Chapter III
“Bom!” nag-ring ang phone sa tabi ko. At according sa caller ID ko eh, ung Department Manager namin ang tumatawag.
“Yes po?” sagot ko naman pag-angat ko ng phone.
“Andyan ba lahat ng leaders? Tawagin mo naman sila tapos punta kayo dito sa room ko. We’ll just have a quick meeting..” sabi pa nya sa kabilang linya.
“Alright po! Bye..” sabay baba namin ng phone, saka ko tinawag ang mga co-leaders ko.
α∞Ɖ α∞Ɖ α∞Ɖ α∞Ɖ α∞Ɖ α∞Ɖ
“Hi Guys!” bati ng very cool na Manager namin.
“Hello po..” bati din namin.
“I just wanna tell you lang na we will have a team building. Nagbigay na sila ng budget para dun and I want it to happen in four weeks. Is that possible?” she asked us.
“Ok po, are we going to spent overnight or one whole day lang?” tanong ni Chaera.
“Better if overnight para di mabitin yung mga tao sa socials..” oh diba? Ang cool lang.. hahaha..
“Yeah better!” sagot naming mga leaders.
“So Mince and Jordin, would you mind kung kayo ia-assign ko to look for the possible place. While Chaera and Say will check on the activities habang andun tayo. Then, Bom and Tiff, you’ll be both in charge sa food, drinks and tokens sa activity and socials natin, alright?” at alam niya na talaga gusto niya, the best talaga manager namin.
“I think somewhere near na lang yung kukunin namin para mas madaming time to bond than maubos yung oras sa pag-travel..” suggestion ni Jordin.
“That’s good. I will leave it to you guys. May need pa kong i-meet so iwan ko na muna kayo. You can plan it now para alam niyo na yung mga possible cost..” sabi nito sabay bukas ng door at iniwan kami sa office niya.
Sumunod naman kami agad sa sinabi ni boss kaya right away naka-isip na agad sila ng activities, kami ng mga tokens, then sila Mince nakahanap na din ng location. At first nahirapan sila maghanap kasi halos puno na yung mga alam namin na lugar eh. So kahahanap, browse dito at dyan, may nakita silang location somewhere in Laguna and nakipag-usap din sila agad. So yung food, makikipag-coordinate na lang kami sa kanila pag naayos na namin yung need na down and pag na-visit na nila yung place. Sabi ko tawagan na lang ako sa phone ko since hindi ako pwedeng sumama dun sa date ng pag visit nila. From the pictures that we saw, maganda naman yung place, maluwag and maganda yung ratings, even yung buffet nila. Yes, pricey siya pero mukhang worth it naman ang stay namin according sa feedbacks sa site nila.
At last! Relax-relax ulit hehehe
α∞Ɖ α∞Ɖ α∞Ɖ α∞Ɖ α∞Ɖ α∞Ɖ
Total of 60 pax, kasama na kaming mga leaders. I can say na magiging masaya ang activities namin, lalo na at maganda ang panahon.
BINABASA MO ANG
Rebound or Real Love?
RomanceAnong mararamdaman mo kung nakakita ka ng break-up scene? Anong gagawin mo kung coincidentally nakatabi mo siya sa UV Express? Comfort him? Sing for him? What if he keeps on bugging your mind? But what if, just what if, you realized na pati na pala...