ipakilala yang boyfriend mo?”

“Utot. Hindi ko boyfriend yan noh?!” sabay tulak sa mukha niya.

“Eh ano mo sya? – aw. Aray! Mommy si ate oh!” sabay tawag ni Minho kay mommy, bakit? Kasi sinikmuran ko lang naman siya.

“Kayong dalawa talaga, nakakahiya kayo. Ano kayo mga bata? Kung kailan may bisita saka magpapapansin?” ay, taray ni Mommy, wagas haha.

“Umupo ka dito, Dessa..” ay di papatalo ng pagkamataray si Daddy ha.

“Ayan, upo daw..” sabi ni Minho saka pinaupo ako sa tabi ni Patrick.

“NKKLK! Daddy this is really awkward..” complain ko kay Daddy sabay pout ng lips ko.

“Awkward? Kung di ko pa sinilip kung sinong dumating, hindi ko malalaman na ikaw at may kasama ka?” sabay cross arms ni Daddy.

“Oo nga naman. Bakit hindi mo pinapapasok?” sabi naman ni Mommy na katabi na ni Daddy.

Rebound or Real Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon