Chapter 23

1.9K 147 12
                                    


Umuwi agad si Richard matapos makausap ang Daddy niya. Gusto niyang makita si Dei. Kailangan niyang humingi ng tawad dito sa maling paghusga niya.

Pagdating niya sa condo ay wala na siyang inabutan. Wala na lahat ang gamit ni Dei.

Napaupo siya sa sahig. Paano pa siya makakahingi ng tawad?

Wala na. Umalis na si Dei. Kasalanan niya lahat iyon. Napakasama niyang tao para saktan ang isang selfless na babae.

Napagpasyahan niyang hanapin si Dei. Gagawin niya iyon, bukas na bukas din. Malamang alam ng daddy niya kung nasaan ito. Tama, tatanungin niya ang ama kung nasaan na si Dei.

****

Pumasok si Dei pero di siya pumunta sa floor ni Richard. She was hoping not to see him again. Mukhang swerte siya sa araw na iyon dahil di niya nakita ang anino nito. Marahil ang alam nito ay nagresign na siyang tuluyan. Mabuti naman.

Sinabi ni Miss Elena na hindi na siya sa opisina magtrabaho. Ilalagay siya sa isa sa hotel ng mga Faulkerson.

Nakahinga siya dahil hindi na siya doon magtrabaho. At least malayu-layo kung nasaan si Richard. Malayo sa pang-iinsulto at pang-aapi ni Richard.

She will be assigned as Guest Relations officer sa Rich Plaza. Isa sa mga kilalang hotel sa buong Maynila.

She will start on Monday. And was asked to go there to meet the Head Manager.

Walang sinayang na panahon si Dei. Ayaw din niyang magtagal doon dahil baka makita niya ang iniiwasan.

She went to Ortigas as soon as makalabas ng FHI building.

Nakahinga talaga siya ng makasakay ng taxi. Hay sa wakas malalayo na siya sa taong iyon. At kung magkikita man sila ulit, sana ay wala ng bisa ang kasal nila dahil ayaw na niyang mabigyan ito ng karapatan na utusan at manipulahin siya.

Matapos makausap ang Head Manager na nalaman niyang si Mr. Walter Bayola ay nagpalipas oras siya sa Megamall. Ang tagal na rin nung panahon na napunta siya doon.

Umikot lang ng konti at tumingin-tingin ng pwedeng bilhin, matapos ay kumain sa food court dahil nagtitipid siya ay naisipan na niyang umuwi. Nakakapagod din pala ang mag-ikot sa mall.

Nagjeep na lang siya pauwi dahil mahal din mag-taxi. Hindi ganun kalaki ang sweldo sa Rich Hotel pero sapat naman para mabuhay siya at makaipon ng kaunti. Ayos na sa kanya iyon, pero siyempre ninanais din niyang makakuha ng mas magandang trabaho dahil hinahangad niya ang mas magandang oportunidad. Kaya kailangan niya ang experience para makahanap ng mas magandang trabaho. Ayaw naman niyang lalong mabaon sa utang na loob sa Daddy Ricky niya. Sapat na ang tulong nito sa kanya. Ayaw din niyang humarap dito na wala man lang napapatunayan sa sariling paa. Isang pangarap ng Tatay niya na nais niyang matupad. Alam din niya na hindi matutuwa ang ama kung lagi niyang gagamitin ang palakasan. Kaya naman di niya ipagsasabi ang ugnayan niya kay Mr Ricardo Faulkerson o ang nakaraan nila ni Richard. Hindi ito pwedeng malaman ng iba dahil baka pag-isipan siya ng mga ito ng masama.

Pagdating ni Dei sa apartment ay wala pa si Chloe.

Naisipan niyang magbasa na lang bago matulog. Tutal naman napagod siya sa inasikaso. Malamang din ay umaga na darating si Chloe dahil sa isang Call Center ito nagwork.

Habang nagbabasa ng pocketbook ay may nagtext sa kanya. Unknown number.

"Where are you?"

Yun lang ang text. Sinong gago kaya iyon? Isip niya. Di kaya si Richard? Pero wala siyang numero na binigay dito. Alam niya pating masaya na ito dahil wala na siya. Baka naman wrong send. Baka.

Di na lang niya inintindi.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng may magtext ulit.

"I said where are you? Pinagtataguan mo ba ako?"

Ang kulit ha! Nakakarelate siya sa text. Pero ayaw niyang isipin na si Richard.

Ang tanga naman ng nagtext na ito. Wala ba siyang load at di siya makatawag?

Di niya papansinin. Wrong send siguro.

Inilagay niya sa silent mode ang cellphone. Nakakainis at nakukuha pa ang atensiyon niya. Ang ganda pa naman ng eksena sa binabasa niya.

Maya-maya nagba-vibrate ang cellphone niya na nagpapahiwatig ng in coming call.

Di niya mawari kung sasagutin. Baka si Richard? Hindi! Hindi niya gagawin iyon. Imposible! Mas natutuwa na ito dahil wala na siya.

Tama, di si Richard. Di niya sasagutin. Pero paano kung emergency?

Nagdadalawang isip siya kung sasagutin. Lintik na call yan, nakakakaba.

Nanaig ang kagustuhan sagutin.

"Hello?" Mahinang sagot niya.

"Maine? Babe? Nasaan ka? Si Alden ito. Miss na kita. Sabihin mo naman kung nasaan ka. Mababaliw na ako sa kahahanap sayo. Please, bati na tayo."

"Sorry Alden, wrong number. Di ako si Maine, si Dei ako. Bye!" Jusko, kinabahan ako yun pala iba hinahanap. Malamang mali ang nadial ng lalaki sa kalituhan. Pero in fairness, yun lalaki naghahabol. Ang saya lang. Sana meron din siyang ganun.

Sana magkaroon din siya ng tulad nung Alden na iyon.

Ang tanong, saan niya ito matatagpuan? At kelan niya ito makikilala?

Bahala na. Uunahin muna niya ang sarili. Wala na siyang aasahan kundi ang sarili niya. Kaya dapat sarili muna niya ang mahalin bago ang iba.

A/N I'm sorry, naisulat ko na kagabi yun part ni Alden kaya lang inantok ako. Kaya di ko na natuloy.

Good Morning!

No proofread.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon