Epilogo

299 16 0
                                    

Epilogo

"Miss Ynavera Chen? Late ka na naman?" Napapikit ako.

Shit! Busted. 

Agad akong humarap kay Ma'am Zella at yumuko.

"Sorry po, Ma'am." I pursed my lips before looking at her.

"It's fine, Miss Chen. Pero kung mauulit na naman ito ay alam mo na." Napahinga ako ng maluwag bago pumasok sa classroom. Umupo ako sa may bintana at binuksan yon. 

Ang init kasi. Late pa akong nagising kung di lang ako ginising ni Manang Jilla, ang yaya ko.

I took a deep breathe. Napatingin ako sa harapan ko nang kalabitin ako ni Sharra, isa sa mga friends ko. Kumunot ang noo ko dito at ngumuso. 

"Ano?" 

"May ipapakilala ako." She smirked. I naughtily smiled.

Sana gwapo, sana perfect package!

"Bestfriend ko from States. He's Dwight Lauren." 

"Oh. San ang meeting place?" She smirked again.

Problema nito.

"Dito." 

"Dito---what?!" Pabulong kong sigaw.

"He'll be transferring here. Tsaka classmate pa natin." Hindi pa ako nakakasagot nang biglang bumukas ang pinto. May pumasok na dalawang lalake. 

Teka, sino diyan si Dwight? Parehas silang gwapo.

Nabigla ako nang tumingin sila sa gawi ko. I mean---sa gawi pala ni Trix. Tumingin din ako kay Trix na malaki ang mga mata at laglag ang panga. 

"Shit, anong ginagawa ng gago dito?" Bulong niya. Kunot ang noo kong tumingin sa dalawa na nasa harapan. Inirapan ko ang mga babae nang may mga tumili at naglabas ng phone.

Shit, mga mahaharot. Akin isa diyan!

"Hey, guys. I'm Corson Lauren, and he's my younger brother." Sabi ng isa na jet black ang buhok, may piercing sa tenga. He's handsome.

"Dwight Lauren." Ani naman ng katabi nito.

Oh, so ito pala ang sinasabi ni Sharra na bestfriend niyang ipapakilala niya sa akin.

Blue eyes, damn. Foreigner ang dating! Cyan ang kulay ng buhok nito at may earring sa kaliwang tenga nito. Gwapo rin ito tulad ni Corson. 

Ay wow, brother goals? Sheyt! Babakuran ko na 'to!

"You may take your seat." Si Ma'am Zella at bumalik sa gitna. Uupo sana si Dwight sa tabi ni Sha pero inunahan siya ng kapatid niya. Dwight glared at Corson. Wala siyang choice kundi umupo sa katabing armchair ko dahil yon lang ang bakante. 

"What the hell are you doing here, gago?" Napatingin ako kay Trix na bumubulong kay Corson.

"May problema ka ba, gaga?" Corson said in a playful tone. Napatingin naman ito sa akin at ngumiti. 

"I'm Corson." 

"Narinig ko nga kanina." Sagot ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Sha. Tuningin ako sa katabi ko. Seryosong nakatingin ito sa dalawang nagbubulungang nag-aaway. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa dalawa. 

Wait, bakit ganon ang tingin nito sa dalawa? Especially Sha? May gusto kaya ito sa kaibigan ko? No!!! Something is fishy! So fishy! 

Tumingin ako kay Corson. Parang may gusto din ito kay Sha. Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.

Hala! Ano 'to? Love triangle? May gusto ang magkapatid sa kaibigan ko? Oh my gosh, sanaol pinag-aagawan. Ano kayang feeling? Haba ng hair ni Trix, ah.

Napatingin ulit ako kay Dwight. Seryoso pa rin ito. Nahalata ata nitong nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din ito sa'kin. Tila nag-slow motion ang paligid nang lumingon ito sa akin. My heart beated fast. Pero biglang nabasag ang paligid na parang salamin nang irapan ako.

"Tsk!"

Wow ha! Pero di na din masamang maging friends kami! I understand if he like Sha. Hindi naman ako makikialam. Pero sana kung ayaw ni Sha kay Dwight eh, ibigay na lang niya ito sa'kin. I can love him 24/7. Hakhak! Sanaol talaga pinag-aagawan.

-----

Huhu. Ang panget talaga ng ending... wala na akong maisip na iba.... Sharrey haha! 😁✌

Rose From The Past ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon