Chapter 25

1.9K 152 16
                                    

Nag-ayos si Dei ng di typical na itsura niya. Gusto niyang maging maganda sa gabing iyon sa hindi malamang madahilanan.

Busy siya sa paglalagay ng lipstick ng marinig na may tumatawag.

Agad niyang tinignan ang  caller id sa phone dahil inakala niyang si Luane o si Paolo, pero hindi sila ang tumatawag.

Si Jake Montecillo.

Oo nga pala matagal na silang di nagkikita. Pero minsan ay nagkakapalitan sila ng Hi at Hello sa text. Pero bukod doon, wala na. Nagtataka tuloy siya kung bakit ito tumatawag.

Ganunpaman, sinagot na rin niya.

"Hello?"

"Hello, Dei! Busy ka?"

"Di naman. Why?" Pagsisinungaling niya.

"Yayain sana kitang lumabas. Kung okay lang?"

"Ha? May lakad kase ako. Nagyayaya yung friend ko sa Club Ibiza." Wala na siyang nagawa kundi magsabi ng totoo.

"Ah ganun ba? Anyway, wala naman akong gagawin, pwede bang sumama?  Kung okay lang sayo?" Nagulat siya. Pero wala namang masama.

"Okay."

"Thanks. Sunduin kita doon sa building mo?" Paano niya sasabihin na di na siya doon nakatira?

"Ah Jake, kase di na ako doon nakatira. Nasa Taguig na ako. Okay lang magkita na lang tayo sa Club."

"No Dei. Malapit lang ako sa Taguig. Sunduin na lang kita. Send mo exact address mo. Punta na ako diyan."

"Ayos lang ba sayo? Di ba nakakahiya?"

"Ano ka ba? Okay lang. No problem. Saan ba?"

"Send ko na lang sayo. Tapusin ko na ito para makaalis na tayo."

"Okay. Thank you sa pagsama sa akin ha?"

"Wala yun. Bye na. See you later."

"See you!"

****

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Siniguro na maganda na ako bago ako tumigil.

Naghintay lang ng sandali at maya-maya rin ay dumating na si Jake. As usual ang gwapo niya sa suot niyang maong at light blue button downs at white snickers. Napakagwapo ng lalaki. Mukha pang mabango. Napaka-neat ng dating kahit di kaputian. Malayo sa kulay ni Richard na sobrang tisoy.

"Let's go?" Tanong niya nung lumabas ako sa gate ng apartment. Nakasandal siya sa kotse niyang black Montero Sport. Lalo tuloy lumabas ang kagwapuhan.

"Let's go!" Sagot ko. Pinagbukas pa niya ako ng pintuan. Feel na feel ko ang pag-aalaga ng lalaking ito. Pero ayoko mag-assume dahil wala naman sinabing intensiyon na manligaw.

We did small talk on the way to Club Ibiza. Nagtext na rin sila Luane at Paolo na naroon na sila.

Medyo natrapik kami sa intersection papasok sa BGC kaya matagal bago kami nakarating sa lugar.

"We're here." Bali niya sa katahimikan.

As usual, ipinagbukas ako ng pintuan ni Jake. Nakakahanga talaga siya.

Madali naman kami nakapasok sa Club dahil nakaabang na si Paolo sa amin. Ang bakla, namulaklak ang mata ng makita na may kasama ako.

"Pao, this is Jake Montecillo, friend ko. Jake si Pao, officemate ko." Pakilala ko.

"Hi, Pogi." Bati naman ng bakla. Wala man lang kafinesse-finesse.

"Hi!" Sagot ni Jake.

"Let's go inside." Yaya ni Pao.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon