Kabanata XV

177 18 0
                                    

Kabanata XV

My heart beated fast. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. A part of me wants to believe him but a part of me is saying that he's just kidding, that he's saying it because he missed her girlfriend.

"I told you, Alex. It's just your illusion. Your feelings are tricky kaya wag kang maniniwala diyan." 

"Ngunit---"

"Stop it, Alex. You're making it hard for me. Stop it." I immediately went in my room before he could say anything. Agad akong sumampa sa kama at inalis sa mga isip ko ang mga sinabi niya. It took time for me before darkness fully invaded me.

Leticiana was wiping the dining table. Nang matapos siya ay tumalikod siya pero nabigla siya nang makita si Alex. Natisod siya at muntik nang mahulog but Alex caught her waist. Ilang segundo silang nagkatitigan and it became a slow motion around it. Tinulungan siyang maitayo ni Alex.

"Paumanhin, Binibini." Alex put his hand on his chest and bowed a bit.

"Ayos lang, Ginoo. Hindi mo naman iyon sinasadya. At salamat nga pala sa iyong pagtulong sa akin." Ngumiti si Leticiana dito na namumula ang pisngi.

Nakita naman yon ni Celestina mula sa malayo. Her face saddened. Parang nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso nang matingnan niya ang eksenang yon. She pursed her lips before entering the scene. 

"Leticiana, tayo ang nakaatas na magluto ng hapunan." Aniya at napatingin kay Alex. "Magandang hapon, Ginoo." She smiled. Tumamlay naman si Leticiana habang tinitignan ang dalawa. 

"Magandang hapon rin, Binibini." Bati ni Alex. "Maiwan ko muna kayo." Aniya bago iwan ang dalawa. 

Umiba ang paligid at naroon na silang dalawa sa kusina. 

"Ikaw na ang bahala sa mga sangkap, Celestina. Ako ang magluluto. Papasarapin ko, pasasalamat na rin sa pagtulong sa akin ng Ginoo." Kumunot ang noo ni Celestina at napalabi.

"H-Hindi na. Ayos lang. Ako na lang ang magluluto." 

"Pinipilit ko, Celestina. Nais kong ako muna ang magluto." Celestina bit her lip.

"Kung iyan ang iyong nais." Mababang sagot niya kay Leticiana.

Umiba ang paligid at magkasama si Victorina at Alex. Nasa mga tindahan sila at sina Leticiana at Celestina ay nasa likod nilang dalawa. Nakayuko ang dalawa habang sinusundan ang mga amo nito. They stopped by a clothing area. 

"Matatagalan ako ng kaunti, aking Ginoo. Kung nais mong sumama ay ayos lang, kung sa tingin mo ay maiinip ka ay maaari mo na lang akong hintayin dito at magtingin ka na lang muna ng mga bibilhin." Victorina sweetly smiled at Alex. Alex did the same.

"Bibigyan na lang kita ng oras mong mag-isa, Binibini. Sulitin mo ang iyong oras. Lilibangin ko na lamang ang sarili ko sa mga tindang naririto sa labas." Napawi ang ngiti ni Victorina. Tumikhim siya at tumingin sa mga alipin.

"Maghintay kayong dalawa rito. Hindi maaari ang mga alipin sa loob." Tumingin ulit kay Alex. "Paloloob na ako, Ginoo." Tumango si Alex at pumasok na si Victorina sa loob. Tahimik naman ang tatlo. Pumunta si Alex sa tabi at kumuha ng dalawang simple pero magandang pang-ipit ng buhok. Nang makabalik siya ay hindi pa rin nakalabas ang hinihintay niya at nakatayo pa rin ang dalawa sa labas. Lumapit sa dito at may inilahad. Umangat ang tingin nilang dalawa at kumunot ang mga noo.

"Sa tingin ko ay kailangan niyo ng gantimpala sa pagiging mapagtiyaga ninyo. Kunin niyo ang mga pang-ipit na ito." Nagkatinginan ang dalawa.

Rose From The Past ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon