Chapter 2

1.8K 150 16
                                    

Nandito ako sa tabi ni Tatay. Nakaupo sa isang monoblock dahil wala naman akong mahihigaan.

Naeksamin na rin ako dahil na din sa pamimilit ng doktor. Wala naman akong sakit kaya kahit papaano ay nakahinga ako. Si Tatay na lang ang iintindihin ko.

Malala na rin ang pag-ubo niya at may kasamang dugo ang plemang idinudura niya.

Nakahiram din ako ng pera para may kaunting panggastos dito sa ospital tulad ng gamot. Kaya kahit papaano ay nakakaraos kami. May mabubuti pa rin kaming kapitbahay na nagtulung-tulong para maibigay sa akin.

Ang may-ari naman ang sakahang sinasaka ni Tatay ay nagpaabot ng limang libo para makatulong dito.

"Anak, may sasabihin ako sayo." Sabi ni Tatay na ikinagulat ko dahil gising na pala siya. Akala ko kase ay matutulog pa siya.

"Tay magpahinga pa po kayo. Huwag na po ninyo muna intindihin ang gastos dito." Alam ko kase na iyon ang sasabihin niya.

"Hindi anak. Habang may panahon pa ako. Kailangan kong masiguro na maayos ka."

"Tay malaki na ako. Kaya ko ang sarili ko."

"Kahit na anak. Makinig ka Dei."

"Sige na nga Tay. Pagkatapos, matutulog ka na ha. Magpapagaling ka kase ayokong mag-isa sa graduation ko."

"Oo anak. Susubukan ko." Nasaktan ako. Ganun na ba kahirap si Tatay? Di na ba siya aabot sa graduation ko?

"Anak, kung sakaling dumating ang panahon na wala na ako, ipangako mo na aalagaan mo ang sarili mo. Hindi mo papabayaan na masaktan ka ng kahit na sino. Tutuparin mo ang pangarap namin ng Nanay mo para sayo at sisiguraduhin mong magiging maganda ang kinabukasan mo. Ipangako mo yan anak..."

"Opo Tay. Ipinapangako ko. Sige na po magpahinga na kayo."

"Ipangako mo sa akin yan anak.."

"Opo Tay. Sige na po..Magpahinga na po kayo." Pakiusap ko kay Tatay. Alam kong nilalakasan na lang niya ang loob niya. At ayokong mawalan siya ng lakas dahil mahina ako sa paningin niya. Kaya naman iniiwasan kong lumuha at magpakita ng pagkahina sa kanya.

"Anak, Dei? Mahal na mahal kita. Kami ng Nanay mo."

Tumango na lang ako. Hinawakan ang kamay ni Tatay.

Maya-maya ay pumikit na ito.

Doon lang tumulo ang luha ko. Luhang pinipilit kong labanan.

Pinagmasdan ko ang Tatay ko na hirap ng huminga. Ang oxygen na nakadikit sa kanya na lang ang inaasahan niyang hangin. Nasasaktan ako sa nakikita ko pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Mas kailangan ni Tatay ang lakas ko ngayon.

Huminga ako ng malalim. Kahit naman naninikip na ang dibdib ko sa sakit na makita si Tatay na nahihirapan.

****

Pabalik na ako sa ward ng makita kong nagkakagulo ang mga nurse.

Kinabahan ako. Sino kaya sa kasamahan ni Tatay ang nag-aagaw buhay sa silid na iyon?

Iniwan ko muna kase si Tatay para bumili ng kape dahil nakita ko naman na mahimbing ang tulog niya. Di ko inisip na may masamang mangyayari kay Tatay sa mg oras na iyon.

"Ano pong nangyayari?" Tanong ko sa isang humahangos na nurse.

"Yung pasyente sa dulong higaan, si Manuel Mendoza, bigla na lang huminga ng malalim dahil nahihirpan ng huminga. Nawalan na ng oxygen sa baga." Naitapon ko ang kapeng hawak ko sa narinig ko.

"Ang Tatay?" Nanakbo ako papasok sa ward ngunit di na ako pinapasok.

Pinigilan ako ng isang kamag-anak ng pasyente na makapasok dahil ginagawa daw nila ng paraan na magamot si Tatay.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon