Chapter 9

1.6K 130 11
                                    


It's Saturday today.

Naiisip ko pa ang napag-usapan namin ni Tito Ricky. Hindi pa rin ako nakakapagdesisyon.

Gusto kong makasiguro. At the same time di ko naman obligasyon na pabaitin ang Richard na iyon. Siya lang ang makakatulong sa sarili niya.

Pero dahil naawa rin ako kay Tito Ricky ay icoconsider ko rin ang hiling niya. Tutal naman, naging mabuti ito sa akin sa sandaling panahon.

Hindi ako bumaba muna. Naligo at nagsuot lang ng tshirt at maong shorts at sinimulan ayusin ang kwartong tinutulugan ko.

Nakapahinga rin ako sa wakas. At dahil sa walang pasok, balak kong labhan ang mga damit ko. Di ko iaasa kala Ate Digna ang paglalaba ng mga damit ko.

Biglang may kumatok habang nagtitiklop ako ng maruruming damit.

"Ate Digna, bakit?" Bumungad kase ito sa pinto pagbukas ko.

"Pinatatawag ka na ni Sir Ricky. Sumabay ka na daw sa kanyang mag-almusal."

"Ha?"

"Huwag kang mag-alala, tulog pa yung isa. Halika na at baka mag-abot pa kayo."

"Sige ate sunod na ako. Aayusin ko lang ang mga labahin ko."

"Ako na bahala diyan. Halika na." Wala akong nagawa kundi sumunod kay Ate Digna.

"Good Morning po, Tito." Bungad ko.

"Good Morning din iha. Kumain ka na. Digna, ipaggawa mo ng kape si Dei." Utos nito.

Naupo na ako sa gilid niya at nagsimula ng kumuha ng tinapay at itlog.

"Kumain ka ng marami. Namumutla ka o. Baka mamaya magkasakit ka. Dalawin pa ako ni Manuel." Biro ni Tito Ricky.

"Opo. Salamat po pala ha! Ayos na po lahat ang bayarin ko sa Graduation. Maraming salamat, magpraktis na lang kami."

"Good. Nakakatulog ka ba ng maayos dito?"

"Ay opo. Malambot ang kama at malamig sa kwarto. Nakakapahinga po ako."

"Mabuti naman iha." Tuloy lang kami sa pagkain at paminsan na usapan ng biglang lumabas ang anak ni Satanas at dumalo sa amin sa hapag.

"Good Morning Dad." Bati nito na akala mo ay wala ako. Di man lang ako pinansin. Pero ayos na iyon kaysa naman insultuhin lang akong Gold Digger.

"Richard, nakausap mo na ba si Atty Santillan?" Tanong ni Tito Ricky dito. Nagdilim ang mukha ng hudas. Di ko alam kung bakit. Pero binalewala ko lang. Di naman niya ako mawawalangya ngayon dahil kaharap si Tito.

"I did."

"Naniwala ka na?"

"It's not yet over Dad. I know how you play." Sabi nito na nang-iinsulto pa.

"I'm not playing Richard James. I'm just telling the truth." Parang ayaw ko ng makarinig ng diskusyon nila. Di ako kasali doon.

"Tito, doon na po muna ako sa likod bahay."

"No Dei, I want you to stay." Tumango lang ako.

Nakita ko na umirap ang lalaking anak ni Satanas sa akin. Pero wala akong pakialam. Gutom ako kaya kakain ako.

"Okay Dad, papayag na ako. Pero sa isang kondisyon."

"What?"

"I will marry her for a year only. And..."

"What?" Napataas ang boses ni Tito. Napangisi naman ang anak ni Satanas.

"I will still do what I like to do."

"And that is?" Tanong ni Tito Ricky.

"Yung bachelor life ko. What I do, fuck women whom I want to.  I guess wala naman kaming intimacy niyang alaga mo. I have needs and I don't think that woman can satisfy me in bed. Tama ba, Miss Gold Digger?" Sobra na siya. Akala naman niya ay gusto ko siya. Hello! Kung kani-kaninong babae naisuksok ang pagkalalake niya? At di ako papayag na mabilang sa mga iyon.

"No need to ask, Mr Asshole! I have no intention in marrying you! Not ever!"

"Wow! Matapang ka pa ha? If I know, nilalandi mo ang daddy ko kase siya ang may mas pera sa amin." Pang-iinsulto pa nito sa akin.

Tumayo ako at ibinuhos sa mukha niya ang malamig na juice.

"How dare you! Di ka kagwapuhan para pagpantasyahan ko! Mamamatay akong birhen kaysa mapunta sayo!" Naiinis na ako at tumayo na para umalis ng kumedor. Di ko alintana na galit na rin si Tito. Basta gusto ko ng umalis dito. Ayoko ng may kasamang masama ang ugali.

Aalis ako, kahit pa umayaw si Tito. Hindi na tama na insultuhin pa ng gagong Richard na iyon ang pagkatao ko.

Hindi ako papayag na.




****

"Look what you've done Richard!" Galit na galit si Ricky sa anak.

"She deserves it!" Balik nito sa ama.

"Alam mo, hindi sayo umiikot ang mundo. At dahil diyan, ikaw na rin ang tumalikod sa mga kayamanang hinahangad mo! I will donate it all to Dei. Kaya magbalot ka na at iwan mo na ang lahat ng pag-aari mo! Ngayon, I will do what I say!" Galit na galit si Ricky. Tumayo ito at itinapon sa pinggan ang  table napkin nito.

Nagulat si Richard. Di niya inakala na mauubos na ang pasensiya ng Daddy niya dahil sa kagaguhan niya.

Pero mali naman talaga ang Daddy niya. Di naman tama na hindi sa kanya mapunta ang mga ari-arian ng mga magulang. Siya ang rightful heir.

Pero bakit ganun kalakas ang babaeng iyon sa ama? Anong hawak nitong alas at bakit ganun na lang siyang balewalain sa manang dapat ay sa kanya naman mapunta?

Kailangan niyang sundin ang Daddy niya. At the same time, gusto din niyang malaman ang dahilan nito kung bakit ganun na lang nito alagaan yung Dei na iyon.

He has to make a plan. And if it will give back his right as heir ng Daddy niya, sasakyan niya ang palabas nito. Papakasalan niya ang babae pero iiwan din pagka-isang taon.

A/N No proofread.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon