Chapter VII
It’s my birthday, we gonna party like it’s my birthday!
kanta ko pagbangon ko sa kama.
Wala naman akong kasama sa pag-celebrate kaya wala naman masyadong espesyal sa birthday ko.
Naka-BL ako sa company. Birthday Leave hahaha. Halos lahat sila bumati na sakin. Na-check ko na din fb ko, madami ng nag-greet. Ayokong pansinin muna, gusto kong lumabas. Wala naman akong gagawin at wala kong kasama mag-celebrate.
Naligo lang ako, nagluto ng pasta, at kinuha yung susi ng kotse ko.
Bigla namang nag-ring yung laptop ko. Skype lang naman ang open dun eh. Pagkita ko si Mommy pala yun at si Minho.
“Hello?”
“HAPPY BIRTHDAY!” sigaw nilang tatlo. Siyempre kasama ni mommy si daddy kaya tatlo sila.
“Wow! Aga niyo ah?” sabi ko sa mga to.
“Late na nga, dapat nung midnight pa kaso si Minho late na nakauwi..” sabi ni Mommy.
“Baka gumimik na naman..” sabi ko dito.
“Ate, kailan ba ko gumimik?” sabi naman nito.
“Lage, lalo na nung nandito ka satin..” sabi ko dito.
“Brit, ikaw talagang bata ka, ayaw mo bigyan ng benefit of the doubt kapatid mo..” sabi naman ni Daddy.
“Hay naku, kasi ang lapit-lapit lang kasi sakin hindi man lang ako puntahan dito..” sabi ko na medyo naluluha.
“Ano ka ba, ate. Pupunta na lang ako dyan sa weekend, may pasok pa ko eh..”
“Kawawa naman ang baby namin. Inaapi..” sabi naman ni Mommy.
“E kasi mommy, wala na nga kayo tapos tong baliw na to di man lang makaalala. Nami-miss ko din naman kayo eh..” sabi ko sabay patak ng luha.
“Di bale, uuwi kami dyan ni Mommy mo sa susunod na buwan..” sabi ni Daddy.
“Daddy, ilang buwan na lumilipas. Pinapaasa niyo na naman ako..”
“Ang drama mo ate! Ganyan talaga pag tumatanda na. Para kang si Mommy tuwing birthday niya. Hahaha..” kami ni mommy nakasimangot, samantalang sila ni Daddy tawa ng tawa.
“Naku, tigilan niyo kaming dalawa ha? Pag-umpugin ko kayong mag-ama eh..”
“O siya anak, Happy Birthday ulit, medyo antok na din kami ng mommy mo eh..” paalam ni Daddy.
“Ok sige. Thanks Mom, Dad!” sabi ko sa mga to.
“Pano ko ate? Binati din kita ha?” sabi naman ni Minho.
“Che! Wala ka naman dito..”
“Kiss kita, muah!” pangungulit naman niya sakin. Tawa naman ng tawa sila mommy.
Simula ng pinanganak si Minho, naging masaya lalo ang childhood ko. Nung una nagseselos ako pero normal lang naman sa bata yun diba? Pero habang lumalaki kami mas nagiging close kami ng kapatid ko, kasama namin mga pinsan ko lage sa galaan. Kaso ngayong may kanya-kanya na kaming work, naging madalang ang pagkikita namin, lalo na yung iba e nag-trabaho na sa ibang bansa, yung iba naman e nasa south nakabili ng bahay kaya layo-layo kami lalo.
BINABASA MO ANG
Rebound or Real Love?
RomantizmAnong mararamdaman mo kung nakakita ka ng break-up scene? Anong gagawin mo kung coincidentally nakatabi mo siya sa UV Express? Comfort him? Sing for him? What if he keeps on bugging your mind? But what if, just what if, you realized na pati na pala...