Chapter 6

1.6K 126 18
                                    

Nasa kumedor si Ricky habang nag-alamusal.

Nakaabang lang si Marie para kung kailangan nito ng kahit na ano ay nakahanda siya.

"Dad? Why did you let that gold digger to live here?" Bungad ni Richard sa ama.

"Wala kang pakialam Richard.." Sagot nito sa anak na hindi man lang tinapunan ng isang tingin at patuloy sa pagbabasa ng diyaryo.

"God, Daddy! You're impossible! Kaanu-ano mo yung Gold Digger na yun? Bakit tinutulungan mo?"

"Si Dei siya! Call her by her name!" Banta ng ama na ibinaba na ang diyaryo sa mesa.

"Ayoko! Hangga't nandito ang babaeng yan, di ako titigil!" Banta rin ni Richard.

"Bahala ka! Pero nakapagdesisyon na ako. Nakausap ko na rin ang mga abogado ko. Kapag di mo pinakasalan si Dei, sa kanya mapupunta ang lahat ng kayamanan ko, at wala kang makukuha kahit singko!" May taas na ng boses ang ama.

"Putang ina! Ano bang pinakain sayo ng babaeng iyon? Wala siyang karapatan! Alam ko na di mo magagawa yan! Niloloko lang ninyo ako dahil galit kayo sa akin! Di ako natutuwa, Dad!" Sigaw nito sa ama.

"Nagawa ko na. Kausapin mo pa si Atty. Santillan para maniwala ka!" Sagot ni Ricardo ng may diin.

"Di ako papayag! May karapatan si Mommy sa kayamanan na yan! Di lang sayo! Kaya mapupunta sa akin ang parte ni Mommy! At yung sayo? Bahala kang ipamigay sa oportunistang babaeng iyon!"

"Don't you remember na ako ang nagpalago ng negosyo? Na sa akin nakapangalan ang lahat ng ari-arian natin dahil ayaw ng mommy mo na makialam? Baka nakakalimutan mo lang. So anong karapatan ang sinasabi mo?" Galit na rin si Ricky sa anak. Kailangan nitong matuto ng tamang asal.

"I hate you, Dad! Wala kang kwenta!" Hinampas pa nito ang mesa.

"Go on! Wala akong pakialam. Si Dei ang makikinabang sa pinaghirapan ko, unless na papakasalan mo siya, saka ka lang magkakaroon ng karapatan! It's final and executory, Richard James."

"Kakausapin ko ang mga abogado ko! Hindi ka mananalo sa akin Dad!"

"Then do it! I know mapapahiya ka lang!" Tumayo na ang ama at umakyat sa kwarto nito. Nagpupuyos sa galit si Richard. Lahat ng pinaghihirapan nila ay mapupunta lang sa wala. Pero di siya makakapayag. Hinding-hindi! Hindi sa isang mapagsamantalang gold digger mapupunta ang pera at kayamanan ng pamilya. Kailangan niyang makausap ang abogado niyang si Sam Gogna. Baka makakita sila ng loophole sa testamento ng ama.

Bago siya pumasok sa kwarto niya ay naisip niyang dumiretso sa kwarto ng babaeng dahilan ng paghihirap niya. Kailangan niyang ipakita dito na di siya mananalo laban sa kanya.

Isinalya niya ang pinto ng kwarto ni Dei. Pero wala ito. Maayos na ang kama nito at mukhang nakaalis na.

Pero di siya papayag. Magtutuos sila! Aabangan niya ang babae mamaya at palalayasin niya. Di siya makakapayag na makuha nito ang para sa kanya.

But for the mean time, kailangan niyang makuha ang information kay Atty Santillan. Isasama niya si Sam para makita kung paano reremedyuhan ang ginawa ng ama. Kailangan maayos iyon bago mahuli ang lahat.







****

"I'm sorry Chard pero valid at legal ang ginawa ng Daddy mo." Sabi ni Sam at ni Atty. Santillan.

"Wala na bang pag-asa na mabago yan? Di naman ako papayag! Luge ako diyan, pare!" Sagot ni Richard.

"Pare, ang pinakamagandang gawin mo, maging mabait ka doon sa Dei na iyon at pakasalan mo para mabalik sayo ang kayamanan na para sayo." Payo ni Sam. Bagsak ng balikat ni Richard. Galit din siya pero wala siyang magagawa. Kailangan niyang sundin ang gusto ng ama.

Nagpaalam na sila ni Sam kay Atty. Santillan.

"Pare, diretso tayo sa Club Ibiza. Hinihintay ako ni Janine!" Yaya nito kay Sam.

"Pare may hearing pa ako. At teka bago na naman yan? Iba ka pare!"

"Ako pa!" Sagot nito na di pa rin maikubli ang galit sa mukha.

"Magsaya ka na Chard. Malapit ka ng matali! Ahahaha!"

"Kahit makasal ako sa gold digger na yun, sinisiguro ko, impiyerno papasukin niya! Makikita niya ang bagsik ko!" Banta ni Richard.

"Sige na Pare! Kita na lang sa Sabado. Sama ko si Patricia. Sama mo yang Janine na bago mo!" Paalam ng abogadong si Sam kay Richard. Naghiwalay na sila ng sasakyan.

Napailing si Chard. Hanggang Biyernes lang ang taning niya kay Janine. Pagkatapos nun, sa tabi na naman ang bagsak nito katulad ng mga babaeng dumaan sa kamay niya.

Sumakay na siya sa kotse niyang Audi R8 bago pinaharururot ito patungo sa bagong prospect niya na nasa Club Ibiza. Tutal naman naiinis siya, mabuti pang magsaya siya at magpasasa sa katawan ng bago niyang biktima. Wala naman masamang makipagsex,  iyon ang makakapagpakalma sa galit niya, at makakatulong para makalimot siya sa kawalangyaang ginawa ng ama niya sa kanya.

***

Pagpasok sa Club Ibiza, naabutan niya ang babae na naghihintay.

"There you are babe! I missed you! Akala ko di mo ako sisiputin." Malanding sabi ng babae.

"Let's get down to business." Hinalikan niya ang babae at pinisil ang puwet nito.

"Nanggigil ka na sa alindog ko. Tara na, magcheck in na tayo! Di na ako makapaghintay na paligayahin mo.." Pang-aakit pa nito.

"Me, too. I can't wait to eat that pussy of yours babe.." Malandi ring sagot ni Chard.

Hinila na niya ang babae papunta sa kotse niya. Diretso ito papunta sa hotel kung saan maghapon magdamag pagsasawaan ni Chard ang Janine na iyon.

Yun nga lang, sa Biyernes, tapon na ulit ito sa basurahan. Di siya tatagal sa isang babae. Parausan lang ang mga ito para sa kanya.

At yung Dei?

Napangisi siya sa naisip.

Siya man ay pagsasawaan niya kapag nakasal sila, at pagkatapos ay iiwan niya itong luhaan na kahit na singkong duling ay walang makukuha sa kayamanan niya. Ano siya sinusuwerte? Mas tuso yata si Chard sa kanya.

Yun ang isiping tumatakbo sa utak niya habang ang Janine ay nagpapakasasa sa pagsubo ng pagkalalaki niya.




A/N Aw! Wild! Ahahaha! More mature contents. No holds barred! Di na ako guro kaya pwede na kong magpakawild sa stories ko! Hehehe! Cheret!

No proofread.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon