Chapter XX

40 0 5
                                    

Chapter XX

So ayun na nga, tamang lakad kami sa park. Malamig na masyado kasi nga pa-December na. Ang alam ko isang buwan sa Laguna si Patrick pero bakit andito siya kasama ko? Hehe. Hindi ko din alam basta ako ieenjoy ko lang ng ieenjoy.

Dala-dala niya ngayon ang isang basket ng pagkain. Siyempre hindi lang naman siya nagprepare niyan, pati din naman ako. Hehe. Naggawa naman ako ng Mango float. LOL. Hawak-hawak ang fave kong phone, hinanap ko yung babasahin ko habang nag-re-relax kami sa damuhan ni Patrick. Oh yes, sa damuhan nga, tapos magpapagulong-gulong kami dun hanggang umabot sa lake, tapos magfi-feeling na beach at magtatampisaw at sasabihin kong eeeeh, habulin mo ko.. haha. Echos!

Nakahanap kami ng magandang pwesto, may puno na malaki na matatakpan ang sikat ng araw, masarap at mabango din ang simoy ng hangin kaya perfect!

Inayos ni Patrick yung dala naming blanket at food saka kami umupo para kumain. Tanghali na din kasi at dito na namin napagkasunduan na kumain ng lunch. Hehe. #foodporn ang peg namin. Hehe. May pasta carbonara, yung mango float, shrimp tempura, chips, strawberry na partly dipped sa chocolate, tapos may bbq pa haha. Hindi kaya maging bundat ako after?

“So kelan mo ba ko sasagutin, Brit?” nagulat ako sa question ni Patrick.

Dug dug. Dug dug.

Ganyan yung kabog ng dibdib ko hehehe. Pero mabilis pa sa pagkakabasa mo haha.

Para kong natameme sa tanong niya, eeeh. Pero kilig ako. Sa totoo lang matagal ko ng wait na iask niya to eh hehe. 3 weeks na din nakakalipas nung magkita kami at mag-misscall siya sakin na dapat sa susunod na tawag niya sasagutin ko na sya hehehe.

“Teka, akala ko ba pag tumawag ka na?” tanong ko sa kanya.

“Tatawag na ba ko ngayon?” sagot na tanong niya.

“Ikaw. Kung gusto mong tumawag..” sagot ko naman.

“Gusto mo bang tumawag ako?” nakakalokong tanong naman niya ulit. Nakangiti na parang nasisiraan.

“Ah, ewan, di wag. Wag ka ng tumawag. Nakakabuang ka..” naiiritang sagot ko.

Nagulat ako ng bigla na lang nag-ring ang phone ko. Same number na ginamit niya nung unang imiscall niya ko na sa susunod niyang tawag ko daw siya sasagutin hehe. Eeh, sasagutin ko na ba? Nakatingin lang ako sa phone ko at nung sasagutin ko na ang tawag, biglang nawala.

Shems!

Tapos na?

Yun na yun?!

Waaaah.

Na-miss ko na naman ba? Wala bang rewind?

Paano kung di na siya mag-ask ulit? Waaaah.

“Brit!” nagulat ako ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko. Paglingon ko mas nagulat ako.

Waaah. Hubo’t hubad na siya. OMG.

Takip-mata.

Rebound or Real Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon