Para sa unang nagcomment na hindi ko friend in real life.. haha..
Masaya ko na may nakabasa talaga nito at nag-comment hihi.. Mas kinilig ako sayo wahaha.
Salamat, girl! I'm inspired haha
α∞Ɖ α∞Ɖ α∞Ɖ
Chapter V
“Sino ba yan? Ang aga-aga eh..” inis na sinipa ni Chaera yung unan sa paanan niya pagkarinig niya nung nagba-buzz sa pinto namin.
“Patigilin mo nga yan, Baks! Baka tamaan samin yan..” sabi naman ni Mince sakin. Nakapikit pa mga mata nila habang nagsasalita habang si Dar hindi naman maistorbo. Mahimbing pa din.
“Yan kasi. Inom ng inom akala niyo naman mauubusan. Ano hang over?” sabi ko habang papalapit ng pinto.
“Che. Tahimik!” sabi ni Chaera na nagtalukbong pa ng unan.
“Alak pa! Alak pa more!” pang-aasar ko dito sabay bukas ng pinto. “Yes?” sabi ko dun sa lalaking nasa harap ko.
“Good morning! Room service po Ma’am..” sabi nito.
“Ay, sorry. Pero wala namang nagpapa-room service samin. Baka nagkakamali kayo ng room.”
“Hindi po Ma’am. Sabi po ni Sir Patrick dito daw po eh..” sabay abot niya sakin ng note.
Woah!
Dug dug. Dug dug. Dug dug.
Anong meron? Waaaaah.
Nakakahiya naman. Pero eeeeeeeeeeeeeh. Kilig ba to? Waaaaaaaah.
Lumingon-lingon ako para i-check kung may nakakita or may nakarinig sa sinabi nitong mokong na to.
“Sige pakipasok na..” Clear! sabi ko pagkatapos i-check ang paligid.
Tinignan ko muna yung binaba nung server sa table saka umupo sa tabi nito. Waaaah. Anong uunahin ko? Bubuksan tong note o pi-picturean yung breakfast na to? Waaaah. Hehe. Buti tulog pa sila.
I took a snapshot and read the note:
Hey Brit,
Good morning! I’d like to thank you for a nice conversation and a fun night! Hope you’ll like it.
Especially made for you. ;)
From your new gwapo friend,
Pat
Eeeh. Ok na sana kaso gwapo pa daw eh. Hahaha. Hindi ko naman nakita now noh? Chos.
O baka dahil sa friend lang? waah. Bigla naman akong nalungkot.
“Ano yan ha?” sabay hatak sakin ni Dar ng note.
“Waaaaah! Akin na yan!” gulat na sabi ko pero biglang nagising yung dalawa at pinigilan ako sa paglapit kay Dar.
“Teka, share naman, Baks! Ikaw lang ba dapat magbasa ng ganto?” sabi naman ni Dar.
“Hindi para sa inyo yan! waaaah. Ano ba? Di ba lasing pa kayo?” sabi ko sa mga to.
BINABASA MO ANG
Rebound or Real Love?
RomanceAnong mararamdaman mo kung nakakita ka ng break-up scene? Anong gagawin mo kung coincidentally nakatabi mo siya sa UV Express? Comfort him? Sing for him? What if he keeps on bugging your mind? But what if, just what if, you realized na pati na pala...