Chapter 30

2.3K 159 16
                                    

Richard did everything to show Dei that he loves her.

Tinalikuran niya ng bongga yung pambabae. Di naman naging mahirap ang pagbabago kase di niya maipaliwanag ang biglang kawalan ng lust sa mga ito. Parang wala lang ang mga
pagpapacute sa paningin niya. Nakatuon lang ang atensiyon niya kay Dei.

Dei on the other hand is one hardheaded woman. Di siya nakukuha sa pasundu-sundo. Mas lalo na sa mga mamahaling regalo. Di niya tinatanggap ang mga ito, dahil di nabibili ang pag-ibig niya. While Richard does not know this. Akala niya, ang mga babae ay after sa mga bagay na nabibigay nilang mga lalaki. Iyon ang akala niya. Pero di niya alam, marami pa rin ang mga babaeng mas hangad ang pag-aalaga, pagkalinga at atensiyon kaysa sa mga materyal na bagay. At is na roon si Dei. She's a simple woman with simple needs and dreams.

Kinausap na rin ni Dei ang Daddy Ricky niya about sa Annulment. Ayaw nga daw pumayag ni Richard. Pati ang Daddy nito ay kakutsaba ang anak na ikumbinsi siyang huwag silang maghiwalay. Dati-rati ay pumayag na ito sa Annulment pero ngayon ay nagbago ang ihip ng hangin. Magandang impluwensiya daw siya sa anak. Pero naisip ni Dei na hindi naman totoo ang kasal nila. At kung sakaling magkaroon siya ng pagmamahal kay Richard ay nais niya ang totohanang kasal. Hindi yun ipinilit at may kontrata.

Maraming nangyari sa unang linggo ng ligawan ng mag-asawa. Nahihirapan man si Richard ay kailangan niyang gawin iyon para mapatunayan kay Dei na totoo ang nararamdaman niya.

May isa pang problema.  Yung Jake na kaibigan ni Dei. Di niya maipaliwanag ang inis sa lalaki lalo na at nagkakasabay silang dumalaw kay Dei sa apartment nito. Patigasan sila nung Jake kung sino ang tatagal. Pero di siya papatalo. Siya ang asawa, siya ang mas may karapatan.

***

"Can I invite you for a date later, after office?" Tanong ni Richard isang araw na sinundo niya si Dei para ihatid sa hotel.

"Okay."

"Sunduin kita mamaya. 6pm. I'll be early, promise." Ngumiti lang si Dei sa pagsagot. Hanggang ngayon, alam niyang di pa niya ito nakukumbinsi. Alam niyang madami pa itong duda sa ginagawa niya. Di na nga niya alam kung paano niya makukumbinsi si Dei. Kailangan na niyang humingi ng payo mula sa kaibigang si Sam para naman makatulong sa kanya. Iba kase ang paraan na alam niya. At di rin naman siya nasanay na siya ang naghahabol sa babae. Siya kase ang nilalapitan. Nalimutan na niya ang unang karanasan sa unang nobya na nang-iwan sa kanya.

Para siyang nangangapa sa dilim. Di niya alam kung anong uunahing gawin. Pati sa opisina ay okupado ni Dei ang isip niya. Kaya bumabagal ang mga trabahong dapat niyang tapusin dahil nauubos ang oras niya sa pag-aalala kung paano makukuha ang pag-ibig ni Dei.

Pagkatapos ihatid si Dei sa hotel ay pumasok na siya sa opisina.

As usual, ang ilang babaeng tauhan nila sa opisina ay nagpapansin para makuha ang atensiyon niya. Di kase alam sa FHI na mag-asawa sila ni Dei. Ang akala ng mga babaeng ito ay single siya. Paranga pribelihiyo sa kanila kung mabibilang sa mga babaeng naikama niya. Pero wala ni isa sa mga babae sa opisina ang naikama na niya dahil ayaw niyang bahiran ng kawalangyaan ang trabaho. Lalo pa at itong kumpanyang ito ay mahalaga sa kanya. Isa pa, madali naman siyang makakuha ng babae dati dahil tunay namang magandang lalaki si Richard at mayaman pa. Kinilala bilang isa sa Youngest Billionaire Bachelor sa bansa. Sino ba ang di makakakilala sa kanya. Kaya anino pa lang niya, nagkakagulo na ang mga babae. Pero di niya maintindihan na ang kaisa-isang babae na bumihag sa kanya, ang pinakamailap at tila ba ayaw pa sa kanya. Karma nga naman.

"Sam pare, kailangan ko tulong mo." Tinawagan ni Richard si Sam na kaibigan.

"Wala man lang hello?"

"Basta pare, pumunta ka dito. Ngayon. Tulunganan mo ako."

"Tungkol na naman saan? Importante ba yan?"

"Ang dami mong tanong! Importante ito! Basta pumunta ka dito. Ngayon din!"Di na siya makakapaghintay.

"Okay. Be there in thirty. Baka trapik. Basta papunta na ako."

Ihahanda niya ang sarili sa mga katanungang gusto niyang malaman ang sagot. Kailangan matutuhan niya iyon ngayon para mamaya ay magawa na niya. Ganun kahalaga si Dei para sa kanya.








A/N No proofread.


The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon