Short ud...
Kabanata XIII
I let Alex in my unit.
Kung bakit ba naman kasi lumusong siya dito ng umuulan. Ano na naman kayang problema nito? Sasabihan ba na naman niya ako na huwag umalis?
I slightly slapped myself.
Assuming mo, Reina. Baka may nakalimutan lang siya.
Pinapasok ko muna siya sa kwarto ko. Water is dripping on the floor. Agad naman akong kumuha ng panlalakeng damit mula sa wardrobe ko at pinapasok siya sa bathroom para magpalit. I wiped the water on the floor. Sakto namang bumukas ang pintuan at lumabas si Alex na suot na ang mga damit ko.
"Marami ka palang damit na para sa mga lalake." My face felt hot.
Those clothes are for Alex if only nabasa siya or nasira ang mga damit niya. I remembered I bought if for him. Mayroon din noong nag-mall kami ni Trix kanina. At buti na lang at hindi niya iyon napansin kasi nag-CR siya noon. Matagal pa naman siya sa CR kaya nasipan kong bilhan si Alex ng mga damit.
"Uh... wala yon. Damit ng mga boy friends ko." I lend him a towel but he just stared at it.
Geez! Don't tell me na ako pa talaga ang magpapatuyo ng buhok niya.
I tsked and put the towel in his head. Sinimulan kong patuyuin ang buhok niya. And it's so uncomfortable because his blue eyes are staring at me.
Wala ba talaga siyang magagawa kundi titigan ako? Duh, I know I'm pretty but he's too much and it's so uncomfortable.
"Bakit ka ba kasi nagpunta pa dito?" Ako na nga ang lumalayo at umiiwas pero nagpapakita ka pa rin.
"R-Reina. Bakit ka umalis k-kaagad?" We stared for seconds and he won. Ibinalik ko ang tingin ko sa buhok niya.
"Why? Sasabihan mo na naman ba akong wag umalis?"
"Oo." I gulped hard.
Wag kang assuming, Reina. Baka may rason talagay 'yan.
"Bakit?"
"H-Hindi ko a-alam. Ngunit bago ka umalis ng bansa ay gusto ko lang sabihin na... may... pagtingin ako sa iyo." My breath was taken away. I'm feeling it again. The rapid beats of heart, tickling sensation in my stomach, and being voiceless. Napatikhim ako. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupunasan ang kanyang buhok.
"A-Ano bang pinagsasabi mo? Naaalala mo lang si C-Celestina."
"Ngunit alam kong may pagtingin ako sa'yo. Gusto kita, Reina. Sa bawat tingin mo sa akin ay nakakaramdam ako ng pagtigil ng paligid, paglakas at mabilis na pintig ng aking puso. H-Hindi ko mawari ngunit ngayo'y alam ko na. Iyan lamang ang nais kong ipahatid bago ka lumisan sa ibang bansa." I lost count of my blinks.
"Ilusyon lang yan. And who's leaving?" I pretended to act normal.
"Ngunit ang sabi ni Trixsha ay lilisan ka daw patungo sa Estados Unidos. Aalis din ako kaagad ngayong nasabi ko na ang nais kong iparating sa iyo."
"What are you... talking about? Hindi ako a-aalis." He seemed shock of what I said. I, too, was shocked of what he just confessed.
Is this real? Baka naman pinaglalaruan ako nito? And that bitch Trix, ano na naman ang pinagsasabi niya na aalis ako ng bansa? Nasisiraan na talaga siya!
I bit my lip. "Hindi talaga ako aalis. At alam kong sinasabi mo lang yan dahil wala sa tabi mo si Celestina."
"Ngunit---"
"Save it, Alex. You don't like me." I went out to cook for dinner. I just cooked vegetables, nilagayan ko na rin ng kaunting karne ng manok. I prepared the table. Alex went out. Nagkatinginan ngunit agad ding umiwas.
"Uhm... kain na." I pursed my lips.
"S-Salamat." I saw him bit his lower lip. I blinked a few times. Umupo siya sa harap ko. Agad akong natapos na kumain. Ililigpit ko na sana ang pinagkainan nang nag-ring ang doorbell.
Sino na naman kaya ito? Tsk! If it's Trix then she'd better be ready, I really want to drag her in hell!
Binuksan ko ang pintuan. From what I expected, it's not Trix.
"What are you doing here?"
"Visiting. Won't you let me in?" He flashed a smile.
"Bakit? Sino ka ba?"
"Me? Nakalimutan mo na ba, Zari? I'm your fiance?"
"Leave me alone." Isasara ko na sana ang pinto nang iniharang niya ang kanyang kamay.
"Let me just visit you. Minsan lang naman."
"Ayoko. Kaya umalis ka na." Inis kong sabi dito.
"Okay, dun na lang ako kina Tito." I gritted my teeth.
Vale, you're such an asshole!
Pinapasok ko siya kahit labag sa kalooban ko. He just smiled at me and sat on the couch. Padabog kong isinara ang pinto.
"Feel at home." Note the sarcasm.
Inirapan ko siya at pumuntang kusina. Hindi pa rin tapos si Alex na kumain. I put my plate in the sink and drank a glass of water. Now, this is the definition of awkward. I shook my head before going in my room. I brushed my teeth and went for a hot shower. Sout ko lang and roba ko nang lumabas. I forgot my phone in the dining area. Napatigil ako nang marinig ang usapan nila Alex at Vale. Agad akong nagtago nang humarap si Alex kay Vale."I'm asking you. May gusto ka ba sa kanya?" Boses pa lang ay si Vale na ito.
"Tama ka. May... gusto ako kay... Reina."
"Reina? Bakit mo siya tinatawag na Reina? Nevermind, just stay away from her."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ikakasal kami ni Zari. Kaya layuan mo siya."
"I-Ikakasal... si Reina?"
"Yeah. So don't get your hopes too much. Better yet, stay away from her. Wala kang mapapala sa kanya. Hindi ka rin naman niya mahal."
"Ganoon ba?"
"Oo kaya itigil mo na ang pagkagusto mo sa kanya. I know she doesn't like me... yet. Pero matututunan niya rin akong mahalin. So wag ka ng umasa."
"Mali pala."
"Huh?"
"Mali pala ang aking nasabi. Hindi ko gusto si Reina." I felt a pang on my chest. Nanuyo ang lalamunan ko. Titikhim sana ako pero baka marinig nila. They may accused me of listening to their conversation. "Hindi ko siya gusto ngunit sa tingin ko'y... nahuhulog na ako kay... Reina."
BINABASA MO ANG
Rose From The Past ✔
Historical FictionUNEDITED Reina Zariyah Avara, a selfish spoiled brat. All was well and normal, not until she encountered a man who stole her first kiss. A man who's claiming to be from the past, from the Spanish Colonial in 1856. If only the rose from the past is...