Kabanata VIII
The past two days went stressful. Alex is so ignorant in other things but he's doing better naman. Hindi na rin ako nahirapan pang i-explain ang ibang bagay na nakaaagaw ng atensiyon.
This ignorant. Kung hindi lang ako mabait ay matagal ko na itong pinalayas at pinagkamalang scammer at member ng isang gang. I wonder what gang it is. Amnesia Gang? The Ignorantes?
Napailing na ang ako sa isip ko. Today is Tuesday, I'm going to the mall to shop. Hindi ako papasok ng school, wala akong gana at naiinis ako sa pabidang cheerleader. Isasama ko na rin si Alex para hindi ako pagsalitaan ng kung ano ni Trix. Iis-stress-in na naman ako non. Tsaka nakapagtatakang hindi man lang siya bumati ngayong umaga, I thought she's gonna nag about how Alex is doing fine. Baka busy ang bitch, may kalandian na naman siguro.
I went out of the room and knocked on the bedroom beside me. Bumungad naman si Alex na kakagising. His hair is messy and his eyes are narrowed. Humikab pa siya ng kaunti. I avoided my gaze when his ocean eyes looked mine. He smiled when he saw me and became stiff. Parang may ruler sa likod niya.
"Magandang umaga, Reina. Maayos ba ang iyong tulog?"
"It's fine. Clean yourself and dress up. Pupunta tayo ng mall." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at bumalik na sa kwarto. I yawned again and stretched a little bit. Pumunta na ako sa bathroom niya at naligo. I changed into a white crop top and a high-waisted black jeans. I dried my hair and wore my Fila shoes. Hindi na ako nag-apply na makeup since tinatamad ako. Dala ko ang bag kong Louis Vitton nang makalabas ako. Meron na din si Alex na nakaupo sa couch nang silipin ko ito sa baba. Hindi na rin ako nagluto pa dahil kakain rin kami sa mall pagdating namin. I went down and drank water from the fridge. Pagtingin ko sa likod ko ay ang lapit ni Alex sa akin. Muntik na akong masamid at bitawan ang baso ng tubig. I immediately placed it in the counter table. We're only a few inches apart. I inhaled his manly scent again.
Ano kayang perfume nito? It's not familiar.
"Kita na naman ang iyong balat, Reina."
"Pake mo? This is fashion."
"Ngunit nag-aalala lamang ako sapagkat maaari kang magdalang-tao sa oras na hawakan ka ng mga lalake sa tindahan ng pupuntahan natin."
"Ang OA mo! Tsaka wala ka namang pake. Hindi naman ako mabubuntis agad. Hindi naman ako marupok." I sarcastically said.
As if naman magpapabuntis ako. Wala nga sa plano ko ang pag-aasawa, anak pa kaya.
"Ngunit wala ka bang balak magpalit ng iyong damit. Ang pang-itaas mo ay ay kulang sa tela at kita ko pinantatapal sa dibdib habang ang salawal mo ay hapit na hapit." Napatingin ako sa damit ko. For the first time, I felt concious of my skin. I pursed my lips and gulped. Tumikhim ako at ibinalik ang tingin kay Alex.
"This is none of your business. Bakit ikaw?" I did the up-and-down look. Saka ko lang napansin na magkaparehas kami ng kulay ng nga damit. From the shirt to the shoes. I facepalmed. "Wala ka bang ibang kulay ng damit?"
"Ha? Hindi ba pwede ang isinuot ko, Reina?" His eyes wandered his clothes. Kumunot pa ang noo nito. I tsked.
"Mapagkakamalan tayong magkasintahan." He chuckled. Nainis ako dahil doon.
Ano na naman bang tinatawa-tawa nito? There is nothing wrong in my statement. Totoo naman kasi. Because of matching colors or matching shirts lang, people already assumed na may relasyon ang mga iyon. Poor them. Nagiging isyu pa tuloy.
"Huwag kang mag-alala, Reina. Hindi naman iyon totoo. Hayaan mo na lang na sabihin nila kung ano ang nais nilang sabihin. Magkaiba ang nasa isip nila at nasa isip mo. At isa pa ay mayroon na akong Celestina." I gulped hard. There's a pang in my chest and I don't know where it came from. I tsked again.
BINABASA MO ANG
Rose From The Past ✔
Historical FictionUNEDITED Reina Zariyah Avara, a selfish spoiled brat. All was well and normal, not until she encountered a man who stole her first kiss. A man who's claiming to be from the past, from the Spanish Colonial in 1856. If only the rose from the past is...