This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without any permission from the author.
PLAGIARISM IS A CRIME.
Prologo
Taong 1856
Maluha-luha akong tumakbo sa aking Senyorita na kalalabas lamang ng kanyang silid.
''Senyorita.'' Mahinang tawag ko dito at siya'y lumingon, narinig niya ang aking tawag. Humarap siya sa akin na nakataas ang kilay habang pinapaypayan ang kanyang sarili.
''Ano ang iyong batid, indio?'' Ani niya at sinuri ako ng kanyang mga matang mapanghusga. Ibinaba ko ang aking tingin. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko iyon sa aking Senyorita.
''Inuulit ko, Indio. Ano ang iyong batid? Anong karapatan mong dalhin ang oras ko sa wala!''
Napahinga ako ng malalim sa kabila ng pangangatal ng aking mga kamay. Masakit na desisyon man ay kailangan kong isakripisyo ang aming pinagdaanan. Kung hindi ako matatali sa aking pinakamamahal ay ganoon din ang kanyang magiging kapalaran.
''Senyorita, aking nakita ang Ginoo kanina kasama ang isa sa iyong serbidora. Mukhang sila ay luluwas.'' Natigil sa pagpapaypay ang Senyorita Victorina at galit na tumingin sa akin.
''Bawiin mo ang iyong sinabi, indio! Ano ang ibig mong sabihin? Na ayaw makipag-isang dibdib sa akin si Alexandro?'' Ani niya at ginamit ang kanyang pamaypay na itaas ang aking baba upang ako'y kanyang matingnan.
''Ganoon na nga po, Senyorita. Nasaksihan ko kung paano labanan ng Ginoo ang inyong mga kawal upang maitakas ang isang serbidora.'' Napaawang ang bibig niya sa aking sinabi at hindi makapaniwala. Iniwas ko ang aking tingin nang humarap siya sa aking mga kapwa alipin.
''Magtungo kayo sa daungan ng barko at pigilan niyo si Alexandro at ng indio. Isama niyo rin ang iba pang mga kawal. Bilisan niyo, mga estupida!''
''Masusunod, Senyorita.'' Mabilis na kumilos ang lahat upang umalis. Sumunod ang Senyorita na pumunta sa itaas na palapag. Siguradong sasabihin niya iyon sa Senyor at Senyora. Ako na lamang ang natitira rito.
Napaupo ako sa sahig, hinayaan ang aking mga luhang umagos. Napangiti ako mapait.
Paumanhin, Senyorita. Nagamit kita sa aking plano. Ngunit hindi ko kayang maging masaya ang aking minamahal sa piling ng iba.
''Nasisiyahan ka ba?'' Napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko kilala ang Ginoong ito.
''Anong... ibig mong sabihin, Ginoo?'' Ako'y naguguluhan sa kanyang ipinapahiwatig. Ngumiti lamang ito sa akin at may kinuha sa bulsa ng kanyang salawal at iniabot sa akin. Ito'y isang itim na balahibo.
May alinlangan ko iyong inabot at nagugulumihang tumingin sa kanya.
''Ano ang aking gagawin dito, Ginoo?''
''Tutuparin niyan kung ano ang iyong kahilingan.'' Sagot nito. Napatingin ako sa balahibong aking hawak.
''Paano---?'' Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang biglang nawala siya sa aking harapan.
Ang mga mata ko'y dumako sa itim na balahibo.
Kung ganoon ngang ang aking hiling ay mangyayari kapag ako'y humiling sa itim na balahibong ibinigay sa akin ng Ginoo, gagawin ko iyon kahit totoo man iyon o hindi.
Iginalaw ko ang aking mga paa papunta sa kusina.
Hindi rin magtatagal ay magkakasama na ulit kami ng aking minamahal, si Alexandro.
''Sa susunod kong buhay, aking hinihiling na ako naman ang mahalin niya.'' Nang bitawan ko ang balahibo ay itinarak ko sa aking dibdib ang itak. Idiniin ko pa iyon hanggang sa matumba ako sa sahig.
Napangiti ako ng mapait.
'Paalam aking mahal, hanggang sa muli.'
Bago pumikit ang aking mga mata'y nakita ko ang paglamon ng apoy sa itim na balahibong aking nabitawan.
-----
Whew! Sorry ha. I changed the plot again. Oops! It's okay! Hate me but I don't care. Hihi!
PLAGIARISM IS A CRIME!
BINABASA MO ANG
Rose From The Past ✔
Historical FictionUNEDITED Reina Zariyah Avara, a selfish spoiled brat. All was well and normal, not until she encountered a man who stole her first kiss. A man who's claiming to be from the past, from the Spanish Colonial in 1856. If only the rose from the past is...