Chapter X

77 1 0
                                    

Chapter X

Friday.

Naka-leave ako from work.

Bakit?

Dahil gusto ko lang.

4:30 am ngayon. Hindi ko alam bakit ang aga nagmulat tong mata ko.

Naisipan ko naman na mag-check ng phone ko.

“Oh, may message pala tong impaktong to..”

Kagabi kasi pagkahatid nila sakin dito, nagtoothbrush na lang ako saka natulog. Hindi ko alam pero mas lamang yung pagod ko sa pag-iisip kesa sa kilig nung nilagay niya ulo ko sa balikat niya.

Tumayo na ko from my bed. Magco-coffee na lang ako saka magja-jogging papunta ng bayan.

Medyo malayo pero keri na to kesa naman mag-emote ako ng kaiisip haha.

Medyo nawawala na ang masayahing babaeng si Brittany.

Kailangan kong itagtag lahat ng inarte, pagmamaasim at pagiging baliw.

Nag-stretch muna ko after ko mag-coffee.

“Ok. All set!”

Tapos ko na ding ikabit yung phone ko na nasa armband. Medyo malayo to pero keri ko to.

Pakanta-kanta habang nagja-jogging, medyo boring kasi pag hindi kasi wala naman akong kasama diba? Haha. Sarap neto. Very refreshing. Lalo na at umaga pa. Alas singko na ko nakalabas ng bahay kaya medyo maliwanag na din, pag pauwi saka na lang ako sasakay at baka mainit na yun.

Takbo. Lakad. Takbo. Lakad.

Yan ang peg ko. Haha. Paki-paalala nga sakin bakit ko ginagawa to? hahaha kasi nakakapagod pala ah? Haha.

After 30minutes nakarating na din ako sa bayan. Nakakakita ako ng lugawan, pero hindi naman ako pwede kumain niyan dahil tatakbo pa ko baka mamaya sumakit tyan ko.

Shit! May biglang humawak sakin..

..sa balikat ko…

Sa gulat ko, hinawakan ko agad ang kamay nito. Nakatalikod ako sa nakahawak sakin. Paghawak ko ng kamay niya, pinilipit ko yun saka ako humarap saka lagay sa likod niya yung braso niya.

Medyo humarap naman ito kaya nagulat ako at napabitaw sa kamay niya.

Tinanggal nito ang earphone ko.

“Ang sakit naman, Brit!” sabi nito na hawak-hawak pa ang braso niya.

“Ikaw kasi, bigla kang nanghahawak..” sabi ko kay Patrick.

“I was calling you e, kaso di mo ko pinapansin. Naka-earphone ka pala kaya hinawakan ko balikat mo..” pagpapaliwanag nito.

“You could have just run in front of me!” pagalit ko dito habang itinutuloy ang takbo ko.

Rebound or Real Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon