Chapter I
“Bom! Coming with us?” si Mince lang naman yun, ka-officemate/close friend ko.
Yeah! Heard it right. My name is BOM. Parang Park Bom ng 2NE1 lang ang drama. Well, ID name ko talaga yun sa company namin. Initials for Brittany Odessa Menandrez.
Been working for almost 5yrs sa isang logistics na nag-hire sa akin right after kong mag-graduate. Just got lucky na when our school held a job search, e nandun din tong company namin and isa ko sa nakuha nila as part of the Customer Service Department na at that time e magsisimula pa lang mag migrate sa branch namin, so isa ko sa Pioneer. Got the chance to expand my knowledge, had business trips, in and out of the country which btw I super enjoyed it, feeling bakasyonista, libre pa hahaha. And siguro lucky lang talaga ko that after 3 years naging team leader ako and now, I got promoted as an Assistant Manager. Ang saya lang diba? Pinanganak siguro talaga kong gifted ahahahaha humble ako eh. At the age of 24 halos nakuha ko na yung gusto kong mangyari sa career ko.
Isa na lang talaga ang wala ako eh. Kasi maganda na ko.. ehem.. mabait.. ehem.. humble.. di nga? Ahaha.. pero sabi naman nila yun eh. Ask mo pa! :) Pero yun nga lang “LOVELESS”.
“Hoy Bom! Still with us?” sabay snap ni Mince ng fingers nya sa harap ng face ko.
Naglalakbay na naman pala ang cute kong diwa haha. Napatingin naman ako agad sa kanila na which btw, di sila handa umalis na ng office. Hiyang-hiya naman ako sa kanila na ngayon eh hawak na ang bags nila.
”Wow, handang-handa ha? Di ako mappressure mag log off ng pc ko no? May naghihintay na taxi teh? Diba sa karu mo naman tayo sasakay? Mauubusan ng ticket?” natatawang sabi ko sa kanila. Nakakatuwa talaga tong mga ‘to eh, lageng ready to leave. Actually, may movie date kasi kaming apat, we decided to watch the movie adaptation ng Ang Diary mo.. este ni mara clara hehe.. charot! Ang Diary ng Pangit pala. Uy wag na magtampo sa sinabi ko, at wag na din macornyhan sa joke ko, joke lang naman eh. Hehe. Di ba friends tayo? :)
“Teka nga, tawagin ko muna si Chaera. Kanina pa nasa CR, baka nakuha na ng undin” pagpapatawa naman ni Dar sabay gora nya sa CR.
“Undin talaga friend? NKKLK talaga tong si Dar, so nineties!” sabi ko naman kay Mince na natawa naman kami sa sinabi ni Dar kahit luma na yun. Hello, parang sa shake, rattle and roll III pa ata yun.
Tumayo na ako at kinuha yung bag ko sabay hawak sa braso ni Mince. Papunta na din kami ng lobby kasi sumenyas na din si Dar na dun na nila kami i-wait at kasama na niya na si Chaera. Diretso parking lot na kami dahil dun kami sasakay sa car ni Mince.
BTW, eto nga pala ang mga not-so-matalik na friends ko ahahaha. Kidding aside, eto ang mga super friends ko dito sa office. Ka-batch ko sila, magkakaiba nga lang kami ng team na handle. And dahil nga medyo stressful ang work namin, eh ito na ang naging way namin to deal with it. Yeah, ang mag watch ng movie, eat out, which sabi nga nila pag may time. :)
“Grabe, NKKLK si Eya, medyo chaka pero may Cross..” sabi ni Dar pagkalabas namin ng Cinema 12.
“True ka teh! Dinaig pa nga nya yung knowing natin eh..” sagot naman ni Mince na tumingin pa kay Chaera.
At siyempre, cue na ang tinginan para sumagot naman yung isa..
“Truthfulness, Baks! Maganda nga wala namang pag-ibig. Dami ngang nanliligaw pero balak atang iburo ang anez at magpaka-old maid!” sabay-sabay namang tumawa ang tatlo kong not-so-close friends.
BINABASA MO ANG
Rebound or Real Love?
RomanceAnong mararamdaman mo kung nakakita ka ng break-up scene? Anong gagawin mo kung coincidentally nakatabi mo siya sa UV Express? Comfort him? Sing for him? What if he keeps on bugging your mind? But what if, just what if, you realized na pati na pala...