Chapter IV
“I found you pretty..”
"H-huh? What did you say?" takang tanong ko pagkarinig ko ng sinabi niya. Oo pinoy nga ko, na kahit narinig ko yung sinabi niya e nag-aask pa ko ulit kung ano nga yun. Bwahahaha.
Pasagot na sana siya ng biglang tinawag ako ni Wei, isa sa mga subordinate ko.
"Ms. Bom, tawag na po kayo sa loob, mag-start na po daw."
Talaga naman tong mga to eh, napaka-wrong timing niyo. Eto na oh. Complimenting part na eh.
"Go ahead. Mukhang hinihintay ka na nila. I will go back inside the hotel na din para maasikaso yung ibang guest." sabi ni Mr. B sabay lakad papuntang hotel.
9pm na ng natapos yung presentation ng bawat team at ang separate presentation namin. Panalo naman ang team namin, pero yung saming mga leaders, well, balik lead na lang kami haha. Parang wala naman kami masyadong galing sa ganyan haha.
Bumalik na ko sa kwarto namin kasi ayaw magpaawat nila Mince na di ako uminom. Eh 2 pa nga lang naiinom ko na Tanduay Ice halos mahilo na ko eh. Buti na lang at hindi nila napansin na tinakasan ko na sila.
Pagbukas ng ilaw napansin ko na partly open yung curtain namin. Kita sa room namin yung infinity pool. Hinawi ko yung curtain para makita ko ng buo yung pool. And yes, very calming niyang tignan. May mga lights sila na nilagay sa palibot nito na mas lalong nageemphasize sa korte nito. At mismong yung lights, nakalagay na korteng infinity din.
Napansin ko na wala namang tao sa pool, at dahil mahilig ako magswimming, dali-dali akong nagpalit ng swimsuit ko at ginawang alampay yung towel ko saka bumaba para pumunta sa pool.
"Wow. Ang ganda mo talaga." sabi ko ng makarating ako sa pool. Of course, nag-selfie ako para may maipakita ko kay mommy na picture sa pool na yun. Sinama ko na yung sexy body ko para mapansin niya na pumayat ako ng konti haha. After ko mag-picture, lumusong na ko para mag-swim. This is life. After work, unwind para di ma-burn out.
Pabalik-balik lang ako sa magkabilang side ng pool, kaya hindi maiwasan na makaramdam ako ng pamumulikat. Buti nasa gilid na ko nung naramdaman ko yun kaya agad akong nag-try na umakyat sa gutter, problem is hindi ko kaya kasi masakit yung right leg ko na nagka-cramp.
“Oh, bakit andyan ka lang sa gilid?”
“Oh wow. Here you are again..” gulat na sabi ko.
“Aw. Sorry, nakaka-istorbo ba ko?” tanong niya.
“No. No. It’s ok..” sabi ko na bigla kong naiwagayway yung dalawang kamay ko para i-wave na hindi siya nakaka-istorbo. Ganon kasi ako minsan eh. At dahil sa ginawa ko nawala kapit ko sa gutter, medyo napalubog ako, buti na lang mababaw na tong pinuntahan ko, mga 6 feet. Dito kasi ko inabutan eh.
I pushed my left leg hard para umantaw ako sa tubig. Kinapa ko yung sa side para makahawak ako sa gutter nang biglang hinawakan niya yung kamay ko. Hinihila niya ko pataas kaya nabawasan ang kaba ko.
“Are you ok?” tanong niya sakin.
“My right leg.. aw..” sabi ko, nilahad ko pa yung isang kamay ko para i-grab niya at mas madali niya kong maitaas.
BINABASA MO ANG
Rebound or Real Love?
RomanceAnong mararamdaman mo kung nakakita ka ng break-up scene? Anong gagawin mo kung coincidentally nakatabi mo siya sa UV Express? Comfort him? Sing for him? What if he keeps on bugging your mind? But what if, just what if, you realized na pati na pala...