Chapter 4

1.7K 130 15
                                    


Nagising si Dei sa sikat ng araw. May kakaibang kaba siyang nararamdaman.

Ngayon ang araw ng balik niya sa Maynila kasama si Mang Ricardo.

Nagbalik ito noong isang araw at tumuloy muna sa isang maliit na hotel para makadalo sa Pasiyam ng Tatay niya.

Bumangon na si Dei at naghanda na. Maliligo muna siya bago mag-almusal.

Makatapos ay lumabas na siya sa silid para mag-agahan.

"Magandang umaga Dei." Bungad ni Tiya Anying.

"Magandang umaga po."

"Kumain ka na. Maaga daw babalik si Ricardo para sunduin ka."

"Sige po." Nagmadali na si Dei kumain. Ayaw niyang makaabala dahil alam niyang nakakaistorbo siya sa matandang lalaki na nagmamagandang loob sa kanya.

Ilang minuto lang at dumating na si Ricardo.

"Magandang araw po." Bati nito sa kanila.

"Mag-almusal ka muna Ricardo. Ihahanda na ni Dei ang gamit niya." Sabi Tiya Anying.

"Salamat pero busog na ako. Hihintayin ko na lang si Dei."

"Ikaw ang bahala. Nasa kusina lang ako." Sagot ni Tiya Anying.

Inayos ko na ang gamit ko para makaalis na kami.

"Ayos ka na ba? Pwede na tayong umalis." Sabi nito ng lumabas na ako sa kwarto ko.

"Opo. Tara na po para di tayo tanghaliin. Dadaan po muna ako sa dormitoryo para makapagpaalam sa kasera ko at sa mga kasamahan ko. Kukunin ko na rin po ang ibang gamit ko."

"Walang problema anak. Halika na."

Nagpaalam ako kay Tiya Anying at kay Annie at nagbilin na bisitahin ang puntod ni Tatay paminsan.

Mabigat man sa loob ko na umalis kaya lang kailangan kong tapusin ang requirements ko sa paaralan.

Sumakay na siya sa sasakyan nito.

"Ayos lang na matulog ka muna anak. Mahaba-haba rin ang biyahe."

"Sige po. Ayos lang po ako. Nakatulog naman ako ng maayos kagabi."

"Sige anak."

Napagmasdan ko si Mang Ricardo. Magandang lalaki ito kahit naman may edad na.

Matangos ang ilong, maninipis ang labi at may magagandang mata.

"Tawagin mo na lang akong Tito Ricky. Tutal naman ay doon ka na titira sa aking bahay." Sabi nito.

"Bakit po ninyo ako tinutulungan?"

"Katulad nga ng sabi ko, malaki ang utang na loob ko sa Tatay mo. Kung hindi dahil sa kanya, marahil namatay na ako. Utang ko sa kanya ang pangalawang buhay ko."

"Mabuti po talaga si Tatay. Isa siya sa mga taong hindi magdadalawang-isip na tulungan ang ibang taong nangangailangan kahit pa malagay siya sa peligro." Nangiti ako na maalala ang aking ama.

"Totoo yan anak. Mabuti si Manuel. Masuwerte ka sa kanya."

"Pero wala na po siya. Wala na akong katuwang." Maluluha na naman ako.

"Shhh... Pahinga ka muna. Malayo pa ang Maynila." Tumango ako  bago tumingin sa labas at pinagmasdan ang mga nadadaanang sakahan. Naaalala ko na naman si Tatay. Ang Tatay ko...Miss ko na siya.

****

Matapos dumaan sa dormitoryo para makapagpaalam, ay dumiretso na kami sa isang magara at malaking mansiyon.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon