Chapter XIV

86 3 12
                                    

Chapter XIV

“Hoy, Baks! Ano na namang epek mo dyan?” tanong ni Dar sakin.

Halos one week na ang nakakalipas. Nag-change ako ng sim ko kaya walang nakaka-contact na Patrick sakin. Pero ngayon binalik ko na ulit. Siguro naman epek na yun noh? Hahaha.

Nasa work station ako ngayon. Tamang drawing lang. Tamang browse ng pics namin ni Patrick.

“Siyempre nagre-reminisce para bago man ako mag-move on, e makita ko man lang siya..” lungkot-lungkutan ang peg na sabi ko.

“Ay grabe, mananalo ka ng drama queen award, Baks! Dami mong alam..” sabi naman ni Mince.

“Tara na nga. Tapos na work saka ka mag-e-emote..” sabi naman ni Chaera.

“So, alam na this? Malamang gusto lang niya magyaya mag-inom..” natatawang sabi ni Dar.

“Haha. How did you know, I needed someone like you girls  in my life? Hahaha..” sagot ko naman sabay tayo, kuha ng bag at hala, larga!

Naglalakad kami papuntang mall ngayon, walang sasakyan kasi tinatamad kami mag-drive. Monday eh, equals traffic day.

Anong nangyari kay Patrick? Ayun, message, call, message, call. Ako, deadma.

Gusto niyo ipabasa ko sa inyo isang message niya? Haha.

Pilitin niyo muna ko.. haha..

O sige, napilit niyo ko eh, kainis naman kayo..

“Hey, Brit! Been a week. San ka na? Sabay tayo? I’ll pick you up. Pretty please? Message back ka naman oh..”

 

Haha. Oh ayan na. Bahala siya. Basta ako mag-iinom hahaha.

Hello? Babae din ako, may arte din na dapat pang Reyna.

Ano siya, pag need niya ko kailangan lageng makikita niya agad pero pag ako..

Pag ako..

Friendzone lang?

Tapos libre kiss pa siya. Utot.

Tapos may Chelsie na ulit siya. Sapakin ko pa siya.

“Dito tayo sa Giligans para epek.. libre mo ha?” sabi naman ni Mince. Ginising ang naglalakbay kong isip.

“Buti wala masyadong tao, kahit paano maganda ang moment mo, pwede ka pang umiyak..” sabay tawa ni Chaera.

“Grabei kayow,pag yan nalasing at umiyak pahirapan na naman tayo..” sabi naman ni Dar.

“Hoy, kelan ko naman kayo pinahirapan?” pamaang-maangan kong tanong.

“Kelan daw, Baks? Haha. Kapal ng fez magtanong..” sabi naman ni Mince habang paupo na kami sa sulok ng restaurant.

“Teka, check ko yung calendar ko kung gusto niya ng details hehe. Sino nga ba yung guy, si Troy ba yun?” tanong-tanungang epek ni Chaera.

“Tanda niya yun. Isipin mo after 48 years may natipuhan ulit siya sa nanliligaw sa kanya kaso playboy pala hahahaha..” natatawang sabi naman ni Dar.

Rebound or Real Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon