Kabanata VII

213 19 0
                                    

Kabanata VII

''Seryoso ka bitch? Ikaw na muna bahala kay Xandro?'' Tanong sa akin ni Trix magmula pa kaninang umaga. Kanina na rin ako naiirita sa kanya dahil palagi niyang tanong kung ako muna ang bahala kau Alex. I just nodded as a response.

Katatapos lang naming mag-bonding at papunta na ako sa condo unit ko. Trix insisted to come with me and she said that she wants to visit my place. Pumayag naman ako. Wala naman akong ibang gagawin kung hindi mag-iimpake lang ng mga gamit ko for a week dahil sa bahay muna ako ni Trix.

''Hindi mo talaga siya paaalisin?'' I lazily looked at her and nodded. She sighed, admitting he defeat. Well, hindi naman talaga siya nanalo sa akin kung anong gusto ko. Except in others, of course, like in academics.

''Sure ka ha? Pag pinaalis mo siya, lagot ka sa'kin kahit bestfriend kita.'' Hindi ako sumagot doon at nanatiling nakatingin sa daan.

Aba, walang tiwala ang isang 'to sa'kin. May isang salita naman ako. I stand on my words and never back out. Even though I'm like this, a word is a word, it should be done by actions. Hindi yung manggagaling lang si bibig.

''Sigurado ako.'' She pouted and decided to be quiet.

Finally, a silence. A temporary silence.

Hindi kami umimik sa buong ride at nakinig lang ng kanta sa cellphone niya. Maaga kaming nakarating sa unit at agad ko namang iniligpit ang mga gamit na kakailanganin ko. Trix lay on my bed, feeling at home.

I packed my clothes, toiletries, and other necessities aside from that. Tinuro-turo pa ni Trix ang swimming suits ko, aniya ay dalhin ko daw yon para makapag-relax ako sa swimming pool.

''Sige na. Nahiya ka pa eh nagsuot ka nga ng ganyan sa resort. Ano bang kinakahiya mo?'' I glared at her. Tumatawa pa rin ito at pilit na inilalagay sa maleta ang mga swimsuits ko.

''I don't need that. Hindi naman ako nandoon para mag-relax. And by just thinking of eyeing Alex, I can't relax. He's stressing me.'' Irita kong sabi dito. She raised her brow at me, still laughing. Pula na ang mukha niya sa kakatawa.

''Ang arte nito! Wala din namang makikita si Xandro sa'yo!'' I glared at her again.

Fine. I admit. My body figure is not good. Mas maganda ang katawan ni Trix kaysa sa akin. Sa katunayan ay malaki ang lamang nito sa akin. Minsan din ay nakikumpara siya sa akin, from outside to inner side, ngunit hindi ko na lamang iyon binibigyang-pansin. She's my bestfriend, I don't want to think a lot of things that might ruin our friendship. Kaya pinapalagpas ko na lang ang ibang mga salita kung bakit daw ako kinaibigan ni Trix. I mean a have other friends but Trix rosed among them, she's the best of the best even though we have different circumstances.

''Shut up.'' Sabi ko dito, inis na inis na.

''Joke lang! Bilisan mo na kaya, mal-late na ako.'' I rolled my eyes.

Binilisan ko na rin ang pag-aayos dahil malapit ng bumaba ang araw. Nauna sa kotse si Trix, sumunod naman ako dito at inimaneho patungo sa bahay ng mga magulang niya. Naabutan namin ang magulang ni Trix sa kanilang subdivision, they are currently placing their luggages in their van.

I stopped my car, Trix hurriedly went to them and gave them a hug. I pursed my lips.

Ni minsan ay hindi ko nagawa yan sa mga magulang ko. I have nannies to do that for me since I was a child. I remembered that. My parents can't fully do their responsibilities as good parents since their whole attention is with their business. I even sometimes thought that their works are their children.

I bitterly smiled when I thought of that. Bumaba na rin ako sa sasakyan para batiin ang pamilya ni Trix.

''Hi po.'' I faked a smile. Nagulat pa sina Tita nang makita ako.

Rose From The Past ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon