Chapter 13

1.5K 127 12
                                    


Binabasa ni Richard ang dokumentong naglalaman ng Agreement nila ng ama.

Nakasaad doon na hindi siya pwedeng kumawala sa kasal sa loob ng isang taon dahil magreresulta iyon sa paglipat ng lahat ng ari-arian nila sa pangalan ng babae. Kaya wala siyang magagawa kundi tiisin na makisama kay Dei.

Hindi man kaaya-aya sa pandinig niya na mapipirmi siya sa iisang babae, pero kailangan niyang gawin iyon. Sinabi naman ng ama na di siya minamadali pero pilitin na maging tapat kay Dei. Napagkasunduan din kase na tanggalin bilang kondisyon iyong  pag-iwas sa pambabae dahil hindi niya kakayanin tumagal sa kasal na iyon. Isa pa, kusang pagbabago sa tulong ni Dei ang usapan. Hindi sapilitan.

Napapayag naman ang Daddy niya sa kondisyong pipilitin pa rin na gampanan ang pagiging asawa at pag-iwas  o bawasan man lang ang pambabae.

Napasapo siya ng ulo. Napakalupit ng ginawa ng ama. Isang bagay na labag na labag sa kalooban niya.

Pero kung iyon lang ang magiging paraan para mabawi niya ang nakalaan para sa kanya, magtitiis siya.

Actually di naman ang pera ang mahalaga sa sitwasyong ito, kundi ang isipin na dahil lang sa kapritso ng ama, handa itong isugal ang lahat ng kayamanan. Bagay na di maintindihan ni Richard. Walang may karapatan doon kundi siya bilang anak. At hindi ang Dei na iyon.

Ganun na ba kahibang ang ama? Ng dahil sa utang na loob sa ama ni Dei ay ibibigay niya ang lahat ng pinagsikapan nilang pamilya. Di talaga makatotohanan! Meron pa rin palang ganitong klaseng senaryo? Yun gagawing itaya ang lahat para lang sa walang kwentang bagay. Sumasakit ang ulo niya sa kaiisip pero wala siyang maisip na dahilan. Sadya sigurong nasisiraan na ng bait ang ama.




****

Bago nagpakasal si Richard at si Dei ay pumirma ang huli sa isang Pre-Nup Agreement.

Natatawa si Richard mag-isa dahil iniisip niya na inaakala ata ng babaeng ito na mapapaniwala siya sa ginawang pagpirma. Alam niya na mas malaki ang makukuha nito kapag hindi  tumupad si Richard sa usapan nila ng Daddy niya. Kaya ang perang makukuha ni Dei kung sakaling maghiwalay sila pagkatapos ng isang taon ay wala pa sa kalahati ng kayamanang makukuha niya kapag sumuway si Richard sa kasal. Why settle for less, ika nga!

Balewala ang Pre-Nup dahil barya lang naman ang usapan doon. Mas malaki ang buong kayamanan ng mga Faulkerson kaysa conjugal property na magkakaroon silang mag-asawa na hahatiin kapag naghiwalay sila.

Pagkatapos ng pirmahan ay ikinasal  na sina Dei at Richard sa isang judge at ginanap ito sa kanilang tahanan.

Walang ibang tao ang nakakaalam kundi ang mga kasambahay at ang mga abogado nila Richard at Daddy niya. Bukod doon, wala na.

Di rin ito ipinalabas sa media. Kaya natuwa si Richard. Mabuti na rin dahil ayaw niyang malaman ng mga babaeng nagnanasa sa kanya na kasal na siya.

Di rin siya makapapayag na magmukhang tanga dahil sa dinami-dami ng babaeng pakakasalan niya ay isa pang gold digger at ordinaryo ang itsura. Hindi katulad ni Dei ang mga tipo niya. Para sa kanya, ang nababagay na babae sa mga tulad ni Richard ay sopistikada, mayaman at maganda. Ang mga babae kase para kay Richard ay dekorasyon lang na ibabalandra sa mga parties, media at events ng kanilang mga asawa. Tagapagpaligaya sa pangangailangan ng mga kalalakihan sa kama. Bukod doon, wala na. 

Narealize niya iyan nung iwan siya ni Trisha para sumama sa ibang lalaki dahil hindi niya naibigay ang gusto nitong sex dahil sa sobrang pagrespeto sa nobya. Yun naman pala ay gusto lang magpagamit ng katawan kaya naghanap ng tagakamot sa kati ang babae.

Doon na nagsimula ang galit niya sa mga babae at kawalan ng tiwala sa mga ito. Kaya simula noon ay itinuring na niya ang mga babae bilang parausan at pangkama lang.

Pero ngayon na kasal na sila ni Dei, ipaparanas niya dito ang lupit niya. Nagkamali ito sa pagpayag na magpakasal sa kanya.

Ang isang buong taon ng pagsasama nila ay sisiguruhin niyang magiging impiyerno para kay Dei.

May madilim at nakakalokong ngiti si Richard ng isuot niya ang singsing sa mga daliri nito.

Mababakas ang maitim na balak sa mukha nito na nagpakilabot sa pagkatao ni Dei.






A/N No proofread.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon