Chapter 24

2K 168 18
                                    


Unang araw ko sa trabaho.

Yung Sabado at Linggo ay nasa bahay lang ako. Dumalaw kase si Meriam kasama ang foreigner boyfriend nitong si John nung Sabado. Mabait ito at halatang madly inlove sa kaibigan ko. Nandoon din si Chloe dahil walang pasok. Nag-inuman lang kami. Pero social drinking lang. Di naman lasingan. May videoke pa.  Kaya masaya ako. Buti na lang meron akong mga kaibigan na maaasahan.

Ngayon naman, balik trabaho na ako. Di na nga lang sa FHI kundi sa Rich Plaza.

Maaga akong pumasok dahil unang araw. Nahirapan pa akong mag-abang ng jeep at punuan. Muntik na ko na ngang maisipan na mag taxi kaya lang dahil nagtitipid, magtitiyaga na rin lang ako.

Maayos makitungo ang mga empleyado ng Rich Plaza. May nakaibigan na nga ako agad, si Luane. Tulad ko ay Guest Relation Officer din ito. May isa pa kaming kasamang lalaki, si Paolo. May pagkabakla ang lalaki kaya nakakatuwang kasama.

Di ko namalayan, uwian na pala. Mabilis talaga ang trabaho kapag masaya ka sa ginagawa mo.

Ganun ang naging routine ng buhay ko. Kapag Sabado, meron kaming mini Reunion nila Meriam at Chloe kasama ang boyfriend ni Meriam.

Pwera na lang ngayong araw ng Biyernes. Ikatlong Linggo ko sa Rich Plaza.

Nagyaya si Luane na mag-Club kami. Gora naman si Paolo. Ipapakilala daw niya kami sa BF niya na nagtrabaho sa isang high society club.

Pumayag na ako dahil malapit lang ito sa apartment namin ni Chloe. At the same time, gusto ko din mag-enjoy. Natanggap ko na rin naman kalahati ng sahod ko sa buwan kaya may panggastos ako para sa gimik na iyon.

"Later mga friends, diretso tayo sa Club Ibiza. Sosyal doon. Puro artista at mayayaman ang nagpupunta. Tayo nila Paolo lang. Ayoko kasama yung si Vicky. Ang arte nun!" Sabi ni Luane. Si Vicky lang kase ang GRO na hindi namin kasundo at feeling kakaiba. Masyado itong maarte na akala mo ay mayaman. Kaya iniiwasan na lang namin para walang away.

"Game ako diyan day!" Excited na sabi ni Pao.

"Eh ikaw Dei? Join ka?" Tanong ni Luane.

"Sure. Minsan lang naman at saka sweldo kaya magsaya tayo." Sagot ko. Nag-apir kaming tatlo kaya nakatanggap kami ng irap mula kay Vicky.

"Magtrabaho kayo! Isusumbong ko kayo kay Sir Wally. Mga tamad!" Asik nito. Malamang naiinggit at di namin isasama.

"Inggit ka lang!" Si Paolo ang matapang sa aming tatlo.

"At bakit ako mainggit? Hello! Bakla ka!" Mayabang talaga ang Vicky na ito.

"E ano kung bakla? Kung naging lalaki ako, di kita papatulan! Ang tulis ng baba mo, at ang dulak ng mata mo! Hello din!" Sagot ni Pao.

"Tama na Pao. Huwag mo ng patulan yan. Papansin lang yang si Victoria." Suway ni Luane.

Naghiwa-hiwalay na kami at bumalik sa kani-kaniyang pwesto.  Basta excited para mamaya. Uuwi muna ako para magbihis. Ayoko naman na naka-uniform pa kami pagpunta doon sa Club na iyon.

Sana mamaya maging masaya ang gimik namin. Minsan ko lang naman gawin ito, susulitin ko na.





****

"Man, sumama ka naman sa amin. Dito kami sa Club Ibiza. Miss ka na nito ni Martha." Pakiusap ni Ivan kay Richard.

Matagal na kaseng di ito nagagawi doon o sa kahit na anong club. Nawalan na lang siya ng ganang mambabae.

Dahil iyon kay Dei.

Mula ng umalis si Dei, hinanap na niya ito. Tinanong na niya ang Daddy niya pero wala itong sinabi kundi hindi niya alam. Pero nasa isip ni Richard na alam ng Daddy niya kaya ayaw lang sabihin dahil iniisip nito na gagantihan o sasaktan lang niya si Dei.

Kaya wala siyang nagawa kundi hanapin ito to the point na minsan di siya nakakapasok.

Asan na kaya si Dei?

"Pare, andiyan ka pa ba? Sabi ko sumama ka naman sa amin. Dahil ba sa asawa mo kaya di ka makasama?" Sabi ni Ivan sa kabilang linya. Kung alam lang nila na wala na si Dei. Na hindi pala pinarehistro ang kasal nila at wala palang bisa ito para lang mapagbago siya ng ama. Nagawang lokohin din ng ama si Dei. Pero sabi ng Daddy niya, ipaparehistro naman daw dapat ni Atty. Santillan ang dokumento kaya lang ayaw pa ng Daddy niya dahil kilala nga daw siyang babaero. Malamang daw na sasaktan lang niya si Dei kaya para na rin maingatan ito ay hindi na muna pinarehistro ang marriage contract nila na pirmado ng Judge.

Ngayon niya napagtanto na madami siyang nagawang masama sa babae dahil hindi niya ito iginalang, bagkus laging iniinsulto pa. Yun pala ay wala itong alam sa plano ng Daddy niya.

Hindi pa niya makita si Dei kaya di rin siya makahingi ng tawad.

At yun ang nagpapasakit sa kalooban niya. Alam niyang hindi lang pagpapatawad ang nais niya, ngayon niya napagtanto na nahuhulog na pala siya kay Dei. Kung kailan wala na ito at malayo na sa kanya.

Pero di siya susuko. Hahanapin niya ito. Kahit anong mangyari.

"Richard, pare! Ano na?" Nasa kabilang linya pa rin pala ito.

"Pare ano kase.." Magdadahilan pa naman siya na ayaw niya pero pinigil na siyang magsalita.

"Pare may announcement si Pat at Sam. Kaya di ka pwedeng di pumunta. Aasahan ka ni Sam." Napasapo siya ng noo. It seems na di siya pwedeng tumanggi kahit ayaw niya.

"Okay pare. Be there at 8:30." Nasabi na lang niya.

"Good! O paano, mamaya na lang ha. Kita kits doon!" Ibinaba na nito ang phone. Napahinga siya ng malalim.

Ipagpapaliban na muna niya ang pag-iisip kay Dei. Pero bukas, hahanapin muli niya ito. At alam na niya kung saan siya maghahanap, sa San Simon.



A/N No proofread.



The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon