Kabanata XI

170 13 0
                                    

Kabanata XI

I woke up on my 6 AM. Medyo masakit ang ulo ko at nanlalabo ng kaunti ang paningin ko nang bumangon kaya hinintay ko munang umayos muna. I wore my slippers and tied up the curtains. Tidied my bed, I went to the bathroom to wash my face. Naamoy ko pa ang baho ng hininga ko. 

Ew, gaano ba karami ang nainom ko kahapon? 

I brushed my teeth few times. Makailang-toothpaste na rin ako at medyo nawala na din ang amoy. I remembered what happened last night but I don't remember ending up in the bed. The only thing I remembered was when I hugged Ale--- wait! What?! I closed my eyes like a kid and tried to remember the horrible things I did to Alex.

First one, I greeted. Then I hugged him. Holy shit, I even smelled him! I opened my eyes. I slightly slapped myself a hundred times. As much as I want to bang my head in the wall, I can't. The Avara can't lose their heiress. Damn, all my life, I haven't hugged a stranger. Mukhang wala akong mukha na maihaharap, lalo na kapag nalaman iyon ni Trix. But I can just say na dala yon ng alak. That I wasn't in my right mind that time. I'm sure he'll understand. And another thing, I'm Reina. Hindi ako madadala sa mga sasabihin niya. 

Napatango ako sa mga iniisip ko. I went in the bathroom and took a quick bath. I dried my hair a little and wore shorts and a shirt. Lumabas ako ng kwarto at nagulat nang makitang nakasandal si Alex si dingding. Nakapamulsa ito na parang may hinihintay.

"A-Anong ginagawa mo diyan?" I asked and placed my hand in my chest in shock. Nagliwanag ang mukha nito nang makita ako.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" 

"I'm fine. Hindi naman masakit ang ulo ko. Konting hung over lang." He smiled.

"Mabuti naman kung ganoon." He took a step. We're now a few inches apart. I can smell his manly scent that I effin' sniffed last night. Muling bumalik sa isipan ko yon.

Oh my, ayaw ko na yong maalala.

"Nakalimutan mo ba ang gagawin natin ngayon, Reina?" He playfully said. Namilog ang mga mata ko sa kanyang mga sinabi.

Anong gagawin namin? May sinabi ako kagabi na hindi ko maalala? 

Tumikhim ako. I crossed my arms. 

"A-Ano bang gagawin n-natin?" Nag-init ang mukha ko sa tanong ko. I probably look stored in a heated oven right now for being so green-minded.

"Nakalimutan mo?"

"Tatanungin ko ba kung hindi ko alam?" Sumbat ko. He pouted. I avoided my gaze. 

"Sabi mo kagabi ay kakalimutan natin ngayon na ikaw ay isang Avara." Scenarios flashed in mind. 

"Ah... Yun ba?" And I effin' sound disappointed. He nodded. "Paano naman natin gagawin yon?" He smirked.

"Dahil ngayon ay Sabado, gagawin natin ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan." Okay. Stop it mind! Ang green-minded mo!

"So what are we gonna do?"

"Ang unang hakbang ay maglinis." My eyes widened as I gasp.

"No! Why would I? I can call the house-cleaning department to provide us some house cleaners." 

"Hindi maaari, Reina." Wala akong nagawa nang hilain niya ang kamay ko. He apologized. Seconds later, we ended up wearing gloves. Inilagay niya sa mga kamay ko ang soft broom. May hawak din siyang walis at mga pamunas.

"Unahin muna natin sa itaas." Iginaya niya akong papuntang itaas. We first went into a guest room in the end. Pagpasok namin sa kwarto ay nagsimula siyang pagpagin ang mga sheets at pillows. 

Rose From The Past ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon