Paglimot
Nagkakagulo. Isang lalake ang natagpuan sa may dagat. Ang mga tao ay pinagkakaguluhan ang lalakeng walang malay. May mga sugat ito na parang natamo mula sa saksak.
"Hindi ba at siya ang nawawalang anak ng mga García?"
"Tama ka. Siya nga ang Ginoo."
"Anong nangyari sa kanya?"
Napatigil ang pagsasalita ng mga tao nang marinig ang isang sigaw.
"Oh Dios mio!" Napatingin sila roon. Isang may katandaang babae ang sumigaw. Nangingilid ang mga luha nito. Mahahalata na mula ito sa isang mayamang pamilya. Walang iba kundi ang Señora Aliyah García.
"Mí hijo!" Aniya at tumungo sa lalakeng walang malay. Hinawakan nito ang kamay nito at pilit na ginigising. Sumunod sa Señorita ang kanyang asawa, si Señor Alejandro García. Nanghihina itong lumapit sa anak.
"Ano at napakabagal niyo?! Sabihan niyo ang sitwasyon sa mga manggagamot! Mas rapido! (Bilisan niyo!)" Agad namang nagsi-alis ang karamihan at tumungo sa isang mangagamot na malapit. Sumenyas ang Señor sa mga tauhan niya na buhatin ang ang kanyang anak. Agad na lumapit ang mga ito at pinagtulungang buhatin paroon sa pinakamalapit na pagamutan.
Ang kanilang nag-iisang anak, ang Señorito Alexandro Garcia, ay nawawala pa magmula nang malapit nang gaganapin ang kasal. Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanya. Laking gulat na lamang nang makita nila ang mapapangasawa ng kanilang anak sa kanilang bahay noon, ang Señorita Victorina Alcantara. Sinabi nitong binilog ng ulo ng isang babaeng alipin ang kanilang anak upang makaalis sa paninilbihan, nakatakas ang alipin mula sa kamay ng kanilang mga kawal kasama ang Señorito Alexandro. Labis na galit at pagkamuhi ang tanging naramdaman ng magulang ng Señorito sa alipin nang malaman nila ito. Kaya naman hindi sila natapos sa paghahanap para lamang mahanap ang kanilang nawawalang anak. At sa darating na buwan nga ay nakita na nila ito sa isang hindi mabuting kalagayan. Labis nilang sinisisi ang aliping kasama nito ngunit hindi na nila siya hinanap pa. Alam nilang balang araw ay babalik sa kanya ang nangyari sa kanilang anak.
"Cura a mi hijo. (Gamutin mo ang aking anak.)" Ani ng Señor sa isang manggagamot na kilala sa kanilang lugar.
"Makakaasa ka, Señor." Tugon ng manggagamot na ikinatango ng mag-asawa. Ang panonood lang ang kanilang nagawa habang ginagamot ang kanilang anak. Mabigat ang kanilang paghinga dahil hindi nila alam ang kanilang gagawin at ang resulta.
"Nuestro hijo. (Ang anak natin.) Nag-aalala ako, Alejandro." Yumakap ang asawa nito sa Señora.
"Magiging mabuti din ang kaniyang kalagayan." Ani Señor. Sa paghihintay ay nakatulog ang mag-asawa sa upuan.
Dumako ang umaga at nagising ang dalawa. Agad silang pumaroon sa kanilang anak ngunit natutulog pa rin ito. Hinayaan na lang muna nila itong magpahinga kaya pumunta sila sa manggagamot upang tanungin ang kalagayan ng kanilang anak.
Samantala, nagising naman ang Señorito Alexandro. Sapo nito ang kaniyang mga sugat. Nahihilo pa ng kaunti. Inilibot niya ang tingin niya at napagtantong siya ay nasa pagamutan. Tumigil ang kanyang mga tingin sa isang lalakeng nasa bintana. Purong itim ang suot nito at nakatalikod ito sa kanya, pinagmamasdan ang labas. Nang humarap ito sa kaniya ay ngumiti ito.
"Sino ka?" Ang bungad ng Señorito.
"Hindi mo na kailangang malaman. Ngunit sige, ako si Dicarius. Isang anghel na nahulog sa lupa." Napalunok ang Señorito.
"Nasaan ako?"
"Nakabalik ka na sa nakaraan. Natupad na ang kahilingan ni Leticiana."
"Ano ang iyong mga tinuturan? Sandali---I-ikaw ba ang nagdala sa akin sa kasalukuyan? Si Reina? Paniguradong hinahanap na niya ako."
"Huwag kang mag-alala, Alexandro. Alam na niya ang nangyari sa'yo. Pinakawalan ka na niya." Naguluhan siya sa sinabi ng lalake.
"A-ano? At bakit nadamay si Leticiana? Ano ang kanyang kinalaman?" Ngumiti ang lalake at lumapit sa kanya.
"Hindi mo na kailangang malaman. Sa ngayon, ang kailangang gawin ay burahin ang iyong mga alaala." Itinapat ng lalake ang kanyang kamay sa ulo ng lalake at nagkaroon ng liwanag na may halong itim.
'Reina, mi reina.' Sambit ng Señorito Alexandro bago ito mawalan ng alaala at malay.
Huminga ng malalim ang lalake at lumapit sa may bintana. Napatingin siya sa langit.
"Tapos na ang aking mga misyon. Siguro naman ay makakabalik na ako diyan."
-----
Hakdugggg...
BINABASA MO ANG
Rose From The Past ✔
Historical FictionUNEDITED Reina Zariyah Avara, a selfish spoiled brat. All was well and normal, not until she encountered a man who stole her first kiss. A man who's claiming to be from the past, from the Spanish Colonial in 1856. If only the rose from the past is...